Episode 19 --- Rusted Heart ---

1.5K 17 6
                                    

Mychiel's POV

Ilang araw nang hindi tumatawag o nagttext si Tristan. Sobrang nag-aalala na ko. Idagdag mo pa yung nalaman ko about sa kalagayan niya. Hindi ko ineexpect na may ganung sakit siya.

Noong nakaraang linggo ay pumunta ako sa doctor na nagbigay ng reseta sa kanya. Napag-alaman kong may Dilated Cardiomyopathy siya. Nung narinig ko yun mula sa doktor ay hindi ako makapaniwala dahil sa tagal ng pagsasama namin ni Tristan ay hindi ko siya nakitang sumakit ang dibdib o kung ano man. Pero ang pinagtataka ko ay bakit di niya nagawang sabihin sakin ang sakit niya. Dapat alam ko yun dahil ako ang girlfriend niya. Sabi pa nga niya sigurado na dw siya na ako ang papakasalan niya.

Hindi ko na alam kung san ko hahanapin si Tristan. Wala siya sa bahay nila, kahit sa mga tinatambayan niya wala din siya. Pinuntahan ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero bigo akong makita siya.

"Aalis ako para makapag-isip ka. I'll be on a vacation somewhere."

Saan kaya ang somewhere na yun. Miss na miss ko na siya. Pinagsisisihan ko na ang mga nasabi ko sa kanya. Gusto ko na siyang makita!

"Tristan, please... please come back to me.. I really missed you..." yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba kasi pinagana ko yang "woman's instinct" na yan. Hindi naman pala palaging tama yan ee. Nakakainis. Sana pala inintindi ko na lang siya. Sana pala hindi ko siya pinaghinalaan na may ibang babae. Pero lahat yun sana na lang kasi ang katotohanang wala sa tabi ko si Tristan ay dahil sa kagagawan ko!

Dan dan dan dalandan, sarap ng real, lasap na lasap, real na real, real na real, dan dan -----

Sinagot ko ang tawag dahil napapasayaw nanaman ako sa ringtone ko. Lakas makasira ng pag-eemote ee.

"H-hello..." sagot ko sa tawag. Di ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag sakin.

"Espren!! Kamusta? Nasa bahay ka ba ngayon? Puntahan kita dyan. May dala akong mga pagkain na paborito mo!" masayang sagot ni Alfred. Oo si Alfred nga. Pano ko nalaman? Alam niyo kapag malanding tunay ka, malalaman mo agad kung sino ang tumatawag sayo kahit sa boses lang. Alam niyo na?! That info has been brought to you by Dyosa ng mga malalandi, Mychiel Maxine! *bow*

Wengya! Lakas makasira ng pag-eemote ang scene na ito promise!

Inayos ko lang ng kaunti ang bahay at ang sarili ko habang hinihintay si Alfred. Magpapatulong din ako sa kanya na kontakin si Tristan.

Bumukas ang pinto ko at bumungad ang masayang pagmumukha ni Alfred. Buti pa siya masaya, ako eto pinagsisisihan ko pa din ang nagawa ko kay Tristan.

"Oh espren! Lahat ng paborito mo binili ko aa. Lutuin mo na!" mapang-asar na sabi niya sakin.

Dahil wala ako sa mood, kinuha ko na lang ang mga pinamili niya at dinala sa kusina. Ako na din ang magluluto nito para kahit papaano ay maging busy din ang utak ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagluluto ng mapansin kong may kausap si Alfred sa telepono. Hindi man lang talaga niya naisip na tulungan ako sa pagluluto. Nilapitan ko siya ng di niya alam at narinig ko ang usapan nila.

".... sige ako bahala sa kanya.."

"oo naman! ikaw ok ka lang ba dyan?"

"osige.. basta sabihan mo lang ako kung may kailangan ka aa."

"sige bye."

"Alfre---"

"Ay kabayoo!!"

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon