Zero Brownie Points

4.6K 161 34
                                    

Troy 

Pakiramdam ko ipinagkanulo ako ng mga sariling kaibigan. Hindi ko sukat akalain na papayag ang mga iyon ng ganun-ganun lang. Lalung-lalo na si Bernard, wala ba itong concern sa kapatid? Ito ang inaasahan kong unang-unang magpoprotesta sa kabaliwan ni Drew but lo and behold! Ni hindi man lang ito natinag. I sighed in frustration. I turned the shower off and stepped-out of the bathroom. Tinungo ko ang closet at namili ng isusuot.

Hindi na ako nagtagal kanina sa bahay nila Drew, pagkatapos ng agahan ng mga kaibigan ay isa-isa na kaming nagsiuwian sa kani-kanilang bahay. Inihatid pa kami ni Drew sa gate at pinabaunan ako ng nakakalokong ngiti. Mangani-nganing patulan ko siya at pilipitin ang leeg nito. Nagtimpi lang ako. Knowing Drew, mas lalo pa iyong magpupursige if she knew she's getting some reaction from me. 

Pagkatapos kong magbihis I went to fetch my laptop and fired it up. Marami akong kailangang basahing emails mula sa mga suppliers at potential suppliers ng bar. Ako ang in-charge sa ganoong mga bagay. Aminin ko man o hindi, ang mga ex-girlfriends ko ang naging daan kung bakit marami akong naging kakilala outside my close circle of friends. I met a few good people we can do business with.

I spent two hours reading and replying to my emails when my phone, perched on the top of the bedside table, rang. Hindi ko muna pinansin iyon. Katuwiran ko, kung importante ang dahilan ng pagtawag ay tatawag uli iyon kung sakaling hindi ko agad masagot. Puwede ring masipag magdial sa telepono ang tumatawag o sadyang may kakulitan sa katawan. 

Speaking of kakulitan, iisang mukha at pangalan ang sumagi sa isipan ko. Agad na nangasim ang mukha ko, hindi pa man full-blown ang panliligaw ni Drew sa akin pakiramdam ko pagsisisihan ko ang pagpayag sa gusto nito. Ngayon pa lang ay nahahapo na ako sa tila ipu-ipong si Drew. I care about her, that is an undeniable and given thing. Pero kapag ganyang pursigido at makulit si Drew, nakakalimutan ko iyon minsan. 

Nag-ring muli ang cellphone ko. This time I stood from where I was sitting and picked it up. Drew's name came flashing on my screen. Momentarily, I debated with myself kung sasagutin ko ba o hindi. Pero dahil alam kong kukulitin at kukulitin lang niya ako, I swiped my thumb across the phone's screen to accept her call. 

"What?" I asked in a bored tone. 

"Date tayo." Walang kaabug-abog nitong sabi. 

"May gagawin pa ako." Patamad kong tugon. 

"Kala ko ba bibigyan mo ako ng chance? Pumayag ka na di ba. Bakit ngayon todo iwas ka na naman sa akin gaya ng ginagawa mo before?" 

Natahimik ako, walang maapuhap na sagot. Hinilot ko ang sariling sentido, tila may pumitik doon. 

"Alright, alright matigil ka lang. What time kita susunduin dyan?" sa wakas ay napahinuhod na rin ako. Arguing with Drew seemed to drain the energy out of me. 

"Can you pick up me in an hour? Hindi naman kalayuan sa bahay mo itong bahay namin." She sounded happier. 

"Paano mo nalaman? Oh, nevermind. Masyado kang resourceful, malamang ang pati ganoon kaliit na bagay ay inalam mo na even before I asked." 

"Naks. Compliment ba iyon? Salamat kung ganun. Iyan na ang simula ng pagkahulog ng loob mo sa akin, I'm sure. Unti-unti mo nang narerecognize ang mga redeeming qualities ko. I'm touched." 

Dinig ko ang pigil na tawa sa likod ng mga salitang binitiwan ni Drew. Minsan tuloy hindi ko matukoy kung nang-aasar ba ito o seryoso. Kung tatanungin ako kung saan doon sa dalawa ang agad kong paniniwalaan, yung una ang pipiliin ko. 

Likas na mapang-asar si Drew, impluwensiya marahil naming lima sa dalaga dahil kami ang kasa-kasama nito mula pagkabata hanggang magdalaga. Sometimes I don't know whether to curse or praise my friends including myself for our influence on her while she was growing up. 

His Jaded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon