Chapter 11

11.3K 203 10
                                    


DAMA NIYANG malapit na ito sa kanila, narinig niya ang pagsinghap nito nang maramdaman niyang nasa kanila nakatutok ang atensiyon nito

"S-siya b-ba s-si Tazanna?"

Hindi niya alam kung bakit sa tinig ng babae ay para itong sobrang nagulat at nakakitang ng multo.

"Yes she is. Mom, Dad."

Sagot naman ni Austin na ngayon'y nakahawak sa kaniyang bewang. Alam niyang nakangiti ito habang sinasambit ang mga salitang iyon ngunit para bang may halong sarkasmo.

"H-hello po."

Nauutal niyang sabi sa mag-asawang El Gracia. Pagkatapos no'n ay umupo na silang lahat at dinig ang pag-aayos ng mga katulong sa kanilang hapag.

Hindi parin inaalis ng binata ang hawak nito sa kaniyang bewang dahilan upang mailang na siya.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng nanay ni Austin pagkatapos ay nagsalita.

"So how's the company Austin?"

Napansin niyang biglang naging masaya ang boses nito, nakapagtataka ngunit nararamdaman niya na para bang napipilitan lang ito.

"It's okay mom. By the way this Tazanna, my girlfriend."

Mas lalong humigpit ang hawak nito sa kaniyang bewang na para bang ayaw siyang bitawan, ngunit ayaw niyang magprotesta sa pagkat nasa harap nila ang magulang nito.

Buong hapag ay patungkol lamang ang mga pinaguusapan nito sa business, pero may nararamdaman siyang kakaiba sa mga ito na hindi niya mawari kung ano.

Sumapit ang ilang mga oras at natapos ang mga ito, habang siya ay nakikinig lamang at hindi makaalis sa kaniyang pwesto.

"Althea, go and carry Tazanna on her room, may paguusapan lang kami."

Sabi nito kay Althea at sabay naman nitong tulungan siya paakyat sa kaniyang kwarto, ngunit bago pa siya makaakyat ay nakarinig siya nang tunog ng isang nabasag na babasagin.

Dahilan upang mapapitlag siya at si Althea, ngunit tuloy-tuloy parin siya niting iginayak sa pag-akyat na para bang walang nangyari.

PAKIRAMDAM niya'y binabarena ang kaniyang utak dahil sa sobrang sakit kinaumagahan, ramdam din niya ang sobrang panghihina at pagka-lanta ng kaniyang kasu-kasuan.

"Señorita, gising na po."

Ang boses ni Althea ang nagpagising sa kaniya galing sa malalim na tulog, hindi niya alam kung bakit din nanlalagkit siya sa kaniyang paggising, dahilan upang magulat siya dahil ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoon.

Hindi niya maalala kung anong dahilan dahil alam niya sa sarili na maaga siyang naidlip.

Katulad ng dati ay tinulungan ulit siya ng dalaga na paliguan ang kaniyang sarili, pagkahubad niya ng kaniyang damit ay para bang nagitla na naman ito katulad noong nangyari. Hindi ito nakapagsalita ng ilang segundo, ngunit napansin siguro nitong nagtataka siya kung kaya't nagmadali na'rin ito.

Pagkatapos ay binihisan na'rin siya ni Althea ng damit pambahay at dinala papuntang hapag.

"Wala po ngayon si Señorito, may kikitain ko po siyang isang kaibigan Señorita."

Sabi sa kaniya ni Althea kung kaya't ito ang tumulong sa kaniya upang kumain. hanggang ngayon'y ramdam niya parin ang sakit ng kaniyang ulo at katawan na para bang binugbog ng kung sino.

Iginala niya ang sarili kasama si Althea papunta sa hardin kung saan ay naamoy niya ang halimuyak ng mga bulaklak, naalala niya rati kung gaano niya kamahal ang paggaalaga sa mga bulaklak, kung paano niya pinapangarap na magkaroon ng bulaklak na 'Dahlia'.

Dahlia is native to Mexico. But today it is wildly cultivated. The stunningly colorful flowers bloom between mid-summer and first frost.

To promote blooming, you need to cut back the stem after first flowers fade away. iyon ang nabasa niya rati patungkol sa bulaklak na iyon, at mayroon ding 42 different spieces nito sa buong mundo.

Napansin niya na parang wala si Althea sa kaniyang paligid, pakiramdam niya'y bigla siyang nawala sa kaniyang daan.

"A-Althea?!"

"Althea?!"

Ngunit walang nasagot sa kaniya ni-isang tao man lang, bigla siyang natakot sa nangyari, pakiramdam niya ay mayroong kapahamakan na mangyayari sa kaniya.

Bigla namang mayroong humawak sa kaniyang kamay at bigla siyang hilain, napaiyak siya dahil dito, sobrang takot na ang nararamdaman niya. lalo na't hindi niya kilala kung sino ito.

"Huwag kang maingay."

Alam niya kung kaninong boses ito, Ysmael. Tama! Si Ysmael nga ito.

Pinunasan nito ang mga luha na tumutulo sa mga mata niya, sabay yakap nito sa kaniya ng sobrang higpit.

"B-bakit ka nandirito?"

Natatakot siya sa kung anong mangyayari kapag nalaman ni Austin na nandirito si Ysmael.

"There's no more question to ask Tazanna, I will save you from this place, alam kong may masama siyang binabalak sa'yo, he even also tried to kill me."

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng binata. Alam niyang mabait na tao si Austin at alam niya ring kapatid lang ang turing nito sa kaniya. Nagkakamali lamang ito!

"Halika na! itatakas kita rito."

Sabay hawak nito sa kaniyang kamay. hinila siya nito, ngunit nandoon parin ang pagtataka sa kaniyang isipan.

"Ano bang sinasabi mo Ysmael?!"

Hindi pa man ito nakasagot ay naramdaman niyang bigla itong nawalan ng malay at napahiga sa lapag.

©SinlessApple

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon