Iinom sana ako ng tubig sa pitcher nang wala na pa lang laman na tubig."Ahmp, guys! Papasok lang ako sa loob at kukuha ng tubig." sabi ko sabay wagayway sa walang laman na pitcher.
Tumango sila at bigla akong kinalabit ni Destinee.
"Samahan mo nalang ng mga chitchirya, yung mga piatos, nova, funky o kahit ano. Kunin mo sa cabinet ha? Alam mo yun' di ba?" saad ni Destinee na mukhang may tama na dahil inilabas na ang mga pagkaing chitchirya nito. Usually kasi ang damot ng kambal ng tadhana, ako din naman pero minsan lang.
Tumayo na ako hahakbang na sana nang biglang may tumulak sa akin. Handa na akong bumagsak sa lupa nang biglang may sumalo sa akin. Pagdilat ko ay mukha niya ulit ang tumambad sa akin. For the second time around, he save me again. Nakapulupot ang kanyang kamay sa aking beywang. Pigil hininga akong tumitig sa kanya, walang pinag iba ang kanyang espresyon sa mukha. Ang kaibahan lang ay mas natitigan ko siya ng malapitan at hindi siya nagsuot ng Jollybeee mascot sa pagkakataong ngayon.
Napalunok ako ng nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. Hayst. Kahit kailan talaga! Ang tanga ko. Sino ba naman kasi ang tumulak sa akin! At nang masakal ko ngayon mismo. Pangalawang beses na ito nangyari baka isipin niya na sinasadya ko ito.
Dahan dahan akong umayos ng tayo mula sa pagkakasalo niya sa akin.
"For the second time around, you catch my cousin. This scene is so cliche, if you mind but thanks bro. My cousin owe you a lot." paklang sabi ni kuya Cupid.
Pinandilatan ko siya ng tingin sa pahayag niya. How could he?! I never intent to make such a scene like this! Buti na lang wala na ang mga bisita, umuwi na siguro at tanging kami lang ang natira. But this time, I won't be sorry. Hindi ko kasalanan ang nangyari.
Lumingon ako sa aking likuran. Isa-isa ko silang pinandilatan ng mata.
"Sino sa inyo ang tumulak sa akin?!"
Kalma at may diin kong sambit. Napakatahimik ng paligid. Walang nagsalita, tangina.
"Uulitin ko. Sino sa inyo ang tumulak sa akin?!"
Ulit ko na may diin parin ang bawat sambit ng salita. Biglang himikbi si Destinee kaya natuon ang atensyon sa kanya. Kumunot ang noo ko maging si kuya Cupid.
"Y-You know, L-Lara. I d-didn't meant it. I am s-sorry, okay? My vision is s-spinning. Just B-Blame it to the liquior that I d-drink, not on me." madramang sabi nito na humikbi.
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Seriously!? She's blaming the alcohol of her stupidity?
"A-As if, it was a big deal for you. You were not even had a s-scratch on your body, a-and now you are r-raising a voice of me. H-How could you?! Don't you l-love me? B-Because me, I-I really l-love you more than my chitsirya on my c-cabinet. I-I even told you to get them at eat it." Dagdag nito na hindi na hikbi. Sumisigaw na itong umiiyak.
"Pffft." di mapigilang matawa si kuya Cupid dahil sa pinagsasabi nito.
Hayst. Napatampal ako sa aking noo. Iba talaga ang tama ng alak sa kanya, nagiging abnoy. I am not raising my voice on her. Sa totoo nga lang eh, kalma ngunit may diin. And what did she said? That she loves me more than her chitsirya in her cabinet? Nah, ang damot nga niya pag nasa katinuang pag-iisip siya. Nasabi lang niya kanina na ilabas ang kanyang chitsirya dahil nalamon ng alcohol ang kanyang pag-iisip.
Pero nakakatawa talaga ang itsura niya ngayon na umiiyak na para bang aping-api ng mga elementary students.
"Pfffft"
Mga dinig kong hagikgikan even kuya Cupid while Nek remain silent.
"Oh my gosh, Here we go again. Twinee is making such a scene every time she's drunk. This is so embarrassing, how I hate her! Urghh." napatampal na bulong ni Fatee saka lumapit at inakay papunta sa loob ng bahay.
"W-wait! I'm not yet done. T-There are so many things I wanna say right now. O-Oh gosh! Get off away from me! Twinee. I hate you! I hate you! And r-really I hate you!" Destinee continue his rants.
Bumalik ako ng tingin Kay Nek.
"Look, I am sorry. And just like before, I didn't meant it."
Casual na sabi ko. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin but he still remained silent. May kailangan pa ba akong idagdag? I think, my word is enough. I am already apolozing.
"Is that all?" baritong tono at may diing pagkabigkas nito.
Tumahimik ako saglit iniisip kung ano pa ba ang dapat kong idagdag.
Ngayon ko pa natanto kung ano ang ibig sabihin nito.Ohh, Sh*t !
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Jollybeee
Ficción GeneralHe works at Jollybeee. He is a part-timer. He is a service crew. A fastfood chain kung Saan naging paborito Kong tambayan nang minsan hanggang sa nadadalasan and which also became a part of my life. And let the statue of jollybeee witness my love a...