Chapter 8

4 0 0
                                    

>The Play<

>RICA'S P.O.V<

Pagkatapos nga naman nung makabagbag damdaming activity nayun uwian na...pero nasa kan'ya nga pala tie ko.

Kaya ayun habol-habol ko sa labas.

Nang mahawakan ko yung bag n'ya hinigit ko s'ya, kala n'ya ah!

Tska na ako umuwi para magpahinga.

---KINABUKASAN---

Math naman namin ngayon at may recitation kami kaya kinakabahan talaga ako.

May sasagutan kami sa manila paper na nakadikit sa board...hindi ka makakaupo kapag mali ang sagot mo.

Nakatayo na kami at katabi ko s'ya.

Kinakabahan na nga ako sa recitation,dumagdag pang katabi ko s'ya at ayaw kong mapahiya kapag mali ang sagot ko, isa pa magaling s'ya kaya kailangan ko ring galingan.

Habang nakatayo ako...nakita ko na maraming remain standing na nakadagdag ng kaba sakin.

*tug*dug*tug*dug

Habang papalapit samin kumakabog narin ng malakas yung dibdib ko.

At ngayon turn ko na...

Zero.

Sagot ko sa tanong...

"Are you sure Ilizalde?" sabi ni sir santos

"O-opo sir" nag-aalinlangan kong sabi

"sure na sure?" ulit pa ni sir

"Opo" confident ko ng sabi

"okay..sit down"

'buti naman nakahinga ako dun'

"ang gusto kong sagot ay yung sigurado at di nag-aalangan sa sagot!" sabi pa ni sir.

'di naman halatang ako yung pinaparinggan'

"ikaw Revamonte anong sagot" tanong ni sir

"x squared sir" walang bahid na kaba nyang sagot.

"sit down"

Hanggang sa natapos ang math at break time na.

Kakatapos ko lang magrecess, dahil wala akong magawa dito sa loob umupo ako sa nakasalansan na monoblock chair..dahil madami yun kaya mataas talaga s'ya at maaabot mo ang kisame pag tumayo ako.

At dahil isa akong pasaway ayun umupo ako hihi.

Habang nakaupo ako at nagmumuni-muni sa taas. Mayb biglang nagsalita.

"Bumaba ka nga d'yan baka malaglag ka." sabi ni sungit habang naglalakad palabas.

OoO

Natulala ako sa biglang sabi n'ya.

Pero dali-dali narin akong bumaba ng magprocess sa'kin yung sinabi nya.

'sasaluhin mo ba ako kung mahuhulog ako?' nagdeday dream kong tanong.

Natapos ang ilang subjects at meron pang isa bago mag uwian, so nagpa excuse kami sa huling subject dahil may play kami sa english ulit *whew*

Leader ko si florry at ganun din si sungit so iisa kami ng grupo.

Ang i-peplay namin ngayon ay yung makato and the cowrie shell...search n'yo nalang kung interesado kayo sa play namin.

So bale ang role ko ay anak ng hari so prinsesa ako at papakasalan ko si makato dahil sa hari.

At ang role naman ni sungit s'ya yung si makato..ang bida, at papakasalan ko---ayy este ng prinsesa sa huli tsk.

Sisihin nyo yung leader ko kami ang pinagtambal..porket LV (love team) kami sa room eh.

Kakainis naman nakikipagpalit ako ng role pero ayaw nila huhu hustisya pleaseeee.

Ngayong araw na yun at kailangan pa daw ng costume tsk.daming alam...kaya ang pinasuot sakin ay gown na kulay blue ni angel kaklase ko s'ya.

At bumili pa ako ng flower crown para daw may pares yung gown.

Habang nasa cr kami at sinusuot ko yung gown grabe hindi kas'ya sa'kin napakapayat ko kasi eh so bale kailangan may pirdible kaya sa rami nun baka magkasya na.

Habang tinuturok yung pirdible sa likod ko naturok ako huhuhu kaasar na mga kaibigan kong ito.

Pagdating namin sa room...nagsisimula na sila at ako ay huling huli na lalabas dahil ang huli nun ay ikakasal sila.

So bale matatapos na yung scene nila kaya kami na.

Pinaposisyon na nila ako sa may pinto at meron pang bouquet akong hawak kasi kasal nga daw chuchu.

Pinuntahan na n'ya ako at nag-aalangang sinabit ko yung kamay ko sa braso n'ya.

Nang hindi pa kami nakakatapak sa mismong malapit sa pinto...

"AYIEEEEEE"
"YUHOOOO"
"YUNN OHH" iritan nila

Habang humahakbang kami papagitna naglabasan na sila ng camera..jusko.

Nung nasa gitna na kami sabi na'min tapos na pero sabi ni ma'am.

"oh bigyan mo din s'ya ng bulaklak" kaya ayun yung hawak ko binigay ko sa kanya at s'ya...

Lumuhoood!?

Sabay bigay sa'kin ng bulaklak..kaya ako sinabayan ko yung trip ni ma'am kinuha ko na...kala ko tapos na pero di pa pala...

"di va may I love you pa yun?"

Kaya ayun ginawa na naman namin

"iloveyou" mahina kong sabi pero di pala rinig, ako lang nakarinig jusko!

Kaya inulit ko...

"i love you" sabay na bigkas namin.

"AYIEEEEEE"
"HUWAHHHH" palakas na ng palakas yung iritan.

Nang biglang sabi pa ni ma'am na yakap naman jan.

Akala ko aalis na s'ya kasi umalis yun pala...

BACK HUG SA LEEG!!!???

OMG! hala ayaw ko na hiyang-hiya na talaga ako kaya humiwalay na s'ya.

Tas sabi sa harap naman daw kaya tumutol ako..na parang nagpupumiglas na nung ikalawa kaya di na natuloy.

"ayy hindi-hindi na"sabay atras n'ya

Hanggang sa natapos na at nagpalit na ako ng uniform..




(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...

Keleg ako dito <3

Dust_nica

Falling for My ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon