Chapter 16

0 0 0
                                    

                     >Love Letter<

>RICA'S P.O.V<

*Valentine's day*

Valentine's day ngayon at naisip ko kasi kahapon na mag sulat ako ng love letter para kay lance.

Kaya nagpatulong ako kay brigitta.

*FLASHBACK*

Tapos na ang klase kaya nasa bahay na ako.

Naisip ko kasi habang pauwi na bigyan ng Love letter si lance ng patago.

Valentine's na kasi bukas kaya walang kaso kung makakatanggap s'ya hehe.

Gumagawa na ako ngayon ng cover..naisip kong sa bond paper na green ko ididikit tas yung susulatan ay sa bond paper...

*ruler*
*sukat*
*gupit*

Hanggang sa natapos ako ay nag-isip na ako ng isusulat.

Pero na mental block ata ako dahil walang pumapasok na mga salita sa isip ko.

Kaya naisipan kong magpatulong kay momshie.

               Brigitta Ty •active now

Rica: momshieee

Brigitta: O?

Rica: patulong nga
            Gagawa ako ng sulat para kay lance pero di ko alam isusulat ko..

Brigitta: ano bang isusulat mo jan?

Rica: yung feelings ko

Brigitta: edi isulat mo yung mga nararamdaman mo

Rica: pero pano? Walang napasok sa utak ko..
            Lagyan mo nga ng example momshie..

Brigitta: wait...

Rica: gege

Brigitta is typing ...

Brigitta is typing ...

Brigitta is typing ...

Brigitta: Halimbawa
       To: Lance

Alam mo ba nung unang nakita palang kita na curious agad ako. It makes me want to know your name,to know about you more.At nung nalaman ko na yung name mo dahil sa kaibigan ko. Mas lalo pa ako sayo nacurious. Hanggang sa kulitin mo ako. At dun na din nila ako inulit sayo.And then it goes again and again. You're so confusing na hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ganyan naman talaga ata mga pafall eh. Inulit nila ako sayo,tapos pag tinatawag ako at tinatanong ako kung sino ako pag minsan sasabat ka ng MRS.REVAMONTE. Syempre ako naman nafall sayo (kaso di mo sinalo).Di ko naman kasalanan na mafall ako sayo eh. Lalo na sa itsura mo nayan, At pag ngumingiti ka.Oo alam ko na parang weird na may tumititig sayo. Aamin na ako dito sa sulat na to kasi di ko kaya sa personal eh kasi malay mo tawanan mo lang ako. So yun nga di ko naman kasalanan na maging crush ka diba?

                                           From:Ilizalde

Rica: hala! momshie pano mo nalaman yan?

Brigitta: sa diary mo,pinabasa mo diba?

Rica: ahh oo
            So yan na isusulat ko ah..

Brigitta: bahala ka.

----------end of convo-----------

Hanggang sa sinulat ko na nga pero yung 'from' ang sinulat ko ay from admirer hahaha.

*FLASHBACK END*

Eto na nga habang nagkaklase kami ngayon, hawak ko sa ilalim ng bangko yung sulat.

Ang plano ko kasi ay sa recess ko ibibigay tapos dahil nakahiwalay yung bag n'ya sa kanya at pag naiwan n'yang bukas ang bag n'ya, dun na ako kukuha ng timing para ilagay ng mabilisan yung letter.

At ayon na nga natapos na yung klase..nagpaiwan ako sa mga kaibigan ko at nauna na silang magrecess, hindi nila alam tong gagawin ko kaming dalawang lang ni momshie.

Pero parang di ko kaya, kaya lumapit ako kay momshie.

"brigitta parang di ko kaya" sabi ko sa kan'ya nung makalapit na ako.

"hala sayang naman yan oh nageffort ka pa" sabi n'ya pabalik sa'kin.

"kinakabahan ako eh baka mahuli ako" sabi ko pa.

"sige ako na" sabi n'ya sabay hablot ng letter sa'kin.

Ayon na nga nagpalakad lakad si momshie malapit sa bag..

At nung nakakuha na ng timing.. biglang pinasok n'ya yung letter sa bag ni lance...

"Uy ano yung nilagay n'yong green sa bag ni lance" curious na tanong ni cejay habang papalapit sa'min.

'dale na..sabi na eh'

Kaya dali-dali na akong tumakbo palabas at hindi ko na pati nakuha yung sulat dahil lalo na akong mahuhuli.

Hindi ko na alam yung nangyayari sa loob ng room, nag stay nalang ako sa labas habang hinihintay ko yung mga barkada ko...

" anong ginagawa mo dyan?" biglang sulpot nila sa harapan ko.

"tara sa loob" akit nila habang hawak na ako.

"ayaw ko dyan" may pag-iling kong tugon.

Hanggang sa napilit na nila ako.

Nang pagpasok namin ng room....

"YIEEEEEEE"
"MAY GUSTO KA PALA AH" malakas na tilian nila.

Ako naman, dali-daling umub ob kay jairica para takpan ang aking pamumula ng mukha T_T.

"Uy nagba blush si lance!" sigaw nung isa kong kaklase kay lance.

Kaya napatingin ako sa gawi n'ya...

Paglingon ko, haahaha oo nga!, hawak n'ya yung letter tapos di na alam kung ano ang gagawin.

Umub ob nalang ako...nahihiya na talaga ako...

Nang biglang kumanta si cejay na pakealamero...

"Nung una kang makita, alam mo ba calvin, na ako ay nacurious dahil sa itsura mo, ngunit aking nalaman buhat sa aking kaibigan na isa ka palang taong paasa!!!" kanta ni cejay na pinaltan pa yung lyrics ng kanta.

Lintsak! s'ya! minemorya pa yung sulat shemay!

"cejay tama na daw, naiyak na to oh" turo sa'kin ni jairica na may patawa tawa effect pa.

"bwisit kayo! di ako naiyak" sabay bangon ko.

Hanggang sa nag klase na at di na ako tumabi sa kanya.



(Continued)
Sorry for the wrong typo and grammar✌
God bless us😇
Enjoy reading...

Yieee yung mga nagbibigay jan ng love letter nila...umamin na kayo! Malay nyo crush din kayo pero...swerte nalang yung crush at palit nalang yung hindi HAHAHAH

Dust_nica

Falling for My ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon