Episode 6 --- Elvin Howard: Friend or Enemy? ---

3.4K 52 7
                                    

Elvin's POV

"Sir heto na po 'yong mga pinaimbestiga ninyo tungkol kay Ms. Maxine." hindi ko napansin na nakapasok na pala ang private investigator ko dala ang isang brown envelope.

Mataman ko naman siyang tiningnan saka inabot ang envelope na hawak niya. Inisa-isa ko iyon at pinag-aralang mabuti. Hindi ako nagkamali ng pagkuha ng private investigor. Magaling nga siyang mangalap ng mga impormasyon. Narito ngayon sa harap ko halos lahat ng impormasyon tungkol sa pamilya ni Mychiel maging ang araw-araw na gawain niya at ng ama niya ay nandito rin. 

Inabot ko ang bayad ko sa kanya saka nagpasalamat sa mga ginawa niya. Malaking tulong ito para sa mga plano ko. 

#7 Kantutay St. corner Kampupot St. Flowerville Subdivision, Sampaloc, Manila. Ang kasalukuyang address ng kanilang bahay. Alam na alam ko ang address na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang address na ito dahil dito mismo nangyari ang lahat. Dito ko isinumpa na maghihiganti ako.

Ibinalik ko muli sa envelope ang lahat ng impormasyon na mayroon ako hanggang sa mahawakan ko ang isa sa mga pinakaimportanteng papeles na nakuha niya. Kaagad namang gumuhit ang ngisi sa labi ko. Hindi ko akalain na pati ang mga ganitong uri ng impormasyon ay magagawa niyang makuha. Magagamit ko ito para lalong makapaghiganti sa kanila. 

Sinabihan ko ang sekretarya ko na mag-appoint ng meeting with the Maxine Enterprise. Kaagad naman itong tumawag at sinabing sa makalawa ang appointment ko with Mr. Maxine. Muli ay gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. 

Magiging madali ang pagsasagawa ko ng mga plano ko para sa paghihiganti ko.

Bago dumating ang araw ng appointment ko with Maxine Enterprise, inayos ko naman lahat ng mga kakailanganin ko para mapapayag kaagad at hindi na magdalawang isip pa si Mr. Maxine na tanggapin ang alok ko. 

Maliit na halaga lang naman para sa akin ang kailangan nila para muling maiangat ang kompanya nila. Maliit na halaga kapalit ng habang buhay nilang paghihirap sa aking sa mga kamay. 

Tapos ko na ang mga kailangan kong tapusin nang bigla namang dumating ang sekretarya ko para sabihin kung ayos lang daw ba na ngayong araw na ako makipagmeeting kay Mr.Maxine dahil may kailangan itong asikasuhin bukas. Biglaan daw ito kaya hindi pwedeng kanselahin. 

Sinabihan ko naman ang sekretarya ko na tawagan si Mr. Maxine at sabihing papunta na kami. Pagkalabas na pagkalabas ng sekretarya ko ay inayos ko sa suit case ang mga kakailanganin ko saka lumabas ng opisina para pumunta sa Maxine Enterprise. 

Maxine Enterprise

"Good afternoon sir, what can I do for you?" tanong ng sekretarya niya. 

"Can you be my future ex-wife?" biro ko ring tanong sa kanya. Kahit kailan ay hindi umiral sa akin ang lahat ng klase ng panglalandi. Hindi ko kailanman magugustuhan ang mga malalanding mga babae. 

"S-sir?" nagulat niyang tugon sa tanong ko.

"Biro lang Miss. I have an appointment with Mr. Maxine. Can I meet him now?" nakangiting tugon ko sa kanya. Kaagad naman niyang tinawagan ang boss niya at 

"This way sir." at inihatid at pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

"See you later Miss." sabi ko sa kanya ng pabulong at nakita ko ang gulat nanaman niyang ekspresyon. Natatawa ako sa kanya. "See you later paglabas ko ng pintong ito. Makikita ulit kita pagkalabas ko di ba?" nginisian ko na lang siya at pumasok na sa office ni Mr.Maxine

"Good afternoon Mr. Maxine, I'm Elvin Howard of ELF Company." bati ko sa kanya pagkakita ko sa kanya.

"Good afternoon Mr. Howard, please have a sit, what can I do for you? sabi niya.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon