Drew
Sa wakas ay natapos ko na rin ang kailangan kong gawin sa library, thanks to Troy's help. Siya ang nagproof read ng mga natatapos kong parts ng paper ko which is due two days from now. Encode na lang sa computer and then print and it's good to go.
Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit. Pinapanood lang ako ni Troy, nasa kanya na uli ang ipod na ipinahiram niya sa akin kanina. Pagkatapos ko tinapunan ko sya ng isang tipid na ngiti, a little bit uncertain how to proceed next.
"May klase ka pa?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako.
"Uwi na ako. Kailangan kong ma-encode ito at maprint nang makapagpahinga na rin. Masakit na batok ko."
"I see. Tara."
Sabay kaming lumabas pagkatapos makuha mula sa baggage counter ang mga bag namin. Napatigil kaming pareho sa labas ng library. I adjusted the straps of my bag on my shoulder.
"Sige na. Uuwi na din naman ako." Pagtataboy ko kay Troy. Hindi ko alam kung may klase pa siya sa hapong iyon.
"I was suppose to wait for Madeleine after her last class."
"Okay. Mauna na ko." Nagsimula akong maglakad paalis nang pigilan niya ang kaliwang braso ko. Napalingon ako sa kanya. "May nakalimutan kang sabihin?" I calmly asked. Kabaliktaran sa nangyayari sa loob ko.
"Screw it. Sasabay na ko sayo pauwi."
"But.."
"Ayaw mo?"
"Gusto."
"'Yun naman pala. Tara na."
Siya namang pagtunog ng cellphone niya. Natukso akong silipin kung sino ang nagtext. Napansin yata niya ang pasimple kong pagsilip. He laughed, slung his other free arm on my shoulder and let me read the message he received. Although nabigla ako, pasimple lang akong nakisabay sa agos. Galing kay Maddy ang text.
Nang makita ko ang pangalan ng babae hindi ko na itinuloy. Ayaw kong mabasa kung ano man ang nasend nito kay Troy. Baka manigas ako sa selos. Aish. Nilingon niya ako, nakita niyang hindi ako nakibasa gaya ng una kong balak.
"Sabi niya hintayin ko daw siya dahil mali-late sya ng 10 minutes. I told her I have to cancel our plans, something important came up." He tucked his phone on his front pocket after clicking on send.
"At okay lang iyon sa kanya?" tanong ko.
"She doesn't have much choice, I'm calling all the shots so yeah magiging ok yun sa kanya."
"Yabang nito."
"It's the truth. We're in a kind of relationship wherein she knows my terms bago pa kami nagsimula. Ganun ako lagi, nililinaw ko ang ang lahat para walang ibang expectations at hindi nila masabing pinaasa ko sila sa wala. If okay sa kanila, then we would proceed into a relationship. Pag hindi naman, ok lang. It's their choice. Basta ganun lang ang requirements ko. Tapos."
Eh ako, bakit malabo ang stand ko sayo? I silently asked him. Noong una malinaw eh, nung hinalikan mo ako sa library lumabo na.
Nag-aabang kami ng taxi sa labas ng school nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ni Troy. Kinalabit ko siya, hindi kasi niya talaga maririnig kung sino man ang tumatawag sa kanya dahil nakasaksak sa tainga niya ang earbuds ng iphone niya. Pumihit siya paharap sa akin at tinuro ko si Maddy na papalapit sa kinatatayuan naming dalawa.
She eyed me for a while tapos bumaling kay Troy ang atensyon nito. She looked pissed. Kalmado namang hinintay ni Troy na makalapit si Maddy sa amin. "What's up?" tanong nito sa babae.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...