CHAPTER 4

8 0 0
                                    


Kinabukasan ay bandang mga 10 am na ako na nagising. Sout ko pa rin pala ang damit ko kagabi. Masyado akong napagod kaya ang dali Kong nakatulog.

Mga anong oras kaya kami naka uwi kagabi?

At ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Siguro naman ay hindi n kami magkikita sa fast food chain na yun'. Baka dumarayo lang yun, nagtiis sa pagsout ng mascot' para kumita ng pera.

Kahit bayan lang itong tinirahan namin ay malaki-laki rin naman ang nasasakop. Kaya Napa ka impossible pang magkita.

Naligo na rin ako bago lumabas ng kwarto. Nagligpit ng kaunting kalat lalo na sa ang mga gamit ko sa pag-aaral. Nag-ayos ng kama at inayos-ayos na rin ang ilang mga gamit ko.

Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba.

Kasalukuyan akong kumakain ng cerial na may gatas bang biglang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay si kuya Cupid lang pala.

"What the heck are you doing, kuya?! Can't you see I'm having my breakfa-, no, I mean, my lunch!"

Iritang sigaw ko pa sa kanya kahit napakalapit lang niya sa akin. Nakakabanas ang ganitong klaseng ugali niya idagdag pa ang mga kapatid nitong kambal ng tadhana.

"Seriously, Lara?! You consider that food a meal? Oh, come on, let's eat outside. My treat. Cereals are for those weaklings or an ill person, it just nothing compared an usual meal". enganyo pa nito sakin may pakindat kindat pang nalalaman.

Eww. Hindi ba niya man lang naisip na kasuka suka ang pinag gagawa niya. I can't believe this that I'm having a stupid cousin for Pete's sake.

" Wait, Saan ka galing?"

"Doon lang sa kabilang bahay, sa katabi pa nitong bahay mismo. Larah naman? Sa tagal ba naman natin tumira dito eh?! Hindi ka ba man lang na inform." Ngiting aso pa niyang pahayag.

Tsk. Sarap sapakin ang isang 'to. Hindi ko na lang sinagot ang sinabi niya para hindi na humaba ang usapan. May binunot siya mula sa kanyang bulsa at inilahad niya ito. Tinanggap ko ang inabot niya at tiningnan. Nanlaki ang mata ko na ito pala ay isang picture, picture namin kagabi noong muntik na ako madaganan ng statue ng jollybeee.

"Kuya naman eh?! Ano 'to?! Nakakahiya at bakit mo ba kami kinunan?''

"Tsk. I gotta go." he grind as he walked away.

Napa nga-nga ako sa kanyang inasal. Yan! Diyan siya magaling pag nag usisa na isang tao, asahan mong walang matinong sagot. As usual.

Nawalan ako ng gana matapos ang walk out-an niya ako. Kainis!

Niligpit ko na ang pinagkainan ko.

Maya Maya ay naisip Kong umalis dito sa bahay at ako naman ang mambulabog sa kambal ng tadhana. Agad akong umalis at nagbilin ng note sa ref na aalis ako at sa kambal ako pupunta kahit nasa kabilang bahay lang ng saglit para kahit papano ay alam nila. Pwede namang i-text pero ewan ko ba kung bakit mag aabala pa ako. Iba naman kasi ang nakasanayan na

Pinihit ko kanilang pinto. Kung labas-pasok sila sa aming bahay ay ganoon rin ako sa kanila pero madalang lang akong pumunta dito. Nag diretso-diretso lang ako ng pasok. Wala akong nadatnan sa sala siguro umalis si Tita, ang ina ng mga kambal ng tadhana at wala rin si kuya Cupid.

Umakyat ako sa kanilang kwarto at pinihit ito. Naabutan ko silang tulog, aba'y ang tanghaling tapat, natutulog. Yinugyug ko sila pareho at nang magising.

"Hoy, ano ba?! Gisinggggggg!"

"Ano ba Larah, kita mong natutulog ang tao, pinapakialaman mo." asik pa ni Destinee na niyayamot ang ulo.

"Pag wala kang gagawin, puntahan mo ako sa bahay ahh ? Nababagot kasi ako at walang magawa." .

Kalma ko pang sabi. Kahit tulog ang mga ito ay nasa katinuan naman sila upang marinig ang mga sinasabi nila.

Habang si Fatee naman ay tulog pa rin.

Nagpapadyak akong lumabas sa kanilang kwarto at tuluyang umalis sa kanila. Ako ang tipo ng tao na hindi mapilit, lalo na pag alam kong sapat na at naabot ko na ang aking makakaya. Tsaka, ganoon talaga sila. Mga tulog mantika.

Bumalik ako sa bahay, sumalampak dito sa sala at prenteng naka sumalampak sa four-seater na upuan. Walang ibang magawa kundi palit-palitan ng channel.

Hayst, nakakabagot!

Maya maya pa ay dumating si Mama at Papa, nagmano ako as I kiss their cheeks.

"Hija, let's take a vacation sa Maynila." Tili pang wika ni mama.

"What?! Why?"

Sunod Kong tanong. Bakit ba kasi biglaan.

"Hija, nagkita kami ng tiyahin mo at sinasabi na pumunta raw tayo doon." Sabi ni papa.

"Atsaka, wala ka namang ginagawa ngayong summer di ba?" Dagdag na tanong ni mama.

Tumango na lamang ako dahil wala naman talaga.

"Then, go back to your room and start packing. Aalis tayo ngayong madaling araw, yun' kasi ang naka schedule sa flight natin." Sabi ni mama na may patapik-tapik pang nalalaman.

Atleast may pag aabalahan ako ngayong bakasyon.

Falling for Mr.JollybeeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon