>RICA's POV<
Kinaumagahan 'di ko na nga pinaalam sa mga kaibigan ko yung tungkol sa diary. Ang nakakaalam lang ay si Airis. Di ko na rin pinabasa sa kan'ya dahil baka ipagkalat pa.
Nandito nga pala ako ngayon sa room, naglilinis. Hapon na kasi at cleaners kami.
Nang bigla kong nakita na parating ang section nila lance. Kaya tumalikod nalang ako.
"Nay! Si Dhie, oh!" biglang imik ng makulit na si airis.
Pero syempre ako. Kunyare na hindi ko nakita dahil baka ulitin pa nila ako pag lumingon ako.
"Huh?" patay malisya ko nalang sabi.
"Dali! Dali! Parating sila Dhie!" hatak hatak sakin ni airis papalabas. Pero ako hindi nalang tumingin. Pero kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin s'ya malapit sakin. Di nalang ako nag assume na ako yun kasi marami naman tao dito sa labas.
"Yieeeeee rica, nandyan pala si crush mo oh" panunukso nila sakin.
Pero dahil nga malayo sila samin. Hindi nila masyadong narinig. Hayyst buti naman.
'kaingay kasi ng mga kaibigan ko'
Nang makita kong nakalayo na sila. Saka ko naman pasimpleng tiningnan. Syempre, ganun talaga.
Papunta ata sila sa kabilang gate kasi dun sa isa ay sarado pa.
"Huy! Maglilinis ka pa, kung saan saan ka pa tumitingin."
"Ay! Kabayo!." napasigaw pa ako ng wala sa oras. Juskoo nanggigitla kasi.
"Uy hehehe sabi ko nga maglilinis na" sabi ko sa kanila.
"Bilisan mo nga dyan, kakain pa tayo, e." tsk. Ganyan talaga sila. Hindi na nga ako tinutulungan mag linis, papadaliin pa ako. -_-
Maya-maya natanawan ko sa bintana na bumalik ang section nila lance. Siguro sarado parin ang gate.
"Nay! Bumalik sila dhie!" natakbong sabi ni airis papalapit sakin.
Pero ako naglilinis parin. Dahil na feel ata ni airis na hindi ako magreresponse kaya umalis nalang ulit at pumunta sa labas.
Nang matapos akong maglinis ay sinarado ko na ang room namin.
"Tara na!" sabi ko palapit sa mga kaibigan ko.
"Natapos ka rin!" sabay sabay na sabi nila sakin. Tsk. Hindi nga nila ako tinulungan tapos sila pa magrereklamo. -_-
Kaibigan ko ba tong mga ito.Habang naglalakad kami. Natanawan namin sila lance na naglalakad din.
>Continued<
WAHHHHHH GUYS! DALAWANG BUWAN ATA AKO DI NAKAPAG UPDATE HEHEHE, TINATAMAD NA KASI AKONG MAG UPDATE EH😔SORRY KUNG NGAYON LANG HEHEHE. Support! Aja! Hwaiting!
Sorry po kung maikli hehehe.Dust_nica

BINABASA MO ANG
Falling for My Chaser
Dla nastolatkówSometimes, you need to see the worth of someone before it turns into nothing. -H.E.R