Clear Lines

6K 197 109
                                    

Drew 

"I see." That was all he said. 

Wala na siyang sinabi kasunod noon. Basta lang siya nakatunghay sa akin na parang noon lang niya ako nakita. I am beginning to feel awkward. Just when I was about to do something para makatakas sa "pagkakakulong" ko sa pagitan ni Troy at ng sink namin, tinawid niya ang natitirang space na nakapagitan sa aming dalawa. 

Nabigla ako. What is he doing?! 

"Errr..what are you doing?" 

"Maghuhugas ako ng kamay. Stay still." 

"'Kay." 

Narinig ko ang pagbukas ng gripo from behind me. Bakit kailangan niyang maghugas ng kamay while I'm like this? Gusto kong umalis pero baka magalit na naman siya pag nangulit ako. Lately napapansin ko maiksi ang pasensya ni Troy sa akin. Oh well, dati na siyang masungit but his level of kasungitan these days is bordering on epic. 

Kung kanina doble ang kabog ng dibdib ko, na-triple na ngayon. Napapikit ako, praying hindi niya marinig ang kabog ng dibdib ko when he's this close. My chin is literally resting on his right shoulder habang naghuhugas siya. Para akong na-estatwa sa pagkakatayo ng mga sandaling iyon, I didn't dare move. 

At last, the sound of water rushing from the faucet had grown silent. Nakita kong ipinunas niya ang dalawang kamay on the back pockets of his jeans. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala ng nagrerestrict ng movement ko dahil wala ang dalawang braso niyang nakabakod sa magkabilang gilid. I was about to sidestep para makaalis sa kinatatayuan ko when his arms came back and rested on the same spot as earlier. 

Patay kang bata ka Andrea, nakulong ka na naman. Oh Lord. 

Why do I need to have mixed feelings about this situation that I am in? Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko but why do it has to feel heavenly having his arms around? He's not hugging me or any of the sort naman. 

I knew then that I am a goner. 

Niyuko ako ni Troy and looked at me straight in the eyes. "Is there something you're hiding from me, Drew?" he asked me, his voice a bit higher than a whisper. Hindi ko alam kung bakit nag-uusap kami sa pabulong na paraan, malayo naman ang kusina sa mga kuwarto sa bahay. 

Umiling lang ako. As much as I wanted to hold his gaze para hindi niya mahalata ang internal conflict na kasalukuyang nangyayari sa akin, hindi ko siya matagalan. Labag man sa loob ko, I looked away. This seemed to fuel his suspicion. He tilted my chin and forced me to look at him. 

"There is. Kilala kita mula pagkabata. I can read you better than you think I can. I am willing to bet my life na nagsisinungaling ka. What is it?" 

"Please Troy, don't push it. Hindi mo na kailangan malaman. Leave it as it is. Im begging you." 

"Why?" kumunot ang noo nya. 

"It's just that....." 

"What?" 

"Oh dear. Huwag mo na kasing itanong. Alam mong sa inyong lahat sa iyo lang ako hindi nakakalusot. Please." 

"Mas dapat kong malaman kung ganun. What is it? What is bothering you? Lately, you're being weird. Hindi ko lang matukoy kung ano ang dahilan or kung kailan nagsimula. Pero ramdam ko Andrea. You can never hide from me. Remember that." 

Buo ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko, a sign that his patience was wearing thin. 

Tread carefully Drew, you know how Troy is. 

"It seems na wala akong choice kundi magsabi sa iyo. But promise me one thing, please don't get mad." I eyed him uncertainly. If kanina lang adamant ako na itago sa sarili ko ang nararamdaman ko, mas mabuti pa nga siguro na malaman niya para siya na mismo ang kusang umiwas. Baka sakali mawala din ang nararamdaman ko sa kanya kapag nasaktan ako sa pag-iwas niya. 

His Jaded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon