>Meet him<
>RICA'S P.O.V<
Nang makarating kami sa harap ng magiging room namin ni thrisha, marami ng istudyante...i think classmate's namin sila.
Mga nasa labas sila kasi nga sarado pa pala yung room..wala pa daw kasi yung adviser namin.
Habang wala pa yung teacher, nilibot ko muna ng aking mata ang lugar na ito.
Ang classroom namin ay kadikit ng laboratory na kadikit naman ang science department na kung saan nandun ang mga science teacher's, at isa 'don ang aming adviser.
Nang matapos ang aking pag titingin t'ska na dumating ang teacher namin.
"Oh! nan'dyan na pala yung adviser natin, e." pukaw ni thrisha sa aking atensyon.
"Halika na," akit ko nalang sa kanya. Sabay lakad ko papasok.
Pagpasok namin naghanap na kami ng mauupuan at buti 'di pa taken yung second row kaya dun na kami umupo, pero pag tingin ko sa teacher wala na..siguro bumalik sa dept. para kunin yung mga lesson plan.
Pagkaupo namin nakita ko rin si kenz,kaklase rin namin s'ya ni thrisha last year kaya sumikbay narin s'ya samin kasi wala pa s'yang kakilala.
Nang maayos na kami, t'ska ko na nilibot ang kabuuan ng classroom..well malaki s'ya kumpara sa dati naming room...pahaba ang table at sa tansya ko, lima ang pwede dito at ang upuan naman namin ay monoblock chair.
Maya-maya dumating narin ang aming adviser.
At ngayon ko lang natitigan ang itsura n'ya dahil busy ako kanina at masasabi ko lang na mukhang mabait,bilugan ang mukha,short hair at may maliit na salamin ang adviser namin.
"GOOD MORNING! GRADE 8 S.M.C!" Masiglang bati sa'min ng aming guro.
Btw, dito sa school namin ay initial lang ng adviser namin ang gamit.
"GOOD MORNING! MA'AM," Pabalik na bati naming lahat.
"You may now! take your seat." at sumunod naman kami.
"Ako pala si Ma'am (sulat sa board) Soledad M. Castillo in short for SMC."
At ayun nagpapaliwanag lang si Ma'am ng rules at regulations pati bawal at hindi, pagkatapos...
"At dahil di pa kayo magkakakilala..magpapakilala kayo, kahit jan nalang sa upuan nyo" Sabi naman ni Ma'am Castillo.
'Ano ba'yan high school na eh' nakabusangot na isip ko.
"At s'ya nga pala magiisip kayo ng isang bagay at ihahalintulad nyo sa inyo'ng sarili...maliwanag?" Dagdag pa ng aming guro.
"Opo..." Bait namin no, hahaha.
At ayon nagsimula sa unahan namin.. pero nagpantig ang tenga ko sa binanggit ng lalaking nasa unahan namin...'lance' usal ko ng mahina..
'So ikaw pala?' hanap hanap kita kay thrisha kanina tapos nasa unahan lang pala kita pssh. what a coincidence.
Hindi ko na tuloy napakinggan yung mga sinabi n'ya dahil natutok ako sa pangalan nya tss.
Buong period ganun ang gawa namin shemay nakaka-boring hiyang-hiya na nga ako sa pangalan ko e.
Bawat subject kasi ganon e, tapos yung sa english naman pinag-partner pa...isusulat daw sa crosswise na papel yung about sa'yo tapos ipapabunot sa lalaki, t'ska mag-papalit kayo ng papel at babasahin mo yung kanya tapos yung sa kanya ay yung sayo.
Dami nilang alam e. At dahil mahiyain nga ako..habang nagbabasa, nanginginig yung hawak kong papel jusko.
*After One Month*
Yup! One month na bilis no? Kasi kung ipapaliwanag ko pa sa inyo yung boring na nangyari aabutin pa tayo ng siyam-siyam hahaha.
Ayon umingay na sa room, dahil magkaka-kilala na kami at btw may friend na nga pala ako...at nakakatawa ang first meet namin hahaha.
*FLASHBACK*
--ROOM---Breaktime pa at nag uusap kami ni thrisha.
"Alam mo thrish ang ganda baga nung k-drama na...ano bayon? League of legends??" tanong ko sa kanya.
"Huh? Malay ko sa sinasabi mo" nalilitong sabi n'ya.
Nang bigla may sumabat sa usapan namin..oo sumabat talaga.
"LEGEND OF THE BLUE SEA yata yun" sabi ni ate na sumabat.
"Ahh oo nga LOTBS nga yun rica hindi league of legends HAHAHAHAHAHA" tawa nilang dalawa yan ah tsk..pinagkaisahan ako? Sorry huh! Nalimutan ko kasi pssh. Batukan ko tong dalawa e.
"Ewan ko sa inyo." nasabi ko nalang, sabay talikod sa dalawa.
"Napahiya ka lang eh HAHAHA" tumatawang sabi ni thrisha.
"tsk."
*FLASHBACK ENDS*
Ayan nga ang unang pag uusap namin ni Jairica, yan ang pangalan n'ya sabi sa'kin ni thrish...kaklase nya daw nung grade school si Jairica.
Nandito ako ngayon sa seat ko kakaupo ko lang...Pano ba naman kasi yung lance na'yan...nagtanong lang ako sungit na sungit sa'kin pssh..
Sa mga kabarkada nya naman hindi..Ano yun sa'kin lang?! Psh. At yung mga kabarkada nya pala ay nakilala ko na,yun pala yung mga nasa tabi nya nung first day...tatlong lalaki at isa babae ang kaibigan nya..
Sila Florry,Vince,CJ at si Grey.
At nalaman ko ring transfer si CJ at magkaka-klase sila Florry,Vince at Grey...at si Lance? Tsk. kabilang seksyun lang daw..akala mo yun? Umabot pa s'ya dun tsk...sungit.. buti nga may naglakas loob pa na makipag kaibigan sa sungit na yun...
Breaktime na namin ngayon at naisipan kong mag selfie hahaha selfie time kung di nyo alam mahilig po ako magselfie...selfie lord ata toh...
At kung tatanungin nyo si trisha? Ayun sumakabilang buhay na...hahaha joke lang sumakabilang seat na s'ya. 'Di na katabi ko, pano nakahanap ng mga makakakulitan nya..bala sya, basta ako selfie lang...
Habang nagpa-flash yung camera ko, napatingin ako sa cellphone dahil sa likod ko pala nagseselfie rin sila mr.sungit..akala n'yo yun? Si mr. sungit nakiki-pose psh.
Dahil bored ako naisipan kong isama s'ya sa aking pag pipicture, ewan ko ba! Trip ko s'ya ngayon.
(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...Dust_nica
BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Teen FictionSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R