Troy
Walang halong pagmamadaling naglakad ako pabalik kung saan ko iniwan si Drew. Matiyaga namang naghihintay ito sa pinag-iwanan ko sa kanya. She seemed to be lost in thought dahil hindi nito namalayan ang paglapit ko. She's facing the parking lot with her back towards the ticketing booth and I approached her from behind.
"Penny for your thoughts?"
"Ay poging kulugo!" lumingon si Drew sa pinanggagalingan ng boses at nang makitang ako lang pala walang babalang hinampas niya ako sa balikat.
"Aray! Assault na yang ginagawa mo, Drew ano ba?!"
"Bagay sa iyo yan! Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Malay ko bang nasa Japan ka na pala? Isinama mo pa ako ng walang paalam."
"Assuming lang? Oo na sabihin nating nasa Japan nagliliwaliw ang isip ko pero what made you think ikaw ang kasama ko dun?"
"At bakit, hindi? Denial pa? Sige tuloy mo lang baka sakali ma-convince mo ang sarili mo. Dahil hindi bumibenta sa akin 'yang mga pinagsasabi mo."
"Ingay nito. Halikan kita dyan eh," pabulong na sabi ni Drew pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko.
"Ngayon naman gusto mo maka-tsansing? Negative na ang brownie points mo iha."
"Ok lang, first day pa lang naman ito ng six months na palugit mo sa akin."
"Ano, tutunganga na lang tayo dito? Sasayangin natin ito?" I waved the tickets in front of her face.
"Sabi ko nga tara na." Walang kaabug-abog na hinila ako ni Drew papunta sa entrance ng amusement park. Walang angal din namang napasunod na lang ako sa kanya.
Nakapasok na kami sa loob. Medyo marami-rami din ang mga tao sa lugar ng mga oras na iyon. Drew surveyed the place, noticing the changes that took place since the last time she was here. There's still the Viking, Blizzard as well as the Bumper Car at Bump Boat. Mukhang nag-level up na ang dating Horror House dahil Dungeon na ang nakikita naming attraction kung takutan lang din naman ang trip mo. Hinahanap niya yung Octopus but she can't seem to find it. Instead, there's this ride they call Tornado.
"So, where do you want us to start?" Tanong ko sa kanya.
"Ha?"
"Saan mo gustong mag-umpisa? Remember date ito. Come on, nasasayang ang oras."
"I want to try the Frisbee."
"Extreme agad?" paniniguro ko.
"Why, natatakot ka?" tudyo niya.
"No. Ako pa? Tara ng masubukan natin tibay ng sikmura mo sa sinasabi mong ride."
Pumila kami sa entrance ng ride na napili ni Drew. Habang naghihintay kaming makasakay, parang gusto ng umurong ng kasama ko nang masaksihan kung ano ang nangyayari sa sakay ng ride na pinili niya. Para kang manikang basahan na inihahagis-hagis at binali-baliktad. Tingin ko nanginginig ang tuhod niya.
Iyong pihit niyang iyon para umalis sana sa pila ay hindi niya nagawa dahil iniharang ko ang katawan sa makitid na space na puwede sana niyang daanan palabas. Hindi naman siya makatakas dahil parehong nahaharangan ng bakal na barandilya ang magkabilang gilid ng pinipilahan namin.
"Scared?" pang-aasar ko while looking down on her. Higit na mas matangkad ako sa kanya kaya ganun na lang kung tingalain niya ako kapag ganoon kami kalapit sa isa't-isa. At hindi daw iyon nagugustuhan ng leeg niya, she told me once. Kapag nakatingala siya ng medyo may katagalan sa akin ay walang dudang magkaka-stiff neck siya.
BINABASA MO ANG
His Jaded Heart
RomanceAndrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan lang ang naisip ko, si Troy---angmasungit na kaibigan ni Kuya. Galing kasi si Troy sa isang heartache...