Drew
After two years.
London, England 3:00 AM GMT+1. I have packed all my books. Mapupunta lahat iyon sa donation. Hindi ko kayang bitbitin lahat iyon pauwi ng Pilipinas. Yes, uuwi na ako. Parang kailan lang. Natapos ko na rin ang dalawang taon ko dito at ngayon ay handa na akong balikan ang bansang pansamantala kong iniwan. Naayos ko na lahat ng dapat ayusin dito. I can t wait to see my family, friends and that one person na laging nasa isipan ko.
Napalingon ako sa coffee table, I have their pictures mounted on a picture frame. Kamusta na kaya sila? During my first six months sa London halos gabi-gabi kong kausap through Skype ang mga magulang ko at si Kuya Bernard. I know they have a lot of questions particularly tungkol doon sa nangyari between me and Troy sa airport.
But when I told them I don't want to talk about it, nirespeto nila ang desisyon ko pati na rin ang kahilingan kong huwag magbanggit ng kahit na ano patungkol kay Troy. I want to keep my promise to him. And I think hearing nothing about the guy ay makakatulong. That's what I thought. Irony or all ironies, distance nor his absence failed to make any difference.
Kasi walang nagbago. I still love that jerk. Hindi naman sa hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili kong subukang magmahal ng iba. I even went out for a date with guys that I have grown to like during my stay here. Pero kulang pa rin, hindi ko maitatatwa na may hinahanap-hanap ako sa bawat lalaking sinusubukan kong mahalin. Nabigo akong kalimutan si Troy.
It s a shame because all those guys I went out with would have been perfect. Kaya lang wala talaga akong maramdamang spark eh. Good thing they were all very understanding at hindi na ipinagpilitan ang sarili sa akin. No wonder we eventually became friends.
At ngayong pauwi na ako ng Pilipinas, hindi ko alam kung ano ang daratnan ko doon. Wala kaming naging communication or whatsoever ni Troy. I even limited my interactions with Conrad, Jeff and especially si Gene. For all I know nagsipag-asawa na ang ilan sa kanila.
Inikot ko ng tingin ang apartment na sa loob ng dalawang taon ay naging tahanan ko. I wonder kung sino ang masuwerteng magiging bagong tenant nito. Im sure gaya ko, hindi rin sila magsisisi pag dito sila tumira. Tinapunan ko ng huling tingin ang mga kahong magkakapatung-patong. Lahat ng iyon ay naglalaman ng mga gamit na naipon ko sa loob ng dalawang taon. Mga gamit na hindi ko kayang dalhin pauwi ng bansa. Kaya kesa masayang, idodonate ko na lang sa iba't ibang charity na nagkalat sa London. Mas marami ang makikinabang doon.
Handa na rin ang bagahe ko. A day after tomorrow na ang flight ko pauwi ng Pilipinas. Uuwi akong hindi nagsasabi sa mga magulang ko at kahit na rin sa kapatid ko. Gusto ko silang sorpresahin. Sa huling usapan namin ni Kuya, sinabi kong sa susunod na buwan pa ako uuwi dahil hindi ko pa naaayos ang mga papeles ko sa university.
My parents will be celebrating their wedding anniversary sa mismong araw ng dating ko sa Pilipinas. Sinadya kong magpa-book ng plane ticket sa ganung petsa para tamang-tama ang dating ko. Regalo ko na rin sa kanila ang pag-uwi ko yaman din lang na madalas na ako kulitin ni Mommy kung kailan ako uuwi. Ngayon pa lang, napapangiti na ako sa pag-iimagine ng magiging reaction ng pamilya ko. Sigurado din ako na naroon din ang mga kaibigan namin. Who knows? Baka andun di si Troy.
Wala pa akong kongkretong plano or balak kung ano ang gagawin ko pag-uwi ko ng Pilipinas. Kung kakausapin ko ba siya o hindi na. Kung kakausapin ko siya, ano naman ang sasabihin ko? Isa pa baka may asawa na siya or girlfriend. Maraming puwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon. Bahala na si Batman. Sa ngayon, kailangan ko nang matulog dahil madaling araw na.
Heathrow airport. Matiyaga akong naghintay sa flight ko. Nagbasa-basa muna ako ng ilang pages mula sa librong sadya kong dinala para sa mga sitwasyong ganito. Hindi nagtagal at narinig ko na ang pagtawag sa mga pasahero ng flight na kinabibilangan ko. I got up and made my way towards the gate that will lead me into the plane I am suppose to ride. After a while, I am settled nicely in a window seat. I opened my book, found where I left off and lost myself into the story the author wove.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...