CHAPTER 5

5 0 0
                                    


Matapos Kong maghanda ay tinawag na ako nina mama na mag dinner na raw. Bumaba na ako at naghapunan. May mga bagay  silang pinag-uusapan na Hindi ko naman maintindihan at heto  ako sa tapat nila tahimik na kumakain.

Pagkatapos mag-hapunan ay nakasanayan ko nang ako ang maghugas ng pinag-kainan.

Hindi kami mayaman, hindi  rin mahirap parang  nasa  gitna lang estado namin sa buhay.  House wife lang si mama at si papa naman principal ng elementary school dito. Wala kaming taga silbi at kaming tatlo lang ang nakatira dito, kung minsan ay nakikitulog ang kambal ng tadhana sa aking kwarto. May kaliitan ang aming bahay, malimit lang din ang mga masasabing kapit-bahay. Hindi pa talaga ganoon ka laganap ng sibilisasyon dito sa aming bayan.

Nag-iisang anak lang ako nila kaya buhos talaga ang lahat ng atensiyon nila sa akin.

Masasabing isang bayan itong tinitirahan namin. May elementary, Highschool at College ang lugar namin, may mga convenience store sa mga tabi-tabi idagdag pa ang bagong bukas na fast food chain halos katapat na ng college building. Ang maliit na munisipyo na may katamtamang plaza at malapit nito ang munting palengke. Habang ang mga mall ay nasa kabilang  bayan na syudad na at 45 minutes ang byahe, depende sa byahe ng bilis ng sasakyan.Simple at payak ang pamumuhay ng mga tao dito at malayo sa gulo.

Pagkatapos Kong maghugas ay agad akong pumanhik sa kwarto. Humiga ako sa malambot kong  kama at tuluyang matulog.

"Kyaahhh" biglang pagdagan sa akin ng kambal ng tadhana at talagang  sabay pa sila.

"Ano ba?!"

Painis kong asik. Bakit ba sigla bigla-bigla na lang nanggigising.

"Kanina pa kaya namin ginigising. Magbihis ka na at aalis na kayo maya-maya." medyong inis  pang sambit ni Destinee sa akin.

Napabaling ako sa bed side mini clock ko, past 3:11 am na pala. I sighed in frustration, I'm still sleepy. Bumangon ako at dumiretso sa CR. Naghilamos at nagtoothbrush paglabas ko sa CR ay wala na ang kambal ng tadhana malamang bumaba na sila. Binuksan ko ang cabinet, namimili na kung ano ang susuotin. Sinout ko na lamang ang white sweater at palda na maong na above the knee ang haba.

Lumabas na ako sa kwarto at tuluyang bumaba. Nadatnan ko na umiinom sina mama, papa ng kape, maging ang kambal ng tadhana at nandito rin si kuya Cupid.

"Uminom ka muna ng gatas hija bago tayo umalis", ngiting tugon ni mama.

" Pffft." dinig ko pang tawa ni kuya Cupid. Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Habang ang kambal naman ay tila may sariling mundo.

"Opo"

Inabot ni papa ang isang basong gatas na mukhang kanina pa inihanda dahil hindi  na ganoon kainit nang mahawakan ko ito. Ininom ko na  ang gatas at inubos.

"Hello? 3:21 na po. Isipin niyo pa po ang byahe papunta sa syudad. Di'ba alas 5 ang flight niyo  tita ? Tito?" singit ni Fatee na halatang inaantok pa sa ayos nito.

"Oh, sha. Tara na nga" ani ni kuya Cupid sa amin sabay hablot sa dalang dalawang maleta ni papa at idagdag pa ang bag ko.

Ahh. Kaya pala nandito ang magkakapatid na 'to dahil sila ang maghahatid sa amin sa airport sa kanilang bayan.

Pinasok ni kuya Cupid ang dala naming gamit sa kanyang pick up, sumakay na sina  Mama at Papa habang kaming tatlo ay nasa  likod. Hindi nagtagal ay pina andar na ang sasakyan.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay hindi  mawawala ang harutan nilang magkambal.

"Twinee, ikaw ha? Hindi mo sinasabi na may kalandian kang isang service crew ng Jollybeee. Sino nga ba yon' si Harold ? o Arnold ? Aishh, or so what ever guy random guy. Ahh, basta." biglang asik ni Fatee ky Destinee. And that caught my attention.

"It's Renold Twinee and yep we are recently dating. And guess what? He's so masipag to the point, he's earning for his studies.!" Kinikilig pangigigil ni  Destinee na akalang binudburan ng asin.

"Seriously?! Destinee?"

Gulat ko pang tanong sa kanya. It's not that I will disagree. I'm just can't imagine how she fall in love in a guy as for the reason of whose just hardworking striving for his studies?

"Once you fall in love, whoever or whatever the person you'd fallin' in love with makes everything acceptable." Destinee simply stated her reason.

Hindi ko man labis maintindihan pero it somehow makes sense. Maybe love is too powerful that---- biglang naputol ang iniisip ko ng kinurot ako ni Fatee sa aking pisngi.

"Uyy, Lara? How about your Mr. Jollybeee?" tilang inaasar ako ni Fatee na hanggang ngayon ay Hindi pa rin binibitawan ang aking pisngi.

Malakas Kong tinampal ang kamay nito. At agad di nitong binitawan. Hinimas himas ko pa ang aking pisngi na namamaga ng kaunti dahil sa pagkurot niya. Ngumingiti pa ang bruha na humarap sa akin. Sarap niyang sapakin ng paglakas lakas.

"Aish. Bakit biglang napunta sa akin ang usapan?"

Falling for Mr.JollybeeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon