"About damned time for what?" litong tanong ko sa kanya. Bumalik siya sa kinauupuan niya, hindi pa rin nawawala ang tila nakakalokong ngiti nito.
"About time for you to be real."
"Bakit, plastic ba ako sa paningin mo?"
"I am not referring to that. Nagtapat ka na sa akin, nililigawan mo na ako at lahat-lahat pero in denial ka pa rin dyan sa kaloob-looban mo. And that's what makes you uncomfortable dahil naglalaban ang isang bahagi ng utak mo tungkol sa gusto mong gawin, that's what makes me pissed. I mean, I never knew you to be a hypocrite."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Troy. In denial daw ako? I tried back tracking. Then I realized oo nga, tama ito. In denial nga ako. Denial pala tawag doon. Hindi ko mapangalanan noong una, kung hindi pa sinabi ni Troy ay hindi ko marerecognize ng sarili ko lang. In short, saksakan ako ng arte all this time.
Shucks.
"Mayabang ka pero I loathe to say this, you're right." Pag-amin ko.
"Noticed any difference now that you're aware?"
Kinapa ko ang sariling damdamin. Meron ba? Again, he's right. There is. Napatingin ako sa kanya na mataman ding nakamasid sa akin habang may internal battle ako with my self..
"You're right."
"I know. I'm a genius."
"At mayabang ka." Pag-uulit ko sa nasabi kanina sa kawalan ng matinong isasagot kay Troy.
"Tsk. Can you tell me something I don't know? Overused na yang salitang ginagamit mo eh."
Umingos lang ako sabay tayo. Napasunod naman si Troy sa akin.
"Where are we going now?" tanong nito.
"We're not halfway done with this date yet. Dungeon tayo."
"Bakit doon?" na-weirduhan yata ito sa choice ko pero sumunod din naman. Hindi na lang ako sumagot, basta tuloy-tuloy ako kung saan naroon ang Dungeon. I paused to let him catch up with me nang nasa entrance na kami.
"Tinatanong mo ako kung bakit ito ang napili ko?"
"Bakit nga ba?"
Hinila ko sa kamay si Troy papasok sa Dungeon bago sumagot, "Para matsansingan kita." Sabay bunghalit ng tawang parang nababaliw. Napakamot na lang sa batok si Troy at nagpahila na lang sa akin.
Muntik na akong mapasigaw nang pagpasok namin sa pinto ay bigla iyong sumara. Nabalot kami ng dilim, wala akong makita. Humigpit tuloy ang kapit ko sa pulso-pulsuhan ni Troy na walang imik lang na nagpapahila sa akin ng mga sandaling iyon.
"Over naman ang dilim, paano tayo makakapaglakad nito kung wala tayong makita?" mahinang reklamo ko, nagpalinga-linga sa paligid sa pagbabakasakaling may kahit kaunting liwanag akong makita na puwedeng maging gabay namin palabas sa lugar na iyon.
"Bakit, natatakot ka na?"
"Ay kulugo!" napatalon ako sa gulat nang maramdamang ang lapit lang ng boses ni Troy sa tainga ko, "Masyado kang malapit! Wag kang nanggugulat!"
Hindi ito kumibo. Naramdaman ko na lang ang pagkalas nito sa pagkakahawak ko sa wrist niya. I felt his hands on both sides of my waist. Nasa likuran ko pala si Troy. He leaned forward, dahilan upang magdikit ang likod ko at dibdib niya. I suddenly felt super-conscious with our proximity. Iiwas na sana ako nang pigilan ako ng boses niya.
"Lalabanan mo na naman ba ang sarili mo?" he asked.
"Whaaa----"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin because I felt his arms encircle the entire expanse of my waist from behind. His palms were resting against my stomach, his lips brushing the side of my neck. Napalunok ako, natulos sa kinatatayuan. Gustuhin ko mang umalis ay parang nadikit na ng super glue ang mga paa ko sa sahig.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomantiekAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...