Chapter 28

8.7K 170 2
                                    

NAPATITIG siya sa kaniyang kamay ng maramdaman ang paghaplos nito roon.

"I thought you'll never comeback."

Sabi nito sa kaniya habang ang mga mata nito'y punong-puno ng kalungkutan. Kitang-kita niya ang pagbagsak ng katawan nito ilang araw pa lamang ang nakakalipas.

Iniangat nito ang kaniyang kamay at hinalikan ito. She felt her heart skipped in a split of seconds. She don't know what to say habang nakatitig lamang sa mukha nito.

"I-I'm sorry."

She heard his voice cracked while saying those words. Tumingin ito sa kaniyang mga mata na ngayon ay mamasa-masa na dahil sa mga luha.

Tumayo ito at tumabi sa kaniyang kinauupuan ngayon. Nagulat siya ng biglang hinila siya nito at binigyan ng napakainit na yakap.

"I miss you. I really miss you, baby."

Bulong nito sa kaniya habang panaka-naka nitong hinahalikan ang kaniyang pisngi.

"B-bakit...?"

Hindi niya mapigilan mapapikit habang dinadama ang yakap nito sa kaniya.

"I deserve to be jailed because I hurt you."

Mainit na yakap parin nito sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin sa bawat sandaling iyon. Halo-halong emosyon ang nakapaloob sa kaniya ngayon.

"I deserve this because I hurt you so much, I deserve this because I became a monster of my own."

Hindi niya na napigilan ang sarili at ginantihan ito ng yakap. She can feel his whole body being affected by this man who's now looking at her in the eyes. Kitang-kita niya ang mga luha sa mata nito. Ikinulong ng mga kamay nito ang kaniyang pisngi.

"K-kung hindi mo ako mapapatawad, if you want me to rot in this jail, If this is the last day that we'll met then I can't do nothing but to face the consequences that I-."

Tinanggal niya ang mga kamay nito sa kaniyang mukha at siya naman ang humawak dito. She kissed her passionately while her tears are now rolling down unto her cheeks.

"Mommy, daddy!"

Napamulat sila ng mata ng marinig ang sigaw ni Sebastian na ngayon ay nasa tabi na nila. Tiningnan niya si Austin at kita niya ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanilang mag-ina. Lumapit ito sa kaniya at pinunasan ang luha sa kaniyang mata. At kinintilan ulit siya ng halik sa labi.

"Basti! Let them have their moments."

Kita niya ang itsura ni Viohr na animo'y pagod na pagod dahil sa kakulitan ng bata. Napangiti naman sila ni Austin.

Ikinarga ni Austin si Sebastian sa hita nito. Kitang-kita niya ang halos magkamukha na itsura nito.

Kung ano-ano ang ikinwento nito sa ama nito. Habang si Austin naman ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa mga labi ni bto.

"Te voy a decir algo."

Biglang sabi ni Viohr sa kapatid nito. Hindi niya mainitindahan ang sinabi nito dahil alam niyang ibang lenggwahe iyon. Napapansin niya ang ibang ikinikilos ni Viohr mga ilang araw na. At hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung ano problema ng binata.

"Qué es eso?"

Patanong na tono ni Austin sa kapatid nito. Tiningnan niya ang itsura ni Viohr at kita niya ang pandidilim ng aura nito.

"Sabes a lo que me refiero."

DALAWANG linggo na ang nakakalipas ng nangyari ang tagpong iyon. Araw-araw nilang binibisita si Austin sa kulungan. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata nito sa tuwing nakikita nito si Sebastian at siya.

Minsan ay hindi niya mapigilan na maluha sa tuwing nagkakaroon ng tagpo ang mag-ama. Dagdag pa ang itsura nito na kitang-kita ang hirap sa loob ng selda. Kitang-kita niya ang pangangayayat nito. Ngunit, hindi iyon nakakabawas sa kagwapuhan ng lalaki.

Nararamdaman niya ang pagtibok ng kaniyang puso sa tuwing nilalapit nito ang labi nito sa kaniya. At ang mga yakap nito na gustong-gusto niya maramdaman araw-araw.

Sa tuwing bumibisita rin sila ay mayroon ding pinaguusapan ang dalawang magkapatid ngunit sa ibang lenggwahe ang ginagamit nito.

Ngayon ay nag-aayos siya ng gamit ni Sebastian para sa pagpasok nito ng makatanggap siya ng tawag sa kaniyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Viohr kung kaya't agad niya itong sinagot. Sa pagkakaalam niya ay nasa Madrid ang lalaki ngayon.

"Bakit, Viohr?"

Tanong niya rito. Dinig niya ang paghinga nito ng malalim. Nagtaka naman siya dahil dito.

"Pumunta sila mom kay kuya kahapon. They told kuya na pipyensahan siya nila. But, kuya tend not to say yes on them. He go berserk yesterday."

Sabi nito sa kaniya na kaniyang ikinakaba.

"A-anong sabi nila?"

Tanong niya rito. Pakiramdam niya'y hinahabol siya ng mabilis na sasakyan sa sobrang kabog ng kaniyang dibdib sa kaba.

"I don't know, but I think-"

Nawala ang atensyon niya kay Viohr ng makarinig ng pagkatok sa pintuan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta rito at binuksan ang pintuan. Napaigtad siya ng makitang may magasawa sa labas ng bahay.

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon