Chapter 30

9.3K 154 3
                                    


MATUTULOG na siya kasama ang anak sa bahay na binili ng mga magulang ni Austin.  mayroong tumawag sa kaniyang cellphone. Wala itong pangalan kundi numero lamang. Agad niya naman itong sinagot at makarinig ng isang pamilyar na boses.

"Sino ito?"

Sabi niya sa tumatawag, ilang segundong katahimikan ang namayani at may marinig siyang isang hikbi.

"P-patawad kung sinubukan kong agawin si Austin sa iyo. Akala ko'y magugustuhan niya rin ako kaya't sinabi ko sa kaniya na kasintahan niya ako."

Then she heard a deep sigh while trying not to sob.

"S-siguro iniisip mong napakasama kong tao dahil kaibigan kita, patawad, dahil si Austin pa ang napili ko kahit alam kong ikaw ang mahal niya. Gusto ko lang makahanap ng kalinga dahil may s-sakit ako Tazzana, oo. May sakit ako, at siguro ito na rin ang pinakahuling tawag ko sa mundo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Narinig niya ang ang pekeng pagtawa nito. Habang pinapakinggan ito ay hindi niya mapigilang umiyak.

"I-I have bone cancer, a-at matagal ko na itong nililihim. I-I'm sorry for everything that I've done. But thank you for everything, salamat dahil alam kong naging mabuting kaibigan ka sa'kin. Paalam."

Pagkatapos ng tawag na iyon ay hindi na siya nakatulog ng maayos, magmula hapon ay iyon ang nasa kaniyang utak.

NAGHUHUGAS siya ng plato ng makarinig ng isang katok sa kanilang pinto. Pinunasan niya ang kaniyang basang kamay at lumapit dito.

"Tana! Nakakakita ka na."

Sabi nito sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit. Nagbitaw silang dalawa ng yakap. Tiningnan niya ang itsura ng lalaki. Malayo na ang itsura ng Ysmael na nakilala niya dati. Nag-matured ang itsura ng binata at mas lalo itong gumwapo.

"Daddy!"


Nagulat siya ng may makitang bata na yumakap sa binti ng lalaki. Tiningnan niya ito at nakita niya ang pagkakahawig ng bata kay Ysmael. Napangiti siya dahil dito.


Pagtingin niya sa likuran ni Ysmael ay mayroon siyang nakita na magandang babae. Lumapit ito sa kanila habang nakangiti. Hinawakan naman ni Ysmael ang beywang nito at ngumiti sa kaniya.

"Tazzana, si Queen. Asawa ko. At ito si Yeshuah anak ko."


Tuwang-tuwa siya ng malaman iyon. Pinapasok niya ang mga ito sa loob ng bahay.

Iniwan nila sila Yeshuah at Noah sa bakod ng bahay upang maglaro. Ngayon ay silang tatlo nila Ysmael ang nasa lamesa. Nagulat siya ng tinanong ng binata kung tumawag si Andrea.


"Tazzana, I asked where did you live, para matulungan mo ako, tulungan mo akong hanapin si Arleen. Pakiusap!"

"THAT woman tricked me, Tazzana. Baka lokohin ka rin niya."

Sabi sa kaniya ni Austin habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Nakagat niya naman ang sariling labi.

"Tumawag siya sa'kin. At sinabi niyang mayroon siyang bone cancer. Austin, naging kaibigan ko rin siya."

Malumanay na sabi niya sa binata. Iniangat na naman nito ang kaniyang kamay at hinalikan ito.

"Bakit ba napakabait mo?"



Sabi sa kaniya ng lalaki. Naramdaman niya na umiinit ang paligid ng maramdaman ang dila nito sa kaniyang kamay. Pinanlakihan niya ito ng mata.


"Why?"

Pa-inosenteng tanong nito sa kaniya habang nakanguso ang labi.



"May nangyari ba sa inyo?"

Nagulat siya sa sarili ng lumabas iyon sa kaniyang labi. Ang tanong na iyon ay pilit niyang itinataboy sa kaniyang isip, simula't sapul. Ngunit, ngayon ay hindi niya napigilan.

Pagkatingin niya sa mukha ni Austin ay nakangisi na ito. Na animo'y nang-aasar. Hinalikan na naman nito ang kaniyang kamay.



"Walang nangyari sa amin, Mia bella. Noong sinabi niya sa'kin at kila mom and dad na girlfriend ko siya ay nagduda na ako. Whenever I'm with her I always feel nothing. She dared to try but I didn't let her. Dahil, iyon ang sinasabi ng puso ko. But when I saw you in the mall with Viohr. Halos magwala ang puso ko ng makita kita, lalo na ng makita ko ang anak natin, si Sebastian."

Sabi sa kaniya ng binata habang mataan na nakatitig sa kaniyang mga mata.


"If you wanted to find that Andrea, then I'll let you if you will be with Viohr."

Sabi nito sa kaniya na habang tinitingnan ang magiging reaksyon ng kaniyang mukha.

"Kasama ko si Ysmael."

Sabi niya rito na ikinatagis ng bagang nito. Agad niya namang hinawakan ang pisngi nito dahilan upang maging maamo muli ang mukha nito.

"Pamilyado na iyong tao, at oo na, isasama ko si Viohr."

At kinintilan niya ito ng banayad na halik sa labi.









ILANG araw silang naghanap upang malaman ng kung saan si Arleen. Halos apat na araw iyon, Sa tulong ni Viohr ay naging mabilis ang paghahanap nila.

Pumasok sila sa isang maliit na eskinita kung saan ay nakatira ang Andrea na kanilang kakilala. Sa pagta-tanong nila sa mga tao ay nakatayo na sila ngayon sa harap ng isang bahay na gawa lamang sa yero.

"Tao po?"

Kumatok sila roon, ngunit walang nasagot at puros katahimikan lamang. Paulit-ulit nilang ginawa iyon ng biglang mabaklas ang pintong yero.




Napaluha siya ng makita ang isang babae na sobrang payat na nakahiga sa isang kama, wala ng malay at putlang-putla na.




"Andrea?!"




















Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon