>Continue<
Nung pumasok s'ya ng room.Tapos na ako sa ginagawa kong pagchecheck kaya nakaupo nalang ako sa table ni ma'am.
Kasama ko sila jairica.Pagpasok n'ya dumiretso s'ya ng upo malapit sa'kin.
Pero hindi s'ya nagsasalita.
Hanggang sa sila nalang ang nag-uusap. Wala naman akong sasabihin eh.
Maya-maya habang nakikinig ako sa kanila, nakaisip sila ng kalokohan.Ikukulong daw nila si sunshine at kenz sa room para makapag heart-to-heart talk hahaha.
May gusto kasi si sunshine kay kenz pero hindi namin alam kung ganun din si kenz, pero parang meron din kasi pansin namin.
Kaya lang nung pinapaamin namin, hindi daw tsk...torpe kasi.
Hanggang sa hinabol nila sila kenz at sunshine paikot sa classroom namin pero itong katabi ko tawa lang ng tawa sa mga pinag-gagawa nila pssh.
'masamid sana to' -_-
Pagkahuli sa dalawa pinalapit sa table namin.
"Pag nag-usap kayo yayakapin ko si Ilizalde ano?!" malakas na sabi nitong katabi ko kila kenz.
At ako naman...
O_O
Whaaaat!
Ba't ako nasali d'yan!?
Literal talaga na nanlaki ang mata ko.
Na kinatawa nila klare at jairica dahil kita nila talaga kasi nasa harap ko sila.'pssh..bakit kasi ako sinali'
Di nalang umimik yung dalawa ng biglang...
Hayon! Nakatakbo na si kenz..pssh duwag! Hahaha
Aamin lang eh torpe pa.
Maya-maya nag alisan na sila, kaya kaming dalawa nalang ang natira.
"Paheram nga ng cellphone mo" putol n'ya sa katahimikan.
"Bakit?" lakas loob kong tanong.
"Basta peram" pangungulit pa sa'kin.
At binigay ko naman..
Nang...
Camera?!!
Eh?
"Selfie tayo" biglang sabi n'ya sa'kin!.
Naka ayos na kasi s'ya ako nalang ang hindi.
Yung unang picture nakangiti pa ako pero hindi yung literal.
Nung second...
"yieeee ano yan huhhhh" kagulat gulat na sigaw ng mga kaibigan namin dahil di ko inaasahan.
Kaya hindi na ako makangiti dahil ilang na ako.
Pagkatapos nun..
Lumabas muna s'ya..
Di ko naman na mahagilap ang mga kaibigan ko dahil lumabas ata, kunti nalang tuloy kami ditong natira.
Maya-maya dumating sila sabay hila sa'kin palabas.
Ako naman nagpupumiglas sa hawak nila, malay ko ba kung saan ako nito dalhin pssh.
Tas dinala nila ako sa likod ng room kasama si lance na hawak din nila.
Seriously!!??
"Ayan mag-usap kayo" sabi nila.
"Wala naman kaming pag-uusapan eh" sabi n'ya habang hawak din nila klare.
'oo nga' agree ko sa isip ko.
"Meron! Madami!" sigaw nila sabay alis.
"Ano ba yun ilizalde?" sabay baling n'ya sa'kin.
"Wala naman eh" sagot ko nalang.
At umalis na ako.
"Oh musta?" sabi nila sa'kin nung makita ako.
Kibit balikat nalang ako sabay upo ulit sa pwesto ko kanina.
Nag cellphone nalang ako pero di ko maiwasang lumuha...
Hindi ako umiiyak dahil sa kanya...
Umiiyak ako dahil sa sarili ko...
'Mali kasi eh bakit kasi sa kan'ya pa huh' sisi ko sa isip ko.
Umub-ob nalang ako.
"Ay rica papasa nga ng---teka?! Umiiyak ka ba?" tanong ni kenz dahil napasinghot ako.
"Hindi ah" sabi ko nalang habang naka ub-ob parin.
"Ang mga ganyang lalaki hindi iniiyakan" singit pa ni vince.
"Hindi daw umiiyak eh may tulo yung table" sabi pa ni kenz.
"Ano yun laway mo!!??" sabi pa n'ya.
Tsk. Papansin talaga ito.
Nang di ko na mapigilan, tumulo na ang luha ko...
'taksil naman na luha to oh! Di makisama' sisi ko sa isip ko habang natakbo. Tumakbo kasi ako ng biglang tumulo na ang luha ko sa harap nila.
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta sa kung saan ako dalhin ng paa ko.
Ayon nandito ako napadpad sa hill.
Tahimik kasi dito, magandang mag senti. Gaya ng ginagawa ko ngayon.
Nang biglang...
Sinundan pala ako ni airis.
"Oh! bat ka naiyak" sabi n'ya sa'kin nang makalapit sa'kin.
At kinwento ko nalang sa kanya...
"Di naman kasi ako naiyak sa kan'ya eh, naiyak ako sa sarili ko" humihikbing kwento ko kay airis.
Si airis naman tahimik lang at nakikinig.
"Kakaasar kasi yung pafall na yun eh" biglang sabi n'ya.
Hanggang sa nahimasmasan na ako.
"Oh? Okay kana?" tanong n'ya dahil nakita n'ya na medyo ayos na ako.
Napatango nalang ako...
"Balik na tayo sa room, baka masaraduhan tayo ng room" sabi ko nalang.
Ayun naglakad na kami...
'Hayyy anlayo pala ng tinakbo ko kanina' isip ko habang pinag mamasdan ang palagid habang naglalakad kami ni airis .
Nang makarating kami.
"San kayo galing?" tanong nila sa'min.
"Dun lang bumili" pag sisinungaling ko nalang.
Sinabi ko kasi sa kan'ya na wag nalang sabihin.
Hanggang sa nakita ko pa sila lance sa likod na nag-uusap kasama si jairica at sunshine.
Di ko nalang sila pinansin at pumunta nalang ako ng room.
Maya-maya natapos narin sila at nag akit na akong umuwi.
(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar
God bless us😇
Enjoy reading...Nag eenjoy ba kayo? :(
Dust_nica
BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Teen FictionSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R