Episode 17 --- My Girl, My Heart ---

2.5K 26 3
                                    

Tristan's POV

Pauwi na kami ni baby sa bahay nila. Nagtext kasi si Tito na samahan ko muna si Mychiel dahil nag.out of country ulit siya para sa isang business appointment.

Maaga natapos ang klase kaya naman bago kami dumirecho sa bahay nila ay niyaya ko muna siyang makipagdate.

Its already 2 months ago nang mangyare ang insidenteng yun. Alam kong natrauma din si Mychiel sa mga nangyare kaya naman mas mabuti kung tutulungan ko siyang kalimutan ang mga nangyare sa kanya.

"Baby! Gusto mo magdate tayo? Matagal tagal na din natin hindi nagagawa yun." yaya ko sa kanya.

"hmmmm.. osige.. Kelangan ko din magunwind kahit papano." nakangiting sabi niya sakin at pagkatapos nun ay ikinawit niya sa braso ko ang kamay nya tsaka kami pumunta sa mall.

Kung ano ano pinaggagawa namin sa mall. Pumunta kami ng Quantum para maglaro. Nag Dance Central kami, basketball, arcade games and even karaoke. Masaya kaming dalawa at talagang nag.enjoy kami.

Nandito naman kami ngayon sa Tokyo Tokyo para kumain. Sa sobrang saya namin, talaga namang ginutom kami. Bakas na bakas ang saya ni Mychiel sa mukha niya. Hanggang ngayon ay nakangiti pa din siya at naging madaldal din. Masaya ako pagganito si Mychiel.

"Masaya ako na masaya ka ngayon baby. I really miss those smiles and laughter." sabi ko sa kanya.

Nakita kong napangiti ko si Mychiel dun kasunod ang paghawak niya sa kamay ko.

"Im so lucky and happy na dumating ka sa buhay ko. I really love you baby! Hinding hindi kita iiwan. You're only mine and I'm only yours baby!" sagot naman niya sakin.

Damn! Its so gay pero kinilig ako sa sinabi ni baby!

"I love you more than you do baby!" sabi ko at hinalikan ko ang kamay niya.

"Tara kain na tayo baby? Gutom na talaga ako ee." sabi niya. Nginitian niya ko. I really love her smiling face. "Thank you for this date. I really do." bago bumalik sa pagkain ay nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. Ang ngiting sakin niya lang pinapakita.

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta naman kami sa park. Bigla kong kinapa yung kwintas na niregalo ko sa kanya. Buti na lang at suot ko. Naalala ko pa nga yung pagdating ni Howard. Ngayon ko lang napagtanto na napakaimmature ko pala nung mga panahon na yun. Ni hindi ko man lang pinakinggan yung side ni Mychiel. Pero I'm so thankful kasi kung hindi nangyare yun, hindi kami ganito ni Mychiel.

With that napangiti na lang ako bigla. Ang dami na naming pinagdaanan ng magiging asawa ko. Oo asawa na talaga. Dun din naman punta nun ee.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan baby?" tanong nya sakin na siyang nagpabalik sakin sa realidad.

"Wala naman baby. Its just that natutuwa ako sa mga nangyare satin. Kahit masakit at nakakasuko ee eto pa din tayo, magkasama, mahal na mahal ang isa't isa. Its true that every painful experience will make you become stronger." sagot ko sa kanya.

"Naks naman baby. San mo hinugot yan?" sabi niya habang umaktong parang may hinahanap.

"Dito baby!" sagot ko then I cupped her face and kiss her in her lips. When I break our kiss nakita kong medyo namula pa siya. Siguro nagulat siya sa ginawa ko.

"I-ikaw talaga! Hindi ka man lang nagsabi, ee di sana nakapaghanda ako sa ginawa mo!" sabi niya.

"Osige next time magpapaalam ako. Ahahaha!!" sagot ko naman. "Tara uwi na tayo? Baka pagod ka na. Kelangan mo na magpahinga at papagudin pa kita mamaya." hinintay ko ang magiging reaksyon niya habang nakatingin sa dadaanan namin, pero wala akong narinig na kahit ano. Pagkatingin ko sa kanya, nakatingin siya sakin ng masama. Nakoo lagot! "Hehe baby I love you!!" at lumuhod ako sa harap niya. Yes! I'm trying to make a scene dahil kung hindi, panigurado away nanaman toh.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon