NGAYON ang araw kung kailan sila pupunta ng maynila upang puntahan ang kaniyang tito at tita. Sinabi sa kaniya ni Viohr na nasa magandang kalagayan daw ang dalawa, kasama ang nag-iisang pinsan niya na si Arleen na isa na ngayong senior high school student.
Isa rin ito sa mga nakasama niya noong wala pa siyang nakikita at nakatira siya sa bahay ng mga magulang nito.
"My, saan tayo pupunta?"
Tanong sa kaniya ng anak habang inaayos niya ang kaunting damit nito na kanilang dadalhin upang may maisuot ito sa pagbisita nila sa kaniyang tito at tita.
"Sa Maynila, baby. Pupunta tayo sa tito at tita ni mommy."
Sabi niya sa kaniyang anak. Kita niya naman ang tuwa sa mukha nito ng malaman kung saan sila pupunta.
"My, Do they have big airplanes their?!"
Tuwang-tuwa na tanong ulit sa kaniya ng anak. His happiness is also her happiness. Hindi niya rin mapigilan na mangiti sa kilos nito.
"Yes! baby. Gusto mo ba iyon?"
"I won't like it My, I will surely love it!"
Natawa naman siya rito. Habang inaayos ang gamit ay naalala niya kung paano siya ngayon pumayag sa sinabi ni Viohr na nagpagimbal sa kaniya.
NAGBABASA siya ngayon ng libro. Kakatapos lang kasi ni Sebastian na makipaglaro sa tito Viohr nito. Hindi niya alam ngunit nakikita niya na mayroong matinding kagustuhan ang kaniyang anak sa mga eroplano.
"Tazzana."
Napatingin siya sa may pinto ng marinig niya ang boses ni Viohr. Ikinataka niya ng makita ang itsura nito na may halong mga ngiti sa labi at mahahalata mo na nagmamadali ito dahil sa pawis na mayroon ito sa noo.
"Bakit?"
Tanong niya rito. Hindi niya alam ngunit ang mga ngiti nito ay mayroong ibig sabihin na gusto niya malaman.
"Buhay ang tito at tita mo, nasa maynila sila ngayon. Pwede tayong pumunta roon para makita sila"
Na ikinamaang niya. Halos lumundag ang kaniyang puso dahil sa nalaman na bagay. Gusto niyang makita ang kaniyang tito at tita pagkatapos ng ilang taon. Ngunit, may kabang humalo sa kaniyang puso ng maisip na aalis sila sa lugar na ito.
"P-pero alam mo na-"
Ngunit pinutol ng lalaki ang kaniyang sasabihin.
"S-sinabi ko sayo na hindi ka na matutunton ni kuya. D-dahil Tazzana. Hindi na siya nakakaala, pagkatapos nang aksidente."
Na ikinamaang niya. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ngunit may kung anong naramdaman siya sa puso ng marinig niya iyon.
"A-ano? Paano?"
Hindi niya mapigilang maitanong. Kusa iyong lumabas sa kaniyang mga labi.
Ibinaba niya ang libro na kaniyang hawak at iniaayos ang sarili. She tried to calm herself para mapakinggan ang sasabihin nito. Tama, alam niya sa sarili niya na kaya niya na. Hindi niya hahayaan na mabagabag siya ng pait ng nakaraan. Dahil alam niyang mayroon siyang Sebastian na magtatanggol sa kaniya.
"Y-yung araw na, inilayo kita kay kuya. Iyon din ang araw na halos mabaliw siya kakahanap sa iyo. Alam ko dahil nag hire ako ng private investigator para pasundan siya."
Simula ng lalaki. She can feel her heart beating too fast habang nagsasalita. Inaabangan ang mga bagay na lalabas sa labi ng binata.
"Then a day later, my private investigator said na nabangga siya ng isang sasakyan. Hindi ko alam, kung intensyon ba iyon ng kuya ko o aksidente. At dahil doon, he became comatose for a months."
She heard him sigh.
"Y-you were still suffering from the trauma that you had that time, pero there's a part of me being reliefed dahil hindi ka niya mahahanap at maitatago kita palayo sa kaniya."
Narinig niya ang pekeng pagtawa nito.
"I love my brother but I don't want him to turn into a monster."
Ang mga sinabi nito sa kaniya ay sapat na para mapa-oo siya sa pagpunta ng maynila. There's still a doubt and a little bit of fear that she's feeling. Pero hindi niya alam sa sarili ngunit gusto niyang puntahan ang kaniyang tito at tita.
To let go of all the things that she had before and move forward para sa kinabukasan niya at ng kaniyang anak. Maybe, it really takes time to heal. Dahil base sa kaniyang naranasan alam niya sa sarili niya na kaya niya na ngayon.
NAKASAKAY sila ngayon sa sasakyan ni Viohr, habang tinatahak ang isang village. At mga ilang segundo pa lamang ay naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan.
"Nandito na tayo."
Dinig niyang sabi sa kaniya no Viohr. Tiningnan niya naman ang anak na mahimbing paring natutulog sa kaniyang bisig na nakayakap. Dali-dali niya itong binuhat at lumabas ng sinasakyan.
Nasa harap sila ngayon ng katamtamang bahay. Gusto niyang maiyak ng mayroon siyang makita na isang ginang na nagwawalis sa labas ng bahay. Ang kaniyang tita.
Napagawi ito sa kanila at nakita niya ang gulat at tuwa sa mukha nito. Dali-dali itong lumapit sa kanila at niyakap siya ng sobrang higpit.
"T-Tazzana. Akala namin wala ka na, maraming salamat at buhay ka!"
Hindi niya na napigilan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng sobrang higpit. Miss na miss niya na ito. Pagkabitaw nilang dalawa ay tumingin ito sa kaniyang katabi.
"Anak mo ba ito?"
Tanong nito at hindi siya nagdalawang isip na sumagot ng oo. Agad namang yumuko ang matanda para tingnan ang kaniyang anak na si Sebastian.
"S-sino ang ama ng batang ito? Sino ang lumigtas sayo?"
Nagulat siya sa tanong nito. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Nang may maramdaman siyang presensya sa kaniyang likod.
"Ako po."
BINABASA MO ANG
Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔
Ficción GeneralAustin Christoff El Gracia Hombres Crueles Series #2 Beware of them, because they have their own little secrets. [Read at your own risk] R18+ Containg scenes that are not good for young readers. [Fixation Of The Billionaire]