Episode 4 --- A Guy From The Past ---

4.1K 70 5
                                    

Alfred's POV

Sinurpresa. Hinablot. Nasapak. Tumumba. Iyan ang inabot ko sa pangsusurpresa ko kay Mychiel. Langya! Hindi ko naman kasi alam na may boyfriend na pala siya. Napasama pa tuloy ang ginawa ko. Hindi man lang niya sinabi sa akin na may boyfriend na pala siya. Na hindi ko na maaari pang gawin ang pangako ko sa kanya noong highschool pa kami. 

Flashback
Heto na naman ang mga classmate kong bully. Hinihingi na naman ang baon ko pero wala naman akong magawa, kapag hindi ko binigay sa kanila ang baon ko, sasabihin nila sa buong klase na tulo-laway ako matulog. Hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko kapag nagkataon. Iba na ngayon ang paraan kung paano nila ikalat ang ganitong mga balita. Sa pamamagitan na ng social media kaya mas nakakahiya dahil hindi lang sa klase namin ito kakalat kung hindi pati na rin sa buong eskwelahan at maging sa ibang lugar kung saan makakarating ang balitang ito. Ang mahirap pa nito ay may video sila na natutulog ako habang tulo ang laway ko at gumagawa ng mapa sa desk ko.

Ibibigay ko na sana ang baon ko nang may biglang sumigaw.

"Hoy mga hampaslupang wala ng ginawa kung hindi kawawain ang mga taong walang laban sa inyo. Tigilan nyo na 'yan kung ayaw niyong ireport ko kayo sa principal." sabi n'ong babae. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na lingunin ang sumigaw. Babae. Babae ang sumigaw. 

"Pfft! Ang tapang mong babae ka aa. Ano ba pinaglalaban mo?" sagot ni Dela Cruz. Isa siya sa mga classmate ko na bully, kasama niya sina Gray at Burns.

"Aa sinusubukan niyo talaga ako aa." tumakbo siya papuntang principal's office.

Pinagpatuloy lang nila Dela Cruz ang pambubully sakin. Binabatukan, sinasampal tapos pinapaegg roll nila ako. Kung ano maisip nilang gawin, pinapagawa nila sa akin.

"Principal sila po yung sinasabi ko na nambubully." turo niya kina Dela Cruz. Hindi ko naman inaasahan na magsusumbong talaga sita. Ibang klase sa tapang ang babaeng ito. Nang makita nila Dela Cruz ang principal, nagkanya-kanyang takbuhan sila ngunit bigo silang makatakas dahil agad din silang hinabol ng guard na kasama ng principal namin. 

Napatingin ako sa babaeng nagsumbong sa principal. Maganda siya, maputi, mahaba ang buhok, sa unang tingin akala mo babaeng-babae pero sa tuwing iniisip ko kung gaano kagrabe ang tapang niya, mas lalaki pa siyang umasta kaysa sa akin. 

Dug dug, Dug dug!

Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makalapit na siya. It may sound corny but I think it was love at first sight. Inalalayan niya ako para pumunta sa clinic. Inutusan kasi siya ng principal namin na gamutin ang mga sugat ko sa clinic.

Habang papunta kami sa clinic ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Pigil-hininga ako habang binabaybay namin ang kahabaan ng hallway papuntang clinic. Kasalukuyan niyang ginagamot 'yong kaunting galos na natamo ko dahil sa paghampas nila. Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa babaeng gumagamot sa akin. Ang bait niya grabe. Pero hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Gusto kong malaman ang pangalan niya. 

"Thank you --- uuhh~" ito lang ang naisip ko para malaman ko ang pangalan niya.

"Mychiel. Mychiel Maxine's my name and you are?" balik tanong niya. Lihim naman akong natuwa dahil walang pagtataka niyang ipinakilala ang sarili niya sa akin. 

"A-alfred. G-gibso-on Alf-fre-- araayy!" napadiin niya kasi ang ginagawa niyang paggamot sa sugat sa bibig ko.

"HAHAHAHA! Alfrearay pangalan mo? Seriously?! AHAHAHAHA!" halikan ko kaya ito nang matahimik? Pero ang ganda niya lalo kapag tumatawa.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon