Chapter 19

9.4K 200 5
                                    

"MOMMY, tingnan mo, binigyan ako ni tito Viohr nang laruan!"

Sabi sa kaniya ni Sebastian habang hawak-hawak nito ang laruang pula na eroplano. Umiilaw ito at may tunog ding nililikha.

Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata nito. Ang mga mata nitong kulay berde na animo'y napakaganda pagmasdan.

"Nasaan na si Tito mo, baby?"

Tanong niya rito. Agad naman itong ngumiti ng ubod ng tamis sa kaniya. Sobrang cute ng itsura nito at alam niya na kapag lumaki ito ay magiging isang magandang lalake ang kaniyang anak.

Nakarinig siya ng pagbukas ng pinto.

"Here he is, mommy!"

Sigaw ni Sebastian. Agad niyang tiningnan ang pinto at nakita si Viohr na nakasuot ng white polo shirt na pinaresan ng tokong na pantalon at tsinelas.

"Hi Basti, hi Tazzana."

Sabi nito sa kanila habang mayroong malawak na mga ngiti sa labi. Alam niyang galing ito sa maynila dahil kada linggo-linggo ay umuuwi ito roon simula nang maoperahan ang kaniyang mga mata. Oo! nakakakita na siya dahil sa tulong nito.

NGAYON ay tulog na ang kaniyang anak. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Tazzana, makakakita ka na."

Sabi sa kaniya ni Viohr na kaniyang ikinagulat. Naramdaman niya ang sarili na napangiti sa galak. Hindi niya alam pero iniisip niya na makikita niya na ang kaniyang anak ay gusto niyang maiyak.

"S-salamat, salamat."

Sabi niya rito. Gustong-gusto niya na makita ang anak niya ng marinig niya ang sinabi ng binata sa mga oras na iyon. Gusto niyang makita ang sariling anak na kalong-kalong niya at kung ano ang itsura nito.

"Ilang buwan ay pupunta tayo ng ibang bansa para maayos na natin ang mata mo. Makikita mo na si Sebastian."

Dinig niya rin ang tuwa na nakapaloob sa boses ng lalaki.

Sa mga sinabi nito ay gusto niyang maiyak at humingi ng salamat sa Diyos. Naniniwala siya rito, dahil alam niya na sa taon na magkasama sila ay hindi siya pinagsinungalingan ng lalaki.

NGAYON ang araw ng kaniyang operasyon. Halo-halo ang emosyon na nakapaloob sa kaniyang damdamin. Tuwa dahil pwede niya nang makita ang kaniyang anak at takot sa pangambang baka hindi magsucceed ang operasyon na gagawin sa kaniya.

"Maraming salamat, maraming salamat sa lahat."

Hawak niya sa kamay ng lalaki habang hinihintay nila ang doctor na magaayos ng kaniyang mga paninigin.

"You deserve this Tazanna. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan mo at dapat lang na maibalik ang mga mata mo dahil kailangan mong mabuhay at mas tumatag, kasama ng anak mo, ni Sebastian."

Napakainit na ngiti ang iginanti niya rito. She wanted to thank him so much, at ngayon na nga ang araw na pinakahihintay niya.

ILANG linggo siyang nakahiga sa hospital bed habang mayroong nakatakip na bagay sa kaniyang mga mata, Oo! nagsucceed ang pagpapaopera ng kaniyang mata. At hindi niya alam ang gagawin sa sobrang saya na nararamdaman niya ngayon dahil tatanggalin na ang bagay na humaharang sa kaniyang nagbabalik na paningin.

Naramdaman niya ang dahan-dahan na pagaalis ng doctor sa tela na nakatakip sa kaniya. Sa bawat segundo na nararamdaman niya ang pagkalas nito ay hindi niya mapigilang matuwa sa kaniyang loob.

"Open your eyes, slowly."

Sabi sa kaniya ng doctor. Unti-unti niyang dinilat ang kaniyang mga mata. At una niyang nakita ang kulay puting kwarto kung nasaan siya ngayon. Gusto niyang umiyak dahil naibalik na ang kaniyang paningin.

MAYROONG bumukas ng pinto na nakakuha ng kaniyang atensyon. Tiningnan niya ito at nakita niya ang isang makisig na lalake. Nakasuot ito ng tuxedo at kulay abo ang mga mata nito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita itong may hawak na i-isang bata.

"Tazzana!"

Nabosesan niya ang lalaki. Si Viohr.

Lumapit ito sa kaniya habang karga-karga ang bata na nasa mga bisig nito. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman dahil dito. Tiningnan niya ang bata at hindi na napigilan ng kaniyang luha na tumulo.

"S-sebastian."

Ibinigay ng lalaki sa kaniyang mga bisig ang bata. Kitang-kita niya na ngayon ang kaniyang anak. Napakaamo ng itsura nito. Napakaputi ng kulay at kulay berde ang mga mata nito. Nakita niya ang pagngiti nito dahilan upang tumalon ang kaniyang puso sa sobrang tuwa.

"Maraming salamat, Viohr. Salamat sa lahat."

Sabi niya sa lalaki at binigyan ito ng napakatamis na ngiti.

NAGBABASA siya ngayon ng libro. Kakatapos lang kasi ni Sebastian na makipaglaro sa tito Viohr nito. Hindi niya alam ngunit nakikita niya na mayroong matinding kagustuhan ang kaniyang anak sa mga eroplano.

"Tazzana."

Napatingin siya sa may pinto ng marinig niya ang boses ni Viohr. Ikinataka niya ng makita ang itsura nito na may halong mga ngiti sa labi at mahahalata mo na nagmamadali ito dahil sa pawis na mayroon ito sa noo.

"Bakit?"

Tanong niya rito. Hindi niya alam ngunit ang mga ngiti nito ay mayroong ibig sabihin na gusto niya malaman.

"Buhay ang tito at tita mo, nasa maynila sila ngayon. Pwede tayong pumunta roon para makita sila"

Na ikinamaang niya. Halos lumundag ang kaniyang puso dahil sa nalaman na bagay. Gusto niyang makita ang kaniyang tito at tita pagkatapos ng ilang taon. Ngunit, may kabang humalo sa kaniyang puso ng maisip na aalis sila sa lugar na ito.


"P-pero alam mo na-"

Ngunit pinutol ng lalaki ang kaniyang sasabihin.

"S-sinabi ko sayo na hindi ka na matutunton ni kuya. D-dahil Tazzana...



....hindi na siya nakakaala, pagkatapos nang aksidente."

Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon