Drew
Nagising ako sa pakiramdam na may isang malamig na bagay na nasa noo ko, nanunuyo ang lalamunan at masakit ang katawan. Sinalat ko ang sariling leeg, I'm burning. Shucks. Tama ang prediction ni Daddy. I looked around and found a basin of water sa may sahig, bote ng gamot at isang baso ng tubig sa may night stand at isang bakanteng upuan malapit sa may gilid ng kama ko. Mukhang may nag-alaga sa akin habang tulog ako.
Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong din sa may night stand. Ala una na ng hapon! Mahilo-hilo man, tinanggal ko ang basang bimpo na inilagay ng kung sino sa noo ko at nag-effort na bumangon. The task itself proved to be tedious. By the time na nagawa kong isandal ang sarili sa headboard ng kama, pinagpapawisan na ako at hinihingal.
I didn't realize I am this weak. Inaabot ko ang baso ng tubig sa may night stand nang biglang bumukas ang pinto. The very last person na inaasahan kong iluluwa ng pinto ang siyang dumating. Yes, here comes Troy again. I groaned inwardly. Bakit sya pa?
"What are you doing here?"
"Ganyan ba dapat ang salubong mo sa taong matyagang nag-alaga sayo?" walang kangiti-ngiting tanong niya.
"Ikaw? Asan si Mommy? Si Dad? Si Kuya?"
"Maaga silang umalis. Hindi ka na ginising dahil alam nilang tanghali ka bumabangon. Well, to my surprise alas onse na ng umaga hindi ka pa lumalabas ng kuwarto. Ang alam ko 8:00 am gising ka na."
"Eh ikaw bat andito ka pa?"
"Wala akong pasok, parang ikaw. Martes ngayon nakalimutan mo?"
Oo nga naman, wala siyang schedule tuwing Martes at Huwebes. Gaya ko, bakante din ang TTh ni Troy.
"You're supposed to go with Kuya di ba?" umiwas ako ng tingin, nag-effort na abutin muli ang baso ng tubig. Nakakauhaw kausap itong si Troy. Grrr...
"Sabi ko sa kanya nagbago isip ko at gusto kong umuwi. Ang hindi ko sinabi sa kanya inaantay talaga kitang magising, I owe you an apology."
Uminom muna ako ng tubig mula sa basong hawak ko na. Akma kong ibabalik sa pinaglagyan ang baso nang abutin iyon ni Troy at siya na ang naglagay sa ibabaw ng night stand.
"No need. Ako dapat ang magsorry sa iyo." Mahina kong sabi.
"Why?" umupo si Troy sa gilid ng kama ko, paharap sa akin.
"Because I shouldn't have felt this way about you. Pero huwag kang mag-alala, mawawala din ito. I just hope when that time comes, mawala din ang awkwardness natin sa isa't-isa."
"Wala naman akong awkwardness na nararamdaman. Kasi kung meron, hindi kita aalagaan habang may sakit ka. Ikaw ang mas inaalala ko, kaya ayaw kitang paasahin." Nasa bed cover ang tingin niya.
"Wag mo na ako problemahin. Isipin na lang natin na temporary afflicition lang itong nararamdaman ko sa iyo."
"I admit I was surprised. Tuloy parang gusto kong sisihin ang sarili ko nang pilitin kitang magsalita. I can imagine how hard it must be for you. I was flattered though." Napasulyap sa akin si Troy, alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi niya.
As much as I wanted to make my expression passive, I can't help but smile. "Don't be too nice Troy, mas kaya kong i-deal ang supladong ikaw."
"Psssshhh..you know I have my moments. Kidding aside, how are you feeling?" sinalat niya ang noo ko.
"Medyo nahihilo pa. Aside from medyo gutom na rin, mukhang ok naman."
"I'll get your lunch." Tumayo na ito at lumabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...