CHAPTER 11

4 0 0
                                    


Seriously?!

At ngayon ko pa naalala mula sa unang pangyayari hanggang sa pangalawang pagkakataon.

"Err, Thank you Mister for saving me twice." sabi ko.

Iniisip ko na ano pa ang maaring masabi  ko to show my gratitude to his kindness.

"Stop, biting your lips. You look disgusting in your poise." still looking directly to me.

Napakunot ako sa kanyang narinig. Ngayon ko pa napagtanto na napakagat ako sa aking labi habang iniisip kung ano ang maaring idagdag Kong sasabihin. Yumuko na lang ako.

"Ahm, Excuse me if you don't mind."

Yumuko ako at umalis sa kanyang harapan. Mabilis ang mga habang ko patungo sa loob ng bahay. Sa bawat kilos ko ay nanatiling nakasunod ang kanyang mata aa akin.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina. Sunod sunod kong   nilagok ang tubig mula sa baso. Bakit ba ay parang  kinakabahan ako pag kaharap siya? At napatunayan ko ito sa pangalawang pagkakataon.

Iginiya ko ang aking paningin para hanapin sina mama at papa hanggang sa nakita ko si Tita na papalapit sa akin.

"Tita, nasa'n po sina Mama at Papa?"

Magalang na tanong ko sa kanya.

"Oh, nauna na sila Hija. Mukhang hindi  ka na nila sinabay sa pag uwi nila kanina dahil mukha ka daw abala kasama ang iilang kaibigan niyo." mahabang pahayag niya sa akin.

"Ganoon po ba? Sige po, uuwi na rin ako. At salamat po."

Mababang boses  na pahayag ko. Agad akong lumabas sa kanilang bahay at umuwi. Walang problema sa akin kung ano ng oras akong umuwi basta nasa  kina Tita ako, dahil nasa tabi lang naman ang bahay namin at saka maliwag dahil may ilaw  naman ang daan.

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko silang nanunoud ng palabas. Nagpa alam ako na papanhik na sa kwarto dahil pagod ako at gusto ko nang magpahinga. Naligo  na rin at kasalukuyang nakahiga sa kama.

This day has been tiring all along.

Malapit nang mag alas nuebi ng ako ay magising. Mabilis akong naghilamos at bumaba. Naabutan ko si Mama na naghahanda ng mga meryenda? Teka, para saan? O para kanino? At marami pa talaga. Nagtataka akong tumingin kay mama.

"Ma, para saan po ito?"

"Para ito sa mga mag bri-brigada sa eskwelahan dito sa atin. Alam mo na malapit na ang pasukan." sagot nito na abala pa rin sa ginagawa.

"Oh, kumain ka na at maligo. Magpa enroll na raw kayo ng kambal. Nag text kasi sa akin ang Tita mo na sumabay ka raw sa kanyang kambal para meron ka namang makakasama sa mga pila ng enrollment." Sabi nito.

"Sige, po."

Kunti lang ang kinain ko mukhang pitong subo lang siguro yun' dahil nagmamadali ako ngayon. It's already 9 am baka abutan kami ng noon break sa pila at di lang yun' kukunin pa ang mga iilang  requirements sa highschool building.

Nagpa alam ako na pumanhik muli sa kwarto para magbihis at maligo dahil sa lakad. Madaliang ligo lang ang ginawa ko saka nag toothbrush. Sa pagbibihis ko, kung ano ang nasa ibabaw ng damit ko ay yun' agad ang sinout ko. Simpleng T-shirt na color peach. Ang disenyo  nito ay may heart-shape sa gitna at ang laman nito ay mga maliliit na bulaklak. Pinaresan ko ito ng maong na skirt na may haba sa ibabaw ng tuhod. Kinuha ko ang sling  bag at inilagay ang suklay para doon na lang ako sa daan magsuklay.

Pababa na ako ng hagdan ay mukhang hindi ako mapakali. Para kasing  may kulang, eh? Yung feeling bang nasisiwaan ka?

Ahh! Alam ko na, Cellphone ko!
Oo nga naman, kahit kailan Napa kalilimutin ko.

Urghh!

Bumalik ulit ako sa kwarto at hinanap ito. Saan ko nga ba ulit yun nailagay? Pilit  kong inalala kung saan ko huling nailagay. Ahh, sa bag ko nga pala. Mula kahapon ay hindi ko pa nabubuksan ang bag. Hayst, sana naman ay hindi pa lowbatt.

Pagbukas ko sa bulsa ng bag ko ay agad kong nakita ang cellphone. Dali-daling Kong binuksan. Tumambad ang siyam na missed call at isang text message mula sa kambal ng tadhana.

From: Couz' Destinee
           D4@nin mOuH K4mI diToh sHa  B41-1@y. p4  3nROLl t4u nGaUn. <3 xd :)

Ano daw? Ang sakit sa mata ang jejemon text kapag si Destinee. Hindi ko alam kung saan  niya ito natutunan. Habang si Fatee naman ay talo pa ang formal letter kung makatext. Iba din ang trip ng magkambal na ito, to the point ma maloloka ako sa pag-iisip.

Binulsa ko ang aking cellphone, buti  na lang at may 31% pa. Bumaba na ako, nadatnan ko si Mama na papatapos na sa kanyang ginagawa yata?

"Mama, pahingi ng kunting pera para sa enrollment fee."

Hingi ko sa kanya, madali niyang dinampot ang kanyang wallet at kumuha ng 1000 saka binigay sa akin. Agad ko rin naman tinanggap.

"Thank you, Ma." I said as I kissed her cheeks.

"Hija, yang buhok mo, magsuklay ka. Saka ayusin mo yang ayos mo. Ingat." saad ni mama na siyang ikinatungo ko.

Falling for Mr.JollybeeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon