Chapter 14

2 0 0
                                    

>Our Adviser's Birthday<

>RICA'S P.O.V<

*one month after*

February na at malapit na ang birthday ni ma'am castillo, ang adviser namin.

Kaya nag-plano kami na sosorpresahin namin si ma'am.

*February 6*

Hindi kami magkanda ugaga kasi hindi pa tapos yung surprise kay ma'am.

Nagkakagulo kami sa meeting dahil yung iba hindi sang-ayon.

Pero sa huli napag pasyahang plano ay ganito...

Dahil daw hapon ang out ni ma'am mga 5 pm...kaya dapat daw pagkatapos ng uwian magpaparint na si florry ng picture ni ma'am tapos ididikit sa cartolina.

Tapos magluluto naman daw sila kila klare ng pansit.

Pag daw malapit na magtime babalik daw kami ni samantha sa school para manmanan si maam sa school.

Kung uuwi na daw 'tas sasabihin namin sa kanila tapos BOOM surprise na daw hahaha.

*KINABUKASAN*

Kila vince muna namin pinalipas ang oras namin tapos yung iba naming kaklase pinauwi muna namin at pinabalik nalang sila.

Nang malapit na mag 5 p.m marami na kami at sila papunta na sa bahay ni ma'am para magprepare kaya tumakbo na kami sa school...chat-chat nalang daw.

*School with samantha*

Bagot na kaming dalawa dahil medyo lumampas na ng 5 dahil meron pa palang handaan sa department nila ma'am.

Sila daw gutom na at nandun na sila sa bahay nila ma'am.

Maya-maya...

                 LC Revamonte • active now

LC: nasan na kayo?

Rica: nasa school kami tapos sila nasa bahay na ni maam

LC: anong ginagawa nyo jan

Rica: yung usapan baga

LC: otw na ako kila maam

Rica: sige..tumawag ka sa kanila ah baka mapagkamalan ka..masira pa yung surprise..

LC: sige hintayin ko kayo dito

--------end of convo----------

"Ang tagal naman ni ma'am" sabi ni samantha na may pagka bagot ang mukha.

"Di pa kasi pinapauwi nung head ng dept." sabi ko rin sa kan'ya habang nakatanaw sa department.

Nag-chat ako sa kanila na baguhin yung plano dahil 'di si maam pinapauwi agad.

Magpapakita nalang kasi kami kay ma'am para masabi ni ma'am na may naghihintay sa kanya.

At ayon nga lumabas na kami ni Sam sa pinagtataguan namin.

Nung nakita kami ni maam.

"Bat 'di pa kayo nauwi ilizalde, chedra?" sambit sa'min ni ma'am castillo nung makita n'ya kami sa labas ng bintana.

"Ma'am naman may surprise kasi kami" malungkot na sabi namin.

"haha o sige papaalam lang ako sa head" sabi ni ma'am, sabay talikod papuntang head.

Nag- gesture naman kami ni sam sa isa't-isa tapos chinat ko na sila na mag-ayos na.

Habang naglalakad kaming tatlo nila ma'am.

Falling for My ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon