Chapter 26

9.7K 187 0
                                    

"PAKIUSAP, Tazzana. A-ayaw ko na pakiusap. Pinagsisihan ko iyon lahat, b-bumalik ka na sa'kin."

Garalgal na ang boses ng lalaki, habang siya ay hinahayaan lang ang luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. May kung anong lumulukob sa kaniyang loob, habang dinadama ang mga yakap nito sa kaniya.

"M-mahirap, mahirap, Austin."

Sabi niya rito habang pinipiglas ang mahigpit nitong yakap sa kaniya. Binitawan naman siya ng lalaki.

"I-I'm sorry. Hindi ko alam, H-hindi ko alam. Tazzana"

Tiningnan niya ang itsura ni Austin namumugto ang mata nito habang tumutulo ang mga luha. She clenched her fist, while remeniscing everything that she had in the hands of this man infront of her. Tumayo siya upang lumayo rito. Hinawakan naman nito ang kaniyang kamay ngunit tinanggal niya iyon.

"A-anong hindi mo alam?! na ano, Austin? Hindi mo alam na pinaikot mo'ko sa kamay mo?! na ginamit mo ang pagiging bulag ko, para makamit lahat ng nais mo?!"

Doon niya na inilabas lahat ng gusto niyang sabihin. Ilang taon nang nakakaraan. Sa harap, nang lalaking lumapastangan sa kaniya. Sa lalaking, halang ang bituka at nararapat lamang na masunog ang kaluluwa sa impyerno.

"P-patawarin mo ako, pakiusap."

Lumapit sa kaniya ang lalaki. He looks so vurnerable. Ngayon ay nakaluhod na ito sa kaniyang mga paa at nakakapit ng sobrang higpit dito. Umiiyak lang ito habang siya naman ay pilit na itinatanggal ang pagkakakapit nito sa kaniyang paa.

Akala niya ay kaya niya na, akala niya ay humilom na ang sakit ng nakaraan na kaniyang naranasan. Ngunit, ito siya ngayon, Sinasaktan ng bangungot ng kahapon.

Alam niya sa sarili niya na nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na matagal ng ayos ang puso niya. Na matagal ng nakalimot sa mga ginawa sa kaniya nang taong nakaluhod ngayon sa kaniyang harapan.

"Pauwiin mo na ako."

Malamig na sabi niya rito. Naramdaman niya naman na napatatda ito ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Bigla itong bumitaw sa kaniyang paa. At tahimik na yumuko habang humihikbi.

"I regret everything."

Sabi nito sa kaniya. Pinilit niyang hindi hilain ng awa dito. Binuksan niya ang pinto at dali-daling lumabas ng malaking bahay nito. Bigla namang mayroong isang matandang lalaki na pumunta sa kaniya.

"Ihatid ko na raw po kayo pauwi sabi ng señorito."

Sabi nito sa kaniya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at sumunod na sa sasakyan nito. Pagpasok niya nang sasakyan ay tuluyan ng bumagsak ulit ang masaganang mga luha sa kaniyang mata.

Ngayon, nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan habang nakatitig kanina sa lalaki. Nagsisinungaling siyang kung sasabihin niyang hindi niya naiisip na tuluyan na patawarin ito, at nagsisinungaling siya kung hindi niya sasabihin na may kung anong ispasyo ito sa puso niya, na kahit siya ay hindi alam kung ano nga ba ito.

Buong byahe ay pag-iyak lang ang tanging ginawa niya. Tanging hikbi niya lamang ang naririnig sa loob ng sasakyan. Ilang oras ay naramdaman niya na ang paghinto ng kaniyang sinasakyan. Hudyat na nakauwi na siya.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay ng kaniyang tito at tita ay nakita niya ang itdura ng mga ito na nag-aalala at takot na takot. Bigla siyang niyakap ng kaniyang tiya.

"S-saan ka galing?! anong nangyari sa iyo?!"

Nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Niyakap niya rin ito ng mahigpit at umiyak sa balikat nito.

"Patawad sa lahat."

Nang araw na iyon ay sinabi niya ang lahat ng katotohanan. Sinabi niya ang lahat ng ginawa ni Austin, na naging dahilan ng pagkawalan nito ng tirahan. Ang pagkamatay ng kaniyang magulang, ang pagkabulag niya at ang totoong ama ni Sebastian.

Gulat ang bumalatay sa mga mukha nito, habang siya ay pinagsisihan ang lahat ng nangyari. Gusto niyang humingi ng sobrang daming patawad sa pamilyang nadamay dahil kay Austin.

Nagulat siya ng marinig ang malakas na pagbagsak ng kamao ng kaniyang tito sa lamesa kung nasaan sila ngayon. Galit na galit ang itsura nito na para bang gusto nitong pumatay ng tao.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan ang demonyong iyan! papatayin ko siya! putangina!"

Sigaw nito. Ang kaniyang tiya naman ay pinapakalma ito, habang si Arleen ay tahimik lamang na nakatitig sa kanila, ngunit alam niya na sa mga titig nito ay naaawa ito at nalulungkot.

"Ipapakulong ko ang gagong iyan!"

Sigaw nito, ngunit naagaw ang kanilang atensyon ng marinig nilang bumukas ang pinto at makita kung sino ang nandoon. Si Viohr.

"H-hindi niyo na siya kailangang ipakulong. Dahil, siya na mismo ang sumuko sa mga kapulisan."


























Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon