Drew
It has been a week since Troy and I went out on that date sa amusement park. Looking back, masasabi kong hindi ako masyadong nakapuntos ng "ganda points" sa kanya. Pagkatapos ng date na iyon ay kung anu-ano pa ang nagawa ko para panindigan ang panliligaw sa kanya.
Nandiyang ipag-bake ko siya ng cookies dahil iyon lang ang alam kong i-bake. Sadly hindi ko namana ang expertise ng ina ko sa kusina. Ayaw ko namang hingin ang tulong ni Mommy kasi magtatanong iyon.
Hinatiran ko na rin siya ng lunch, meryenda at minsan dinner sa office. Pero hindi ko niluto iyon, inorder ko lang sa malapit na restaurant sa office nila dahil sa kung hindi man gahol na ako sa oras eh kinatamaran ko na magluto.
Napagalitan nga lang ako ni Kuya and the rest of the boys kasi delikado na nasa labas pa ako gayung kalat na ang dilim. Masama rin ang tingin sa akin ng iniirog kong suplado nang hatiran ko siya ng hapunan that time. As usual, the best defense against his "andropausal tendencies" eh ang dedmahin ang katotohanang gusto niyang pilipitin ang leeg ko sa inis.
Araw-araw ko din siyang tinetext first thing in the morning tapos after 5:00 o'clock kasi tapos na office hours. As much as possible kahit kating-kati na ang mga daliri ko na magtext at tumawag in between ay pinipigilan ko ang sarili ko.
Siyempre nagtatrabaho yung tao ayaw ko namang makaistorbo, bawas sa brownie points ko 'yun. Bago matulog kinukulit ko din siya. In fairness naman sa kanya tinotoo niya yung binitiwan niyang salita na bibigyan niya ako ng pagkakataon. Kahit minsan pagod na siya sa maghapong trabaho nakukuha pa rin niyang i-entertain ang tawag at text ko kahit pasuplado.
Ganun pa man, hindi ko mailarawan ang sayang nararamdaman ko kapag nakakakuha ako ng response mula sa kanya. I didn't care it those responses were angry, curt and even without any hint of sweetness. Troy is Troy, at wala akong gustong baguhin sa katauhan niya.
I love the sungit, sarcastic, mean, and sometimes thoughtful and the ugliest side of him. His entire plus and minus points, when rolled into one summarizes the Troy that I love. So bakit ko babaguhin ang katauhan niyang natutunan kong mahalin?
Today I am sending him flowers. Yellow tulips. Have I mentioned mahilig siya sa bulaklak? Hindi? Ah. That is something only a few people know about. Dahil kasama ako sa inner circle whom he calls friends, natural alam ko iyon. Kasalukuyan kong pinaprocess online ang order to be sent to his office address.
Nagbilin din ako ng instruction na walang cheesy messages na isusulat sa card. I instructed the customer service representative na pangalan lang niya ang ilagay sa labas ng card and something else sa loob. And of course with my name on it.
Nang matapos, I stared at my phone. I went to my inbox and read his text message.
Bad day.
That's his only response sa text na ipinadala ko kanina asking how is he doing. Napag-alaman ko kay Kuya na nagkakaproblema sila sa isa nilang supplier dahil nasira daw ang pananim ng mga ito. Organic ingredients kasi ang ginagamit nila sa kitchen sa bar. The volume of deliveries can barely cope up with the demand.
Hanggang ngayon ay wala pa silang mahanap na potential back-up supplier. May na-irefer na rin naman sa kanila ang supplier na nila na puwede nilang pagkunan na magpupuno sa kakulangan ng delivery pero hindi ko na alam kung ano ang nangyayari dahil hindi madetalye magkuwento ang kapatid ko. Malamang pati siya ay pressured din, silang lahat. Hindi biro ang presyo ng organic ingredients.
Hindi na ako nagreply sa text niya. This is not the right time to crowd him, maiinis lang iyon sa akin lalo na at problemado. Palilipasin ko na lang ang ilang araw. Tama na muna iyong mga bulaklak for now. Baka nga hindi pa niya tapunan ng pansin sa sobrang busy. By next week mag-uumpisa na akong magtrabaho with them. I am looking forward for it, makakasama ko sa araw-araw si Troy.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...