Chapter 15

2 0 0
                                    

>Confession of mine<

>RICA'S P.O.V<

At nung mga nadilim-dilim na nagsiuwian na rin kaming lahat.

Habang pauwi kami ni sunshine naalala ko pa yung nangyari bago kami pumunta kila ma'am Castillo.

*FLASHBACK*

Breaktime ngayon at mag isa akong bumili dahil iniiwasan ko yung mga kaibigan ko dahil yung isa sa kanila may nagawang bagay na ikakatampo ko.

Kaya pati sila damay dahil alam kong magkakampi na naman sila.

Kaya ang kasama ko nalang ngayon si thrisha at aubrey.

Wala kasi silang alam...
At napansin yun ni thrisha kaya tinanong ako....

"Rica bakit 'di kayo magkakasama ngayon?" nakakunot nuong tanong sakin ni thrisha habang kumakain s'ya ng rebisco.

"May problema kayo no?" dagdag pa n'ya.

Hindi nalang ako umimik at humilig sa kanya kaya pinabayaan n'ya nalang ako dahil parang alam na n'ya na may problema ako.

Habang nasa labas kami at ganun ang posisyon ko...napagawi ang tingin ko kila jairica at klare na nasa labas din at nakatingin sakin...

Di ko nalang sila pinansin at tinuloy ang pag hilig ko sa balikat ni thrisha.

At nung nag-online ako, tunugan ng notif. ko ang bumungad sa'kin pero di ko nalang pinapansin kasi alam ko namang sila yun...

Nakita ko pang nag-uusap sila sa gc ng single at pinaguusapan ako.

Pag bukas ko nakita kong pinag-uusapan nila kung pa'no ako kakausapin pero seneen ko nalang.

*UWIAN*

Uwian na at saktong nakita ko sila...

"Rica pwede ka bang sumama sa'min kila joyce ann?" sabi sa'kin ni klare ng makalapit s'ya sa'kin.

Tumango nalang ako bilang tugon at sumunod sa kanila pero 'di pa'rin ako nagsasalita hanggang sa nakarating kami kila joyce ann..

Nang pagkapasok namin pinaupo nila ako sa lapag at umupo rin sila ng naka indian seat paharap sa'kin.

"Oh ano na...kala ko ba tatanungin mo n'yo yan?" basag ni florry sa katahimikan habang nakatayo s'ya at nakatingin sa'min.

"Rica tapatin mo nga kami...May gusto ka ba kay lance?" tanong ni jairica habang ang iba ay nakapalibot rin sa'min.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil parang natutop ang bibig ko sa biglaan nilang pagtatanong.

"Rica, ano ba!" sumigaw na rin si klare dahil parang naiinis na s'ya sa nangyayari .

"Kaibigan mo kami kaya gusto rin naming malaman" mahinahon na sabi nila sa'kin.

Hanggang sa sinabi ko na sa kanila ang totoo...

Pinakita ko narin sa kanila yung diary ko at binasa naman yun ng malakas ni florry.

Habang nagbabasa s'ya 'di ko magawang makinig dahil nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan at bumuhos na ang luha ko, kaya mabilis naman akong inalo ni Jairica na katabi ko...

"Florry, tama na umiiyak na si rica" pagpapatigil ni jairica kay florry na s'ya namang sinunod ni florry.

Tinigil naman ni florry ang pagbabasa pero sabi ko ituloy n'ya na 'di naman ako dun naiiyak eh.

Nang matapos yun nakita kong mga paluha na ang mga kaibigan ko matapos makinig ang mga nakasulat sa diary na yun.

Falling for My ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon