Drew
The song came to an end more than a minute ago but we stayed unmoving, unspeaking. Me, with my jumbled thoughts and him, playing with my hand ang fingers with his lips.
"Troy.."
"Shhh..."
"You need to let me go."
"No." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap. Natawa ako, para siyang batang aagawan ng kendi.
"Why?"
"I don't know. I suddenly have this feeling na ito na ang huling beses na mayakap kita sa paraang gusto ko. I can't let you go yet."
Napalunok ako. Matalas talaga ang pakiramdam ng unggoy na ito.
"Don't be silly."
"Being silly has nothing to do with this. Just let me be."
"Hoy, super tsansing na tawag dyan. Kanina ka pa ha."
"Bakit ba, am I not allowed to do this?" Niyuko niya ako.
"Pasaway ka talaga."
"Matagal na. Kaya dito ka lang, huwag ka nang magreklamo."
He left around midnight pero hindi pa rin nakakauwi ang mga magulang namin. Hindi rin naman nagtaka si Kuya Bernard kung bakit inabot ng ganoong oras si Troy sa bahay. Hindi naman kasi iyon ang unang pagkakataong ginabi ang binata sa bahay.
Hinatid ko siya sa may gate namin. Walking distance lang naman ang bahay ng Ate Casey niya mula sa amin so afford niyang gabihin sa pag-uwi. Nasa kabilang village pa ang bahay ng mga magulang ni Troy kaya kapag ginagabi siya ng uwi doon sa Ate niya siya nagpapalipas ng gabi kung hindi puwede sa amin.
Naipaalam na rin naman daw niya sa kanila na nandito siya sa bahay. He bade me goodnight and started walking away. Habang papalayo siya I was filled with dread. Hindi ko napigilan ang sariling tawagin siya.
Naglakad siya pabalik sa akin. Lumabas ako ng gate para salubungin siya.
"May nakalimutan ka?"
"Yes. Can I kiss you goodnight?" Oo, alam ko iniisip mo. Ang kapal ng mukha ko. Sorry, nagmamahal lang po ako. At oo ulit, tama ang basa mo. Mahal ko na siya. Ambilis? Tama. Pero walang standard requirement kung gaano dapat katagal bago mo masabing mahal mo nga ang isang tao. Dahil hindi nasusukat iyon, nararamdaman mo na lang ke gusto mo o hindi.
He smiled. "I thought you'll never ask." He crossed the remaining distance ang caught me in a kiss so wonderful I momentarily forgot he's not mine.
"I can easily get used to this." Sabi niya nang maghiwalay kami. Yakap pa rin niya ako.
"No you can't. This has to stop sooner or later." I disagreed.
"Kaya mo?" He teased.
"I don't know. One thing I know though, this has to stop."
Bumitaw siya. Madilim ang mukha. Slowly, he retreated.
"Fine. Whatever you say. Goodnight." Iyon lang at tumalikod na siya.
Pinigil ko ang nagbabantang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Napaupo ako, ang sakit sa dibdib. This has to stop. Lulugo-lugong bumalik ako sa loob ng bahay namin. I closed the door, the sound of it echoed finality. The finality of my decision to forget about the most wonderful guy I can't have. I can't promise hindi ako iiyak.
Imposible iyon. Ngayon pa? Ngayon pang mahal na mahal ko na siya.
Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang sa naging linggo at buwan. Tama ang kutob ni Troy, that was the last time na nagkasama kami at nayakap ang isa't isa sa ganoong paraan. After that night, I saw him sa school kasama si Maddy. He saw me too but he pretended na walang nakita. Ginaya ko din siya hanggang sa dumating kami sa puntong kahit kami lang nagsasalubong lagpas-lagpasan ang tingin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...