Episode 9 --- Scarred Heart ---

2.3K 32 8
                                    

Tristan's POV

Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa din maalis sa isip ko ang mga nangyare ng araw na yun. Ilang araw ko na din na iniiwasan si Mychiel.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit sa dinami dami ng pwedeng mangyare sa relasyon namin ee yung mga sitwasyon pa na parang hindi na kayang maresolba pa. Hindi ko na talaga alam kung paano ko pa malulusutan ito." ilan lang yan sa mga iniisip ko. Sobrang gulo, sobrang hirap at sobrang sakit. Tipong gusto ang sarap idrop lahat ng meron ka.

"Sumuko?" sabi ko sa sarili ko na may kasamang ngisi habang patuloy na bumabagsak na parang gripong di naisarang mabuti ang mga luha ko. "Yun na lang ba talaga ang magagawa ko? Ang sumuko?! ha---ha---ha...." pati boses ko parang wala na ding buhay, walang pag-asa. Gabi gabi ganito na lang palagi ginagawa ko. Parang yung sakit na nararamdaman ko ang nagiging sleeping pills ko.

Pakiramdam ko hindi ako karapat dapat kay Mychiel. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Mahal na mahal ko siya at tingin ko hindi naman ako nagkulang sa kanya, pero paano niya naitago sa akin yung bagay na yun? Mawawala na ba talaga sakin si Mychiel? Sobrang gulo ng isip ko, gusto ko muna tumakas sa kaguluhang ito kahit saglit lang. Ayoko na munang mag-isip. Hindi na kaya ng utak ko at sobrang sakit na din ng nararamdaman ko. "Mahal na mahal kita Mychiel pero-----" at nakatulog na ko sa pagod at sa sakit na nararamdaman ko.

Papasok na ko school at napagdesisyunan kong wag na munang sunduin si Mychiel sa bahay nila. Gusto ko din munang mapag.isa at makapag-isip ng mabuti. Galit pa din ako sa kanya dahil hindi niya sinabi sakin ang tungkol sa arranged marriage na yun pero nagawa niyang sabihin sa lalaking yun.

Dumerecho na ko sa room namin dahil late na din ako sa first period namin.

"Mr. Turner, you're too early for your next subject. Wait outside. I told all of you that I hate latecomers." sabi ni Prof. Bautista.

"Im sorry Miss." at lumabas na ko room namin. Tinungo ko ang canteen para magpalipas ng oras. Wala naman akong gana kumain kaya naupo na lang ako sa isa sa mga tables dito.

Tila napakatagal ng oras, tipong pakiramdam mo isang oras na ang nakakalipas pero ang totoo 15mins pa lang ang lumilipas. Ayoko ng ganito kasi mas naiisip ko ang nangyare kahapon at mas lalo kong namimiss si Mychiel, kelangan may gawin ako, kelangan maging busy ako para hindi ko maisip ang bagay na yun.

Patayo na ko ng biglang may tumawag sa phone ko. Pagkatingin ko unknown number ang lumabas. Sinagot ko naman ang tawag.

"Hello?" sagot ko.

["-------------"] walang sumasagot sa kabilang linya. Akmang tatanggalin ko na sa tenga ko ang cellphone ko ng biglang may nagsalita sa kabilang linya.

["Kayanin mo pa kaya ang mga susunod na mangyayare Turner? Sisiguraduhin kong ikaw mismo ang susuko kay Mychiel. AHAHAHA!"] pagkasabi niya nun ay binaba na agad niya ang tawag. Bwisit! Sinu yung talipandas na yun! Sigurado akong may kinalaman siya sa mga nangyayare. Pero ang ipinagtaka ko ay paano niya nalaman ang pangalan ko.

Pabalik na ko sa classroom ng may mahagip ang mata ko na talagang ikinasabog na ng galit ko at ikinadilim ng paningin ko. Nakita kong may kahalikan si Mychiel. Pinuntahan ko sila sa pwesto nila at saka sinuntok kaagad yung lalaki na siyang naging dahilan para mapahiga siya sa sahig.

"Siraulo ka aa! Bakit mo hinahalikan ang girlfriend ko?!" dinampot ko siya sa pagkakahiga niya at pinagsusuntok ko pa siya. Wala akong pakialam kung sino tong hayup na to! Ang lakas ng loob niyang halikan ang girlfriend ko.

Makailang suntok pa ang nagawa ko sa kanya bago ko siya tigilan. Basag ang pagmumukha niya at putok na din ang labi. Alam kong pinipigilan ako ni Mychiel pero hindi ko siya pinapansin.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon