Episode 5 --- Nothing's Over ---

3.7K 62 8
                                    

Mychiel' POV

Hindi ko ineexpect na magkikita pa kami ni Alfred. Grabe ang tagal na din n'ong huli naming pagkikita. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan no'ng nasa highschool pa ako. Madaming nagsasabi na bagay daw kami pero hindi ko iniintindi yun. Kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.

In fairness naman sa lolo mo, ang laki na ng pinagbago niya. Hindi na siya katulad ng dati na payat at lampa. Kung dati lalambot-lambot siya? Ngayon siya na ang nagpapalambot ng tuhod ng mga babae dahil sa kagwapuhan niya. Nabuild na rin ang katawan niya. 'Yong biceps niya tapos yung oh-so-yummy abs niya noong nagpalit siya ng damit sa harap namin ni baby. Kung wala lang si baby doon, ee di sana nahimas at napisil-pisil ko pa ang mga nakatagong yaman ni Alfred.

"Baby, hindi mo naman naikwento sa akin na may bestfriend kang nasa ibang bansa. Sino ba iyon at kung makayakap sa iyo gano'n gano'n na lang?" nahihimigan ko ang pagseselos ng baby ko. 

"Si Alfred iyon. Matalik kong kaibigan noong nasa highschool pa ako. Umalis sila ng pamilya niya pagkagraduate na pagkagraduate namin. Hindi ko naman inaasahan na babalik pa pala sila. Nasabi niya kasi sa akin na baka doon na sila manirahan sa Canada kaya hindi ko na ikinuwento sa'yo." paliwanag ko kay Tristan sabay yakap habang nakaupo kami rito sa sofa.

"Aa ganoon ba? Ee bakit daw siya umuwi? Anong gagawin niya rito sa Pilipinas?" muling tanong ni Tristan. 

"Hindi ko alam baby. 'Di ba sinapak mo siya kaagad kaya naubos ang oras sa paggamot ko sa sugat niya." sagot ko sa kanya. Nakakaawa tuloy si Alfred. Isang sapak ang sumalubong sa kanta. Pero ok na rin, nahawakan ko naman ang mukha niya at nakita ko pa nang malapitan. Hihihi! 

"I see. Baby, sino ang mas gwapo sa amin?" hinarap niya ako at nagpacute. 

"Hmmmmm... Sino nga ba?" napangiti ako ng hindi ko namamalayan dahil sa ginagawa niya. Isa sa mga minahal ko kay Tristan ay ang ganitong mga pagkakataon. Mga ganitong sitwasyon kung saan pinaparamdam lang niya na akin siya at walang ibang pupwedeng magmay-ari sa kanya.

Unti-unti niyang inilalapit ang nakapout niyang labi sa labi ko hanggang sa magdikit ang mga ito. 

"Sus! Gusto mo lang ako mahalikan baby kaya ka nagpapacute ee." sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Effective naman 'di ba? At saka gusto mo rin naman di ba? Kinikili ka nga o!" pang-aasar niya sa akin. 

"Oo na! Inaasar mo na naman ako. Palibhasa kilalang-kilala mo na ako." at binigyan ko pa siya ng isang pang halik sa labi. 

"I love you baby." bulong niya sa akin sabay yakap ng mahigpit. 

"I love you too baby." tugon ko. 

"H'wag mo akong ipagpapalit sa iba ha. Dapat ako lang ang mahal, minamahal at mamahalin mo habang nabubuhay ka. Promise?" paano kita ipagpapalit Tristan ee araw-araw mong binubuhay ang mga paru-paro sa tiyan ko? Idagdag mo pa ang pagbusog mo sa mga kamay at mata ko sa tuwing nahahawakan at nakikita ko ang abs mo. Hihihi! 

"Hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba baby, promise." and we seal it with a passionate, deep and long kiss. 

"Pwede bang dito na lang ako matulog?" pagkakalas ng halik namin ay iyan agad ang sinabi niya. Tsk. 

"Baby, alam mo namang hindi pwede di ba? Remember your promise to my Dad?" kung ako lang ang masusunod ay gusto ko ring nandito siya pero hindi talaga pwede. Nangako siya kay Dad na hindi kami pwedeng magsama sa iisang kwarto hangga't hindi pa kami kasal.

"Hindi ko nakakalimutan iyon, pero hindi naman ako sa kwarto mo matutulog." sagot nito. 

"Saan ka matutulog dito? Dito sa sofa?" lumawak ang ngiti niya. Alam niya kasing papayag ako.

"Oo, dito na lang ako sa sofa. Kaya ko namang matulog dito ee." sabi niya pagkatapos ay tumayo siya. 

"Mainit kaya rito." pagrereklamo ko. 

"Ee 'di maghuhubad ako ng t-shirt." pagkasabi niya noon ay hinubad nga niya ang t-shirt niya at muling nabusog ang aking mga mata dahil sa hapunan na nakahain sa harap ko. Napalunok naman ako. OH MY GOD!! Mainit na pandesal sa gabi is life!

Nakita ko naman ang pagngisi ni baby. I know he's teasing me kaya niya ginawa iyan.

"I know what you're doing baby. And sige dito ka na matulog dahil anong oras na rin. Be sure na magpaalam ka kay Dad ha." hinaplos ko muna ang mukha niya, pababa sa leeg, sa balikat, collarbone, sa matitipuno niyang dibdib, to his nipples with matching gentle pinch, down to his abs, to his v-line. I heard him groan and that's my cue. If you're going to tease me baby, better do it properly 'cause I can tease you more and leave you hanging. "Goodnight baby. Have a great rest." sabi ko bago tuluyang umakyat sa kwarto ko at kinandado ang pinto.

_________

Elvin's POV

Napurnada ang plano ko ngayon dahil sa pagdating ng kaibigan ni Mychiel. Isang malaking pagkakataon ko na sana ngayon para muling takutin si Mychiel. At ngayon ay mukhang doon pa matutulog ang boyfriend nitong si Tristan. Bwisit talaga! 

Sinabihan ko ang driver ko na iuwi na ako dahil hindi ko rin naman magagawa ang balak kong gawin.

"Sir, maliit lang po ang bahay namin at saka wala po kaming aircon. Hindi pa po kasi kami nakakabili." napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"Anong ibig mong sabihin na maliit lang ang bahay niyo at wala kayong aircon? Anong pakialam ko kung wala kayo niyan?" naiinis kong tanong sa kanya. 

"Sabi niyo kasi sir, iuwi ko na po kayo ee. Kaya sinabi ko po iyon." nakangiting sagot niya sa akin. Masaya siya ee.

"TONTA! Umiral na naman ang katangahan mo! Iuwi mo ako sa bahay ko bobo!" pinapainit mo masyado ang ulo ko. Kung hindi ka lang mabilis magpatakbo ng sasakyan, matagal ka ng sisante sa akin!

Hindi na naman siya umimik at ilang minuto lang ay nakarating din naman kaagad kami sa bahay ko. Agad akong pumunta sa kwarto ko dahil hindi ko na alam ang pwede ko pang magawa kapag may mga katangahan na naman akong narinig.

"Magpakasaya lang kayo Tristan and Mychiel. Sa oras na makakita ako ng magandang tyempo para makakilos, ihanda niyo na ang sarili niyo, lalong lalo ka na Mychiel, lalong lalo ka na!" sigaw ko at saka ko ibinato ang cellphone ko.  

Gagawin ko ang lahat para lang makaganti sa iyo at sa pamilya mo. Lahat gagawin ko kahit pa ang patayin kayo isa-isa.

"Nothing's over Mychiel. Hindi kita titigilan hangga't hindi ako nakakaganti sa inyo!."

____________

A/N: Ohaaa~ natawa ako sa title ng episode ngayon! XD actually kanta kasi yan, ee sumaktong pwede kong gawing title kaya ayan! AHAHAHA!

Anyways, sana magustuhan niyo ang UD ngayon :)

Susme! Para na rin akong nagsulat ng isang buong chapter! AHAHAHAHA! 

Enjoy Reading! 

_____________

Raijiin <3 <3

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon