Chapter 22

9.2K 203 3
                                    


Pagkababa nila ng sasakyan ay malmyos na hangin ang sumalubong sa kanila. Unang tapak palang ng paa niya sa lupa nang mayroon na siyang nakitang dalawang puntod na mayroong litrato. Litrato ng kaniyang mga magulang.

Buhat-buhat niya si Sebastian habang lumalapit sa puntod ng kaniyang mga magulang. Sila Viohr naman na nasa kaniyang likod ay mayroong kinuhang tent.

"That's your lolo and lola."

Sabi niya sa bata habang nakatitig sa dalawang puntod. Ngumiti siya ng mapait. Gusto niya makasama ang mga ito kahit manlang sa panaginip. Gusto niyang hagkan ang mga magulang at maramdaman ulit ang prensysa ng mga ito.

"Mommy, baba ako."

Sabi ni Sebastian sa kaniya. Ibinaba niya naman ang bata. Tiningnan niya ito at mayroong kinuha sa sukbit-sukbit nitong maliit na bag. Inilabas nito ang paborito nitong laruan na eroplano at lumapit sa puntod ng kaniyang mga magulang.

"Look! Lolo, Lola. I am Sebastian and this is my favourite toy. An airplane!"

Napangiti siya ng makita ang bata na kinakausap ang namayapa ng lolo at lola nito.

Ngayon ay siya naman ang nasa harap ng puntod ng mga magulang. Hindi niya na napigilan na umiyak.

"Ma, Pa. I-i'm sorry. A-alam kong nasa mabuti na kayo. M-ma, Pa. Magpapakatatag ako, para sa inyo. Para kay Sebastian. Alam ko na Diyos na ang bahala. N-nakita niyo ba si Sebastian. A-ang apo niyo. Matalino siya ma, parang si papa. M-ma, miss ko na kayo. Miss na miss ko na kayo."

Habang umiiyak ay naramdaman niya ang kamay ni Viohr na pinapaklma ang kaniyang kalooban. Hindi pa pala nawawala ang sakit sa loob niya. Hindi pala ganoon kadali.

NGAYON ay kumakain sila ng mga pagkain na inihanda ng kaniyang tita. She felt herself calmed. Habang tinitingnan ang puntod ng kaniyang mga magulang.

"My, pwede po ba tayong pumunta sa mall?"

Sabi ni Sebastian habang kumakain ng sphagetti. Napaka cute talaga ng anak niya. Natawa siya ng makita na sumandok pa nga ito ng sphagetti at sabay kain.

"Oo naman, baby. Sabihin natin mamaya kay tito."

Natuwa naman ang bata sa kaniyang sinabi. Bigla nito ulit kinuha ang maliit na bag at mayroong kinuha na isang eroplanong laruan ngunit iba pa ito sa dala ng bata.

"My, can we play?"

Tanong sa kaniya ng bata habang ipinapakita nito ang dalawang eroplanong hawak nito sa kanila. Kinuha niya naman iyon at nakipaglaro sa bata.

Sa sobrang tuwa nila ay hindi sinasadya ng bata na mabitawan at maihagis ang laruang eroplano nito sa labas ng tent. Agad niya naman itong kinuha.

Pagkatayo niya ay nagulat siya ng sa malayuan ay mayroong lalaki na nakatitig sa kaniya. Mayroon itong kasamang babae at dalawang bata. Mukhang may binisita rin itong kamag-anak.

Ngunit ang ipinagtataka niya ay ang malalim na pagkakatitig nito sa kaniya. Gamit ang ashgray na mga mata nito.

Nakaramdam siya ng kilabot dahil dito. She felt herself having a goosebumps while looking into the unknown man's eyes. Parang may kung ano rito.

Agad niya namang iniiwas ang kaniyang mga mata at agarang pumasok sa loob ng tent nila.

SHE couldn't figure out kung anong meron. But the man a while ago is making her so uneasy. Parang may mali sa pagkakatitig nito sa kaniya.

"Ate, okay ka lang?

Nawala ang pagkatulala niya ng marinig ang boses ni Arleen. Agad siyang napatitig dito at kita niya ang pagaalala na nakabalatay sa mukha nito.

"A-ay wala. Siguro'y antok lang ito."

Sabi niya sa pinsan na ngayon ay mukhang kumbinsido naman sa kaniyang pagdadahilan.

Ang tagal na noong makasama niya ito. Ito rin kasi ang isa sa mga tumulong sa kaniya noon. Ang gumabay sa kaniya kahit na bata pa lamang ito.

"Kumusta kayo, Leen?"

Paguumpisa niya ng usapan.

"O-okay naman ate."

Sabi sa kaniya ng dalaga. Ngunit parang may mali sa sinabi nito. Nagkaroon ng katanungan sa kaniyang isip. Dahil, parang may bumabagabag sa loob ng dalaga.

"Sure ka ba Arleen? pwede mo akong pagsabihan ng problema."

Sabi niya sa dalaga. Tiningnan naman siya sa mata ng pinsan at kita niya ang pagiging hindi komportable nito.

"A-ate, n-natatakot po ako."

Nagulat siya sa sinabi nito. Ramdam niya ang panginginig nito at ang takot na bumabalatay sa mukha nito.

"Bakit?"

Agad naman nitong kinuha ang cellphone nito at mayroong ipinakita sa kaniya. Iyon ay puro death threats.

"Tutulungan kita, tutulungan kita."

Sabi niya sa kaniyang pinsan habang yakap-yakap ito. Ramdam niya ang panginginig nito dahil sa pagiyak. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit ito pinapadlhan ng ganoon ngunit tutulungan niya ang sariling pinsan.

"H-huwag mong sasabihin kanila m-mama, ate."

Bigkas nito habang patuloy parin itong umiiyak. Siya naman ay tumango habang pinupunasan ang mga luha nito.

Hindi niya nga sinabi sa kaniyang tito at tito. Ngunit, sinabi niya ito kay Viohr dahil alam niyang mapagkakatiwalaan ito.

Habang sinasabi sa binata ay nakita niya ang pag-igting ng panga nito at ang pagkuyom ng dalawang kamao nito ng patago. Bigla nitong kinuha ang cellphone nito at may tinawagan ngunit hindi niya alam ang sinabi nito sa katawagan.

"I'll help."

TULAK-tulak niya ang pushcart sa loob ng mall. Habang si Sebastian ay nasa loob nito at nakaupo. Si Viohr naman ay nakasunod sa kanila. Isinabay niya na rin ang groceries para sa kaniyang tito at tita.

"My, you know what?! gusto ko na rin po ng cars! can you buy me one, Mommy? please."

Sabi sa kaniya ni Sebastian habang nagpapa cute, siya naman ay hindi makatanggi. Agad niyang itinulak ang pushcart papunta sa mga sections ng laruan.

Tiningnan niya si Viohr na nasa tabi lamang niya at parang malalim ang iniisip at tensyonando. Kita niya rin ang pagtitipa nito sa cellphone nito na kaniyang ipinagtataka.

Nang nasa section na sila ng mga laruan ay biglang mayroon siyang napansin na pamilyar na pigura.


"T-Tazzana?"


Nagulat siya ng biglang makarinig ng isang boses ng babae. Tiningnan niya ito at nabigla siya ng mamukhaan ito.

Si Andrea. Ngunit ang mas kinabigla niya ay ng makita na mayroon itong kasama.


"What are you doing here, Viohr?"



Naramdaman niya ang pagtakas ng dugo sa kaniyang katawan ng biglang marinig niya ang isang baritonong tinig na nagbibigay sa kaniya ng kaba.





Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon