>Beginning<
>RICA'S P.O.V<
Nang matapos na mangyari yun.
Hindi na nasundan.Wala ng nangungulit sa'kin.
Nawala na...Siguro dahil narin sa girlfriend n'ya..
Siguro tama narin yun ng mawala narin yung pakiramdam kong to.
Pakiramdam ko kasi ako na yung maghahabol sa kan'ya...Sa dami ko ba naman nalaman eh...
Pero huli na pala talaga ang lahat dahil...
*FLASHBACK*
LC Revamonte •active now
Rica: may tatanong lang.....
Bat di mo naisip na mafafall ako
sayo?LC: mafafall?
Rica: Yes
LC: ewan
Rica sent a photo
(nakalagay ay yung pwedeng maging dahilan kung bakit)LC: Bakit ba ang kulit nyo?
Galing na sa bibig ko ah
Hindi kita pinafall
Kasi ako yung na fall
Tinigil ko nalang sarili ko
Kasi di ko naman alam
Kasi di ka nagbibigay motiboRica: K k k ok na hindi na
LC: Pahuli huli kasi.
Rica: Luh luh ako pa
So ako pala may kasalanan?LC: walang may kasalanan
Dahil ako nga yung nafall-----------end of convo------------
*END OF FLASHBACK*
Simula nung nangyari yan nanlamig na ang lahat sa kan'ya. Hindi ko na s'ya makausap ng matino.
Di na n'ya ako masyadong pinapansin..ako? Taga stalk nalang sa kan'ya...
Di ko pala alam na sa huli ako yung magsisisi at gagawin ko rin pala yung ginagawa nya =(.
Ang unfair naman ng life =( nung sinabi ko na sa kan'yang nafall na ako saka nawala yung nararamdaman n'ya =(.
Nung kinabukasan naman naisip kong mag bigay ulit ng love letter..kasi sabi ko sa sarili ko 'di ako susuko...
Grabe noh? Sa huli pala ako pa yung naghahabol sa kan'ya.
Alam yun ng mga kaibigan ko na meron ako ibibigay sa kan'ya...habang hawak ko yung letter sa ilalim ng table...
Napagisip kong bakit ko pa ibibigay?
Para san pa? May girlfriend na s'ya diba?Kaya ang ginawa ko...
*screeettcchhhh*
(tunog ng pinunit na papel)"Hala! Bakit mo pinunit?"
"Akala ko ba ibibigay mo sa kanya" sabi nung mga kaibigan ko."wag na..para san pang ibibigay ko yan" sabi ko nalang sa kanila.
Pero sila binuo nila ulit at saka binasa pero hindi na nila binigay tsk. Bala pati sila.
Pagkatapos nun wala na talagang nangyari...ilag narin s'ya sa'kin.
Pag-ichachat ko naman hindi iseseen o seen lang.
Hindi narin pala s'ya napasok dahil wala ng klase, kami naman ay napasok dahil gusto lang namin, s'ya kasi eh tamad.
*last day of schooling*
Last day na namin sa room pero di na talaga s'ya pumasok nung nakaraan...pero sabi ni jairica pinilit n'ya daw papasukin si lance para makapagusap kami.
Isa pa, meron din s'yang ibibigay kay ma'am kaya s'ya papasok.
*Fast Forward*
Nandito kami sa room namin kasama ang adviser namin na si ma'am castillo,inuutusan kasi akong icheck yung mga istudyante n'ya sa kabilang section kung ayos na daw yung grades...
Ngayon ko na rin pala balak ibigay yung diary ko sa kan'ya kung sakaling papasok s'ya ngayon.
Habang busy ako sa pagchecheck at pakikipag-kwentuhan kay Ma'am.
May narinig ako ingay sa labas ng room...na parang may kinakantyawan.
And guess what? Pumasok s'ya....
*tug*dug*tug*dug
Easy heart easy...
Pagpapakalma ko sa kaba ko...shemay.
Alam kong nandon na s'ya sa labas dahil kinig ko na ang boses n'ya.
Kaya ako kunyari walang pakialam sa environment.
"Pumasok pala si revamonte ah." rinig kong sabi ni ma'am.
"hehehe oo nga po." nasabi ko nalang habang nagbi-busy-busyhan.
Nang bigla s'yang pumasok, kaya ako..
'rica busy ka huh? Wag kang papaapekto.' saway ko sa isip ko.
Nalaman ko nga palang break na agad sila nung gf ny'a dahil sa my day n'ya.
May paiyak iyak pa s'ya eh.
Tas sayang pa yung effort n'ya daw.
"ehemm" kunyaring tikhim ng mga may saltik kong kaibigan.
'yan na naman tayo tss.'
S'ya naman pag sulyap ko umupo sa tapat ni ma'am at ibinigay ang pakay n'ya.
Medyo marami pa akong tatapusin kaya pinabayaan ko na sila habang nag-uusap sila maam.
"Ehemm rica naman" sabi nila klare at jairica na parang inubo.
"Oh?" kunyaring patanong kong sabi.
"Akala ko ba ano?" pabulong nilang sabi sa'kin.
"Mamaya na, busy pa ako" pabalik kong tugon sa kanila habang nagchecheck.
Nang bigla kong makinig ang usapan nila.
"Oh revamonte, balita ko wala na kayo nung ano mo" tanong ni ma'am sa kan'ya.
'wew..alam ni maam hahaha'
"kaya nga ma'am" pilit ngiti n'yang tugon.
'tsk..maka fake smile halata namang nasasaktan s'ya eh, yung my day n'ya nga with paluha luha effect pa'
"Ay naku! Lance kung ako sayo ang pipiliin ko sa babae yung matalino at loyal pa tingnan mo si Ilizalde oh hahaha" nanunuksong sabi ni maam.
Hanggang sa...
"Lance, may ibibigay daw sayo si rica" sabat na ni jairica.
Sila na kasi nagsabi sa'kin na ilabas ko na sa bag ko yung diary.
"Ano yun?" rinig kong sabi n'ya.
Nang ilabas ko na..pero di ko binibigay sa kan'ya kaya kinuha na sa'kin ni ma'am at di na ako nakapalag.
At ayon pinagtitingnan nila yung laman pero ang nakita lang nila yung drawing ko na dalawa na larawan n'ya.
Hindi naman sa ano pero medyo may talent ako sa drawing hehe.
"Wow! effort" sabi nung mga tsismosa tsk.
"Sa bahay ko na bubuksan" sabi nalang n'ya sabay lagay sa bag nung diary.
Hanggang sa lumabas na s'ya.
Siguro para puntahan yung mga kaibigan n'ya...
(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...Sorry po sa napakadaling daloy ng storya hehe don't worry guys marami pang mangyayari kaya wait wait lang kayoooo.
Shout out sa mga kaibigan ko out there! Miss you all mwaps! <3
Dust_nica
BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Ficção AdolescenteSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R