>Lance's Birthday part 1<
>RICA'S P.O.V<
Dahil tapos na nga ang christmas at new year, hmm?
Wala namang nangyari nung new year eh putukan at kainan lang tsk..
(Author: wala naman po sigurong GM d'yan HAHAHA)Kaya balik school narin ng school.
Dahil nga january na.
Malapit na birthday ni sungit hahaha.
Kaya lang nagka chicken fox s'ya. =(
Kaya lang wala s'yang maibigay na excuse letter daw dahil walang mag aabot.Kaya pinakiusapan nalang ako ni jairica.
"Rica, gawan mo daw ng excuse letter si lance" sabi n'ya.
"ano? Bat ako? May monitor naman" nagtatakang tanong ko.
"dali na para may excuse letter na yung bebe mo" nanunuksong sabi n'ya.
Hanggang sa kinulit ako ng kinulit kaya ang ending ako na ang gumawa ng excuse letter para dun tapos pinirmahan nalang.
*THE DAY OF HE'S BIRTHDAY,SUNGIT*
Kahit birthday na n'ya 'di parin s'ya napasok dahil hindi parin nawawala ang chicken fox n'ya.
Uwian na namin ngayon at 2 oclock na sa hapon.
Nandito kami sa harap ng room namin hinihintay sila joyce ann dahil ibibigay n'ya ulit yung susi.
Habang nag fe-facebook ako may nagchat.
LC Revamonte • active now
LC: oi
Rica: oh?
Happy birthday nga palaLC: thanks
LC sent a photo
Yung picture na yun may videoke
LC: nasa room pa kayo?Rica: oo
LC: punta kayo dito sa bahay, walang kakain ng handa ko..isama n'yo narin sila vince.
Dahil sa nabasa ko pinabasa ko agad sa kanila.
Rica: oo daw sabi nila.
-----------end of convo-----------
Matapos naming mabasa yun hanap-hanap namin sila vince para naman may kasama kaming lalaki.
Umuwi narin sila grey at cj na kabarkada n'ya. Ang ibig sabihin si vince nalang ang pag-asa.
Kaya pumunta kami sa bahay nila vince, malapit lang naman yun sa school.
At buti nandun s'ya pero pinauna na kami dahil susunod nalang daw s'ya.
'kasi naman yung sungit na yun ay di man lang nagpasabi, biglaan talaga tsk' sabi ko sa isip ko.
Habang naglalakad kami papunta sa kanila kinakabahan narin ako tapos tinutulak pa ako para sumunod.
"Wag nalang kaya tayo tumuloy" sabi ko sa kanila.
"Tongeks ka rica, naka oo kana diba?" sabay tulak pa sa'kin.
"Tska may panlaban naman tayo sa kantahan, nandito si florry" ulit pa nya.
Magaling nga kumanta si florry kahit saan pwede s'yang ipanglaban.
Nung nasa tapat na kami ng bahay nila..
"Rica, i-chat mo nga sabihin mo nandito na tayo sa tapat" florry.
Ginawa ko naman.
"Sabi n'ya pumasok nalang daw tayo" sabi ko sa kanila habang nag-chachat.
"Sabihin mo lumabas" florry ulit.
Sunod naman ulit ako.
Nakita na namin s'ya sa tindahan nila na nakabalot ng jacket.
Nang bigla sumigaw si sungit.
"pasok na kayo! Hiya pa ayy" sigaw ni sungit.
Pero hindi kami pumasok at hinintay muna namin sila vince na may kasama, s'ya yung pinsan ni thrisha na nagface paint samin.
"oh 'bat 'di pa kayo napasok" sabi ni vince samin.
"hiya kasi sila" florry.
Ayon nauna na sila sa loob...pero kami nasa labas pa.
Nang biglang nagsalita yung mama nya...
"Ang hindi pumasok, may gusto sa totoy ko!" pasigaw na sabi nung mama n'ya na nagluluto sa kusina.
Dali-dali naman kaming pumasok pero bago ako makapasok nasalubong ko yung lola n'ya.
"Halina pasok kayo" lola.
Ngumiti nalang ako sabay tagkal ng sapatos sa labas.
Pagpasok ko wala ng bangko kaya sumiksik ako kay aly..kaklase rin namin.
Bale ang harap namin ay sa kanila.
Habang nakaupo ako tinanaw ko si sungit.Ayon nasa ibaba ng hagdan nila nakadungaw samin.
Bawal pa kasi s'ya lumapit baka daw makahawa. Kung tatanungin nyo sila florry? Namimili na ng kanta hahaha.
Ako nakatingin lang tska kunwaring nag-ccp pero lowbat na talaga cp ko T_T. Pero may 5% pa hehe.
Chinat ko na sila grey, pero sabi n'ya bawal na daw s'ya kaya ayun tinigil ko na at nagtingin sa gc namin.
Nang makita ko pic ko!
'bilis naman!' usal ko sa isip ko.
At nakita ko yung nagsend.
Si vince tsk. katapat ko lang s'ya kaya madaling makakuha ng shot tsk. kaya gumanti rin ako.
Tapos si Kuya bert, yung kasama ni vince dahil joker s'ya ayon napuno ng tawanan.
Buti naman may nagpapatawa kasi sobrang tahimik e.
Nang magsalita yung mama n'ya.
"lance Vin! Kumuha ka ngang knor sa tindahan!" sigaw ng mama n'ya sa kusina nila.
Kaya sinunod n'ya pero yung tindahan nila sa gilid ko lang bale yung sinasandalan ko sa gilid ay yung malapit sa pintuan nung tindahan.
"EHEM" ingay nila nung dumaan malapit sa'kin si sungit.
Tsk.
Ang nandito palang naman yung mama n'ya tas yung pamangkin n'ya tska ata yung asawa nung kuya n'ya tas may isa pang lalaki.
Namamasada pa ata yung papa n'ya.
Ayun na nga panay utos sa kanya ng mama n'ya kaya sinabi nalang nung mama nya...
"D'yan ka nalang kaya sa may pintuan ng tindahan para 'di ka pabalik balik" mama n'ya.
Sinunod nalang n'ya...so bale ang pagitan nalang namin yung sinasandalan ko na sinasandalan din n'ya.
"EHEEM BAGAY" sila yan.
At nakinig ata nung mama n'ya.
"sino yung pinopormahan d'yan ng totoy ko" sambit ng mama nya.
Kaya mas lalo akong sumiksik sa katabi ko.
"Si Ilizalde po!" sila yan ulit.
Kaya ako todo iling nalang at sumiksik nalang kay aly.
(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...Dust_nica

BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Teen FictionSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R