>Shooting<
>RICA'S P.O.V<
Matapos ang nangyari kahapon ay mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari. >_<
Btw, sabado na ngayon kaya ang ginawa ko nalang mag hapon ay pinaglinis ako ng nanay ko ng mga dumi sa bahay namin tapos bukas naman ang gagawin ko ay kailangan kong pumunta sa simbahan which is linggo bukas.
Dahil kasali ako sa organization na naglilingkod kay Mama Mary.
*LINGGO*
Tanghali na nang magising ako.
Time check! 8:02 na in the morning.
Kaya nagdali-dali na akong mag-asikaso, sinuot ko yung uniform namin na blue tapos nag pantalon ako ng white...bahala na yang pagpoporma na'yan di naman na 'yan kailangan.
Nang makarating ako sa simbahan hindi pa nagsisimula kaya nag-ayos muna kami ng mga bangko para may maupuan yung mga sister's at syempre kami din.
Nang magsimula na, tumayo na kami dahil pinatok na yung kahoy na parang ginagamit pag hatulan na ng mga nasa kulungan ganun.
At ayun, ang dami nilang pinag uusapan na hindi kami makarelate.
Wala kaming alam sa pinaguusapan nila dahil sa matatanda na yun eh...kaya nag online nalang ako dahil nakakaboring umupo tapos pag nakinig naman ako baka dumugo pa taynga ko dahil di ako makarelate sa mga pinaguusapan nila.
BTW! nga pala may shooting ulit sila.
Sa diversion road daw sila magshoshooting.Chinat ko nalang sila na susunod ako pag natapos na yung meeting.
Nang matapos na ang meeting..time check 11:15 na ng tanghali pero dahil may foods naman dito kaya 'di na ako uuwi, may pakain kasi dito tuwing linggo dahil alam nilang tatanghaliin ang lahat.
Nang mabusog na ako at naayos na ulit yung mga bangko chinat ko sila kung nasan na sila.
Sabi ni klare a.k.a laura namin nandun pa sila kumakain daw sila ng canton tanghalian nila...
Kaya ako naman dali-daling sumunod.
Ang layo naman nung pinagshoshootingan nila jusko sobrang layo nun kung ako ang tatanungin...
Pero dahil nagmamarathon ako ang ginawa ko ay tinakbo, lakad ko.
After 30 mins na pagtakbo at lakad ko...
Yan ang oras nang makarating ako..pero hindi pa sa kanila ah bukana palang yan ng diversion road...nang papasok na ako sa ginagawang kalsada nakasabay ko yung isa sa lalaki naming kaklase...
"Pupunta ka sa kanila?" sabi n'ya habang hinihingal na nagsasalita sa'kin.Tinakbo n'ya rin siguro to.
Napatango nalang ako dahil hindi ko na rin kayang magsalita, hinihingal na talaga ako.
Nung chinat ko si klare sabi n'ya wala na daw sila dun sa pinagkakainan nila.
Juskoooo lalakad na naman pala ako.So sinabi ko yun sa kasabay ko...
Sabi pa ni klare nasa may papaahon na daw sila at tanaw ko na yun.
Tsk. mga nagtago pa kitang kita naman.Pano ba naman nung makita kami biglang nawala.
Pagkarating ko dun nagvivideo na sila.
Kumpleto naman silang character kaya wala namang problema.
"Oy Ilizalde!" isang tinig ng lalaki ang nagpalingon sa'kin.
Napatango nalang ako sa kan'ya.
Dahil nga may dala akong tubig at nauuhaw na daw si klare kaya ayun binigay ko.
Nang matapos sila binati naman ako nung mga character hahaha.
Maya-maya...
"Mga totoy bawal kayo dito, private property ito atska kuta ito ng mga NPA baka mapahamak pa kayo" sabi ni kuyang sundalo na may dalang mahabang baril.
'jusko kararating ko lang po wala akong alam T_T ' sabi ko nalang sa isip ko.
Kaya ayun naglakad ulit at naghanap ng pupwestuhan, habang naglalakad kami hinigit ako nila joyce ann,florry at klare papalikod.
Nagtaka naman yung mga lalaki kaya..
"Oy una na kayo dito lang kami sa likod" pagsasabi ni klare sa mga nagtatanong nilang itsura.
At nagsimula naman silang maglakad at sila sungit ang nauuna.
"Oy may sasabihin kami tungkol sa nalaman namin kanina" panimula ni klare.
"Na ano?" at nagsimula ng maglakad.
At kinuwento na nila..
"Diba nakain kami kanina ng pansit canton? habang nakain kami panay hugot si lance ng kung ano-ano" nakatingin sa'kin habang nagsasalita si klare.
'may tampuhan siguro sila ng gf n'ya'
"Tapos sabi namin kung si rica nalang di ka magkakaganyan" kwento pa nila.
''Huy" saway ko.
"Tapos biglang nagsalita si lance sabi n'ya nafall din naman daw s'ya sayo!" mahabang litanya ni klare.
"EEHH??!!" Pasigaw kong sabi tapos nagtinginan yung mga lalaki samin.
"Wag ka ngang maingay" klare habang nabulong.
"Sabi pa ni lance HINDI KO NAMAN S'YA PINAASA MINAHAL KO DIN S'YA KASO HINDI NYA PINAPANSIN" pagpapatuloy ni klare na kinagulat ko.
"Haba ng hair ni rica hahaha" tawa ni joyce ann na nakikinig sa'min.
Nagkunwari nalang kaming natawa sa likod para daw di kami paghinalaan.
Hanggang sa nakarating kami sa bagong venue.
Ang sasalang na character na ay si joyce ann na rerapin daw kunyari HAHAHAHA.
Habang nanunuod ako sa kanila vinivideo ko narin at iniisip yung sinabi nila sa'kin kanina.
Grabe di ko alam ang irereact ko lalo na't minsan ay napapatingin s'ya sa'kin.
Sabi kasi nila klare kunwari daw wala akong alam.
(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...Short ud muna hehehe
Dust_nica
BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Teen FictionSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R