Naglalakad ako ngayon papunta na sa university. Pero bago iyon ay dadaanin ko pa ang kambal ng tadhana. Papalapit na ako sa kanilang bakuran saka nag susumigaw sa kanilang mga pangalan."Fatee!"
"Destinee!"
"Fatee!"
"Destinee!"
"Kambal ng Tadhana! Tara na!"
Malakas at sunod-sunod kong sigaw. Di nagtagal ay lumabas na sila na naka summer dress? At talagang pareha ang sout. Pero iba-iba sila ng kulay. Kung titingnan sila ay hindi mo akalaing mag kambal dahil una, they are non- identical twins at pangalawa, wala silang in common. Ayy, meron pala! Pareho silang madamot sa pagkain.
Destinee is wearing color yellow while Fatee is pink both a summer dress and had same designs.
"Oo, na!" sigaw ni Fatee sa akin na nagkasalubong ang kilay. Mukhang hinintay pa ang kakambal nito na abala pa sa pag lo-lock ng kanilang pintuan. Sabay silang humakbang papalapit sa akin na para bang mga model, kumunot ang noo ko sa kanilang ginagawa.
"Don't give us that look." kalmang sabi ni Fatee sa akin.
"Mukhang gagala lang sa isang hacienda?"
I sarcastically asked. Sabay na nakapameywang ang mga ito sa akin. Hinead to foot ako ng tingin ni Destinee.
"Unlike you, nakasuot ng crop top T-shirt at pinaresan ng maong skirt na sa wala namang ayos.'' Saad ni Destinee.
Kumunot ang noo ko sa kanyang pahayag? What? Litong-lito akong tumingin sa kanila?
" You know what? I don't get you, guys."
Pinagpag o inayos? ni Fatee ang sout Kong T-shirt na crop top daw, ahh kaya pala may kaiklian, ngayon ko lang kasi napansin nang napuna na nila. Sunod ay binaba ng kaunti ang waistband ng skirt ko kaya kita tuloy ng kaunti ang pusod ko.
"So, here we go?"
Tanong ko sa kanila at tumungo lamang sila. Ang university na papasukan namin ay malapit lang kaya walking distance lang. So, habang naglalakad kami ay kinalabit ko si Destinee. Kala niya ah, na nalimutan ko ang ginawa niya kahapon.
Pilit na ngisi ang kanyang binigay sa akin. Kinurot ko ang pisngi niya at napa aray ang gaga.
"Lara, Tama na. Hindi ko sinasadya. Kung makatingin naman ito ay kala mong aagawin ko sa kanya si Mr. Jollybeee guy." sagot niya na hinihimas ang kanyang pisngi.
Sumingkit ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Mr. Jollybeee ko? Is she out of mind.
"Tsk. Next time lakasan mo ha? Twinee, yung tipong nasa piling niya na si Lara girl habang buhay." sabi ni Fatee.
Sumingkit lalo ang mata ko sa sinabi niya. What the Fuck! Are they talking about!?.
"Silence!" Yan lang ang nasigaw ko sa gitna ng paglalakad namin papuntang university.
Kung papatulan ko ang mga ito, ay tiyak hahaba ang usapan atsaka baka ano namang ang maiisip nila tungkol sa akin at Kay Nek.
Nakarating na kami dito sa university pero bago iyon ay nagtungo muna kami sa Highschool department para kunin ang requirements sa enrollment. Buti na lang ay madali lang namin nakuha. Lumakad na kami papunta sa college building. Like what I narrated before, magkakatabi lang ang building ng bawat department. Napapa gitnaan ng elementary building at college building ang highschool department. Kaya ang laki talaga tignan ang eskwelahan na to. Kung iisipin ay hindi na bago sa paningin ko ang eskwelahan na' to dahil simula elementary, highschool at maging college ay nakikita ko at napapansin ko na itong college building pero minsan lang kami pumunta dito kasama ang kambal ng tadhana.
Binigyan kami ng enrollment form mula sa information desk dito sa harap ng college building.
Parang tanga lang ako dito, ano nga ba ang kurso na kukunin ko? Saan nga ba ang hilig ko? Ano nga ba talaga ang gusto ko? Mahilig ako sa mga bata, so ano na?
Lumingon ako sa kambal ng tadhana na busy rin sa pag fifill-up. Sa Pagkatapos no'n ay nag fill up na rin ako sa enrollment form. I think, I gonna pursue this education thingy for elementary.
Bachelor of Elementary Education Department? Sounds not bad at all. Plus the fact, that I really love children. And teaching can be learn right? The reason why I am gonna take this field.
Halos sabay-sabay kaming tatlo natapos kaya sabay rin kami lumakad papunta sa cashier upang magbayad ng registration. Lumingon ako sa window ng cashier, napangiwi ako sa haba ng pila dagdag pa ang init na nararamdaman ng mga esgudyante. Habang Papalapit kami sa kinaroroonan ay may narinig kaming sitsit. Maraming mga estudyante kahit saan kami lumingon kaya nahirapan kaming hanapin iyon kung sino man.
"Pssst!"
"Pssst!"
"Pssst!"
Di nagtagal ay nakita ko rin kung sino, si kuya Cupid lang pala. Kung maka sitsit kala mong walang cellphone ang kumag. Uso kaya ang tawag o text man lang. Kaya kinalabit ko ang kambal ng tadhana, at itinuro si kuya Cupid na kasalukuyang nakapila na malapit na talaga sa window ng cashier.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Jollybeee
General FictionHe works at Jollybeee. He is a part-timer. He is a service crew. A fastfood chain kung Saan naging paborito Kong tambayan nang minsan hanggang sa nadadalasan and which also became a part of my life. And let the statue of jollybeee witness my love a...