Chapter 17

10.3K 178 1
                                    

ILANG araw na ang nakakalipas nang malaman niyang nagdadalang tao siya sa taong mas lalong nagpagulo ng kaniyang buong buhay. She doesn't know what will do, lalo na at mayroong bata sa kaniyang sinapupunan.

She can't help herself but to cry. Hindi niya maisip na ganito ang mangyayari sa buong buhay niya. Isa lamang siya noong estudyante ngunit sa isang lang snap lang ng daliri ay naging ganito ang kaniyang buhay.

Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin siya sa kaniyang naranasang di kanais-nais. Natatakot siya sa binata, natatakot siya sa mga ginawa nito, natatakot siya sa lahat.

"Calm down, hindi ka na niya matutunton."

Narinig niya ang boses ni Viohr. Si Viohr Keifer El Gracia. Ito ang kapatid ng taong lumapastangan sa kaniya. Ang taong kinamumuhian niya at hinding hindi niya patatawarin.

"P-patawad Tazanna. Patawad kung sinulsulan ko si kuya. H-hindi ko alam na ganito ang mangyayari, I thought that he admire you, ngunit hindi sa ganitong paraan. I-i'm sorry."

Dinig niyang sabi niyang sabi nito sa kaniya. Ramdam niya ang kalungkutan at pagsisisi sa boses nito. Ngunit, hindi niya alam kung anong isasagot niya sa lalaki. Hindi ganoon kadali para sa kaniya, hindi ganoon kadali, lalo na at maraming tao ang nadamay sa kasiraan ng ulo nito.

Tanging iyak lang din ang kaniyang isinagot dito.

"Don't stress yourself, p-please para sa anak mo. S-sa pamangkin ko."

Pagaalo nito sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Hindi pa man ito maumbok pero alam niyang may nabubuhay sa loob niya.

"H-hindi ko siya mapapatawad."

Galit na sabi niya habang hindi parin mapigilan na umiyak at makaramdam ng sakit.

"Please, magpahinga ka na, please."

Ngunit galit ang namamayani sa puso niya. Pagkagalit sa kapatid ng taong kumakausap sa kaniya ngayon. She clenched her fist.

"N-napaka demonyo ng kapatid mo! Kinamumuhian ko siya! H-hindi ko alam kung bakit ako! ako ang naisipan niyang biktimahin! D-dinamay niya ang mga taong walang kamuwang-muwang. Demonyo siya! demonyo siya!"

Sigaw niya na halos mapunit na ang kaniyang lalamunan. She can't help herself but to cry and remember all the things that she had. Napakamasalimuot ng kaniyang buhay. Hindi niya ginusto ito! hinding-hindi!

"Tazanna, huminahon ka!"

Sabi sa kaniya ng lalaki. Ngunit hindi niya makontrol ang kaniyang sarili sa sobrang sama ng kaniyang loob.

"Isa siyang demonyo! hinding hindi ko siya patatawarin! a-akala ko mabuti siyang tao, n-ngunit hindi! hindi! napakasama niyang tao, n-napakasama niya! sana ay mamat-."

Naramdaman niya ang kaniyang tiyan na sumakit at humapdi. Napahawak siya rito. Biglang mayroon siyang naramdaman na mainit na likido na tumutulo sa kaniyang mga hita. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at nagiging manhid na rin.

"Tazanna! Tazanna!"

Dinig niyang sigaw ni Viohr bago siya mahimatay at mawalan ng ulirat.

NAKAKABINGING katahimikan ang kaniyang naririnig. Pinakiramdaman niya ang sarili at naramdaman niyang mayroong napasak na matulis na bagay sa kaniyang braso, dahilan upang mapangiwi siya sa hapdi.

"H-hey, please, humiga ka lang."

Nagulat siya ng marinig ang boses ni Viohr sa kaniyang gilid.

Bigla niyang naalala ang mga pangyayari bago panawan ng ulirat. Dahilan upang kumabog ang kaniyang dibdib ng sobrang lakas. Hinawakan niya ang kaniyang sinapupunan.

"A-ang a-anak ko?"

Nanginginig na tanong niya rito habang hindi mapigilan na maluha sa magiging kahihinatnan ng lahat ng bagay.

"Okay ang anak mo. Maayos ang pamangkin ko. Please magpahinga ka na Tazanna."

Sagot nito sa kaniya. She felt so relieved all of a sudden. Hindi niya alam pero, nung malaman niya na siya'y nagdadalang tao'y hindi niya naisip na ipalaglag ito. There's something inside of her na nagsasabing mali iyon. Sobrang mali.

"May nakausap akong doctor. Tazzana, kapag iniluwal mo na ang pamangkin ko, I promise, ibabalik natin ang paningin mo."

Her heart skipped a little bit dahil sa sinabi nito. But her heart's having a doubt. Dahil ganoon din ang in-offer sa kaniya ni Austin noon, but look at her now. She's very devastated and wrecked.

"N-no, magkapatid kayo at alam ko! alam kong parehas lang din kayo! tama ba ako?! Hindi ako magtitiwala sa taong katulad mo! sa taong may koneksyon sa isang demonyong gumulo sa buhay ko!"

At doon na naman siya nag burst out, at sakit-sakit na ng puso niyo. Ayaw niya nang ganito.

"I-im sorry, Calm down please. If you think na katulad ako ng kuya ko, nagkakamali ka. Hindi ko gagayahin ang bagay na ginawa niya, lalo na sa isang katulad mo."

She clenched her fist.

"Diba, ikaw ang sumulsol sa kuya mo! ikaw ang sumulsol sa kaniya, p-para pasakitin ako ng ganito."

Naramdaman niya na naman ang kaniyang luha na rumaragasa sa kaniyang pisngi.

"I don't want you to be stressed because I know what you had encountered. Tutulungan kita, tutulungan kita."

Sabi nito sa kaniya, at ilang segundo ay naramdaman niyang umalis ito ng silid na kaniyang hinihigaan..

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon