Episode 3 --- Beginning of a Messy Life ---

5.5K 81 22
                                    

Mychiel's POV

Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl? Haba ng hair, salon treat from root to tip. Haba ng hair, sayo pa rin ang korona. Haba ng hair, ikaw na ang malupit!

Wag ka alarm ko yan! Pag naririnig ko yan sa umaga feeling ko ang ganda -- no scratch that, ang dyosa-dyosa ko at ang haba talaga ng hair ko.

Hindi na kami nagtawagan pa ni Tristan kagabi dahil sa mga nangyari kahapon. Ok na sana iyong nakita ko si gwapong oppa pero umeksena pa iyong chakang pulubi. Lakas ipakilala sa ang sarili niya sa isang dyosa na katulad ko. Iyon ang isa sa mga pinakaayaw ko ee, iyong feeling close ang isang hamak na hampaslupa sa isang dyosa na katulad ko. Pero grabe! Hindi pa rin ako makaget over kay gwapong oppa. Saan kayang building siya nag-aaral? Sabi niya Xevier daw ang pangalan niya. Stalk na iyan sa akin mamaya sa FB at Instagram! Hay oppa Xevier, kapag ba bagong gising ka sa umaga nakatayo 'yong ano mo.. 'yong buhok mo! Kyaaaaaaaaa!! Keheret ke telege!

"Ano ba yan? Nagtataksil na ba ko kay baby?" sabay sampal sa pisngi ko para matauhan ako at in fairness naman, ang sakit pala ng sampal ko. Masubukan nga ito minsan sa kaibigan kong si Greshel. Minsan kasi atribida iyon sa mga pagpapantasya ko ee. 

"Hindi naman siguro. Alam mo minsan malisyosa ka lang talaga. Tsk! Bawas-bawasan mo na iyan at nakakabawas iyan sa pagiging dyosa mo." sabi ko sa repleksyon ko sa salamin sabay ngiti. Ganda ko kainis!

Done preparing and ready to make rampa na sa school while waiting for my ever loving boyfriend with abs and v-line and you know... gwapo.. Hihihi! 

Dan dan dan dalandan, lasap na lasap, real na real, dan dan dan dalandaaaann~

Kusa naman akong napasayaw dahil sa ringtone ko. Hinayaan ko muna siyang tumunog kasi ang sarap na ng pagsayaw ko ee. Bago matapos ang kanta ay sinagot ko na with matching sayaw pa rin. 

"Hello?" sagot ko.

"Hello?!" tiningnan ko ulit yung phone ko. Hindi pa naman niya binababa ang tawag ko pero bakit hindi niya sinasagot ang hello ko? Siguro nagandahan din siya sa boses ko. Tsk! Maliit na bagay. Ganoon talaga kapag dyosa. Hindi lang mukha ang puhunan, pati boses kasama!

Bigla pumasok sa isip ko 'yong pulubing hampaslupa kahapon. Napatingin naman ako sa paligid ko. Luminga-linga ako para hanapin kung nandito siya at sinusundan ako. Pero...

"Paano magkakaron ng phone yung pulubing yun ee pulubi nga siya, at saka hindi naman niya alam ang number ko ee. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Ano ba ang magagawa ng hampaslupa na iyon sa dyosang katulad ko?" sabi ko na lang sa sarili ko para mawaglit sa isip ko ang takot. 

Sakto naman dumating na si baby Tristan. Kaagad ko siyang niyakap at hinimas ang abs niya. Napatawa na lang siya sa ginawa ko at saka bahagyang yumuko.

"Baby, minamanyak mo na naman ako. Hayaan mo at matitikman mo rin iyan kapag kasala na tayo. I love you baby." pilyong sabi ni Tristan.

"Ene ke be?! Ang bashtosh mo! I love you too... and your abs too. Hihihi!" sabi ko sabay kiss sa cheeks at yakap habang patuloy na hinihimas ang abs niya.

Bagong araw, bagong level ng kasweetan ni Tristan. Kaya mahal na mahal ko ang boyfriend ko ee. Paano na lang kaya kapag kasal na kami? Siyempre pagkatapos ng kasalan, honeymoon na. Yiiiiiiee! Mahahawakan ko na ng walang harang ang abs ni baby tapos...... 

"Baby, anong iniisip mo at napapangiti kang mag-isa diyan?" nakangiti pero may bahid rin ng pagtataka ang paraan ng pagtatanong niya.

"Wala naman baby. Naisip ko lang, paano na lang kaya kung hindi tayo nagkakilala? Magiging masaya kaya ako katulad ngayon? Kaya nagpapasalamat ako kasi nakilala kita, hindi lang basta basta nakilala, naging boyfriend pa!" palusot ko pero nginitian niya ako. Grabe! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Ngiti pa lang ulam na pano na kaya kapag nagtopless na siya? Half course na! Full course kapag wala na siyang suot talaga! Huwaaaa!! Ang landi mo Mychiel. Dalaga ka na talaga.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon