Episode 15 --- The Clash ---

1.9K 27 5
                                    

Tristan's POV

Patapos na ang klase at malapit na ding mag-uwian. Excited na kong makita ulit ang pinakamamahal kong babae.

Ang tagal lang talaga magdismiss netong professor na ito ee. Ilang minuto na lang. Halos lahat kami nakatingin na sa orasan at inaabangan na tumunog ang dismissal bell.

"10..9..8..7..6..5..." sabay sabay na pagbilang ng mga kaklase ko. Pabulong lang sila magbilang pero rinig na rinig sa buong klase. Tumingin ako sandali sa professor namin pero patuloy lang siya sa pagtuturo na tila hindi naririnig ang pagbilang ng mga kaklase ko.

"3...2....1!"

Ding ding dong
(A/N: Pasensya na sa sound effects!)

"Goodbye Prof!" sabay sabay na pamamaalam ng mga kaklase ko at nag-uunahang lumabas ang mga ito. Ako naman ay inayos ko na ang mga gamit ko at papunta na ngayon sa classroom nila Mychiel.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Stewart, isa sa mga kaklase ni Mychiel.

"Stewart!! Nandun pa ba si Mychiel?" tanong ko kay Stewart.

"oh Turner ikaw pala. Nakita ko siyang papuntang Dean's office bago pa magbell. Bakit? uuwi na ba kayo o magdadate muna kayo? Naks! Kayo na sweet palagi. Kayo nga yata ang iffeature na sweetest couple sa next issue ng school paper ee." sagot niya sakin.

"aa ganun ba? ahaha! Sige maiwan na muna kita at pupuntahan ko lang si baby sa Dean's office." sabi ko at tinungo ang Dean's office.

Malapit na ko sa Dean's office, pakatok na sana ako ng biglang buksan ni Prof. Bautista ang pinto.

"Good afternoon Miss. Tatanong ko lang po kung kasama ni Dean si Mychiel Maxine. Nandyan pa po ba sila sa loob?" tanong ko.

"Wala dito si Maxine. Kaming dalawa lang ni Dean ang nag-usap." sagot niya. Teka! Paano nangyare yun?

"aa sige po Miss. Salamat po." at tinungo ko naman ang guard house. Habang papunta ko sa guard house ay tumingin tingin din ako sa paligid, baka sakaling makita ko si Mychiel, pero bigo akong makita siya.

Narating ko na ang guard house na hingal na hingal kakatakbo.

"Kuya *huff* nakita niyo po ba si Mychiel?" tanong ko kay Kuya. Kilala kami ni Kuyang Guard dahil kapitbahay ko lang siya kaya naging pamilyar na din siya sa kung sino si Mychiel.

"Nako hindi ko pa siya nakikitang lumabas. Alam mo naman yun pagumuuwi mag-isa laging nagpapaalam sakin na sabihin sayong nauna na siyang umuwi." sagot niya sakin. Kung hindi pa siya nakakalabas ibig sabihin nandito pa siya sa school, pero saan? Hindi naman ganoon kalaki ang school na ito para hindi kami magkakitaan, pero san siya nagpunta.

Muli kong inikot ang buong school at nagtanong sa mga kaibigan at kakilala ni Mychiel pero isa lang ang naging sagot nila, hindi nila nakita.

Sobrang nag-aalala na ko kaya tinawagan ko na si Alfred.

"[Hello Tristan. Anong problema?]" tanong niya pagkasagot ng tawag ko.

"[Si Mychiel..... si Mychiel... nawawala si Mychiel! Kanina ko pa.... siya hinahanap..]" hingal na sabi ko dahil patuloy pa din ako sa pagtakbo para hanapin si Mychiel sa loob ng campus.

"[Anooo!!! P-paanong nangyare yun?! Sh*t!!]" pagkasambit niya nun ay binaba na niya ang tawag ko.

Patuloy pa din ako sa paghahanap dito sa campus ng biglang magring ang phone ko. Tumatawag ulit si Alfred.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon