Drew
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Pero kasabay ng pagbukas ko ng pinto sa kuwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Guidance Office ng school. Nakapasa ako sa huling screening. Pinagpapasa na kami ng requirements within the week.
By the end of the month, makakaalis na papuntang London ang mga may passport na dahil Student Visa na lang ang kailangan. At within this month na rin darating ang limang Student Visa para sa limang estudyanteng masuwerteng nakapasa sa screening.
Wow. Parang hindi ako makapaniwala. Kinurot-kurot ko ang sarili para masigurong hindi ako nananaginip. Aba masakit, hindi nga panaginip! But first, kailangan kong makausap ang mga magulang ko tungkol dito. Wala silang kaalam-alam sa application ko. Hindi ko naman kasi inasahan na makakapasa ako.
Ito na yata ang sagot ng Diyos sa panalangin ko gabi-gabi. Baka sakali, makalimutan ko na nga si Troy kapag tuluyan na akong napalayo sa kanya.
Hinintay kong matapos ang hapunan bago magpasyang kausapin ang parents ko. Ayaw kong marinig ni Kuya ang sasabihin ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya. Kapag napapayag ko na sina Mommy at Daddy saka ko na sasabihin kay Kuya.
Kumatok ako sa kuwarto ng mga magulang namin. "Pasok." Si Daddy.
"Hi Dad, Mom. Pwede ko ba kayong makausap?"
"Drew, halika. Tungkol saan?"
Tumabi ako kay Dad na nakaupo sa kama at nagbabasa ng financial reports yata. Si Mommy naman ay nahinto sa pagsusuklay.
"Mukhang seryoso yan ah." Sabi ni Mommy.
"Yes Mom, as serious as stage four cancer."
That got their attention, kaya ikinuwento ko sa kanila ang tungkol sa application at ang kagustuhan kong mag-aral sa London through the scholarship grant. When I finished, nagkatinginan sila.
"When are you leaving?" Tanong ni Mommy.
"End of the month po."
"That soon? Daddy.."
"Mom..she's not a baby anymore. Let her be. I think kailangang-kailangan ni Drew ito ngayon. Di ba 'nak?"
Bigla akong nakaramdam ng discomfort. Umoo na lang ako.
Teka may alam ba si Dad?
"Kung sabagay, once in a lifetime opportunity ito. Nakuwento mo na ba sa Kuya mo?" Tanong ni Mommy. Umiling ako.
"Kailan mo balak sabihin?"
"Week of my departure. Madaldal kasi si Kuya. Ayokong malaman ng mga boys. Baka magbago pa isip ko sayang."
Mataman akong pinagmasdan ni Daddy, parang inaarok ang kalooban ko. Sa wakas napapayag ko ang mga magulang ko. Bukas na bukas din ay magpapasa na ako ng requirements.
The next day, hindi na ako pumasok sa klase ko. Dumiretso ako sa guidance office at nagpasa ng mga kailangang requirements. Pagkatapos kong ma-receive ang instructions tungkol sa scholarhip grant, dumiretso naman agad ako sa office ng Dean namin. Pormal akong nagpaalam na magwiwithdraw ako ng enrollment ngayong araw mismo. Pinirmahan naman niya ang kinakailangan kong requirements.
Next stop, College Resistrar. By the end of the day, I am officially disconnected from the school. Bukas naman ipaprocess ko na ang Transcript of Records ko. Excited ako, aminin ko man o hindi. Kahit mabigat sa loob ko ang napipintong pag-alis, may bahagi ng pagkatao ko ang parang nabuhayan.
Ang mga sumunod na araw ay mabilis na lumipas. Before I knew it, nasa mga kamay ko na ang inaantay kong Student Visa. Excited kong ipinakita sa mga magulang ko iyon. Pinayuhan nila akong sabihan na si Kuya. Nangako naman akong gagawin ko, pero gusto ko maghanda ng kaunting salu-salo at doon ko sasabihin na aalis na ako. Gusto kong ipunin ang mga kaibigan namin, including Troy. For the last time, gusto ko silang makasama.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...