Gaya ng sabi ko, principal si papa at si tita naman ay grade 6 adviser. May pagkakataon namang si papa ang nagsu-subtitute pag may excuse ang ibang adviser. Hindi ako bobo? o matalino. Kung baga, ay nasa average lang.
Lumabas ako sa class room para magpahangin. Nagtaka ako sa ikinilos ng iilang mga teachers at parents. Kumunot ang noo ko sa pinagpipilahan. Ano kaya yun'? Mukhang pagkain yata dahil naka lunch pack.
Wait, Jollybeee? Ang nag sponsor ng lunch para sa mga nagbrigada. Naku, ang bait naman ng may-ari ng fast food chain na yun.
Unti-unti akong lumapit sa kanila at nandun pala si kuya Cupid maging ang kambal ng tadhana ay nakitulong rin sa pag distribute ng mga pagkain.
"Oh, Lara! Mabuti pang tumulong ka na lang dito." Ani niya na patuloy pa ring inaabota ang mga lunch pack habang may bata itong kasama na taga abot ng tubig at juice.
"Sige, saan ako lulugar kuya?"
"Ikaw ang magiging taga abot ng tubig at juice ni Nek sa kanilang table. As you can see, nag-iisa lang siya sa pag didistribute ng pack lunch." sagot nito at tinuro ang kabilang mesa na nandoon si Nek.
Napalunok ako sa kanyang sinabi at nag alanganing lumingon sa kinaroonan ni Nek. Pansin ang iilang tagaktak ng pawis sa kanyang noo. Tama nga si kuya, siya lang ang nag-iisa na minsan ay ngumingiti sa mga nagpapasalamat na mga tao. Seryoso ito sa ginagawa nito at halatang walang arte sa katawan. Hayst, diba iniiwasan ko siya di ba? Napansin yata nito na tinitigan ko siya at tumingin sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin nang kumonut na ang noo nito.
Unti-unti akong naglakad sa kanya na nanatili pa ring nakakunot ang noo pero ni sa walang bahala ko na ito.
Binigyan na nito ang isang ale na medyo may katandaan na rin ang pangangatawan. Ako naman ang nag abot ng juice at tubig. Kaya biglang napatingin siya sa aking gawi. Kumunot na naman ang noo nito sa akin.
Hindi kaya nangangalay ang noo nito sa kanyang kakanoot? Maaga siya tatanda sa kanyang ginagawa eh!?
"Ahehehehehe"
Hilaw na tawa ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko na halata namang nagtataka ang tingin sa akin.
"Ngayon ang ika-apat na tagpo, masusundan ito ng hindi mabilang na pagkakataon. Ngunit maglalayo rin sa huli, luha ang dadaloy sa pagitan. Sa bandang--" biglang pahayag ng ale.
Nagkatinginan kami ni Nek sa kanyang sinabi. Ano daw? Parehong nakakunot ang aming noong tumingin sa kanya.
"Tapos umiyak si Ako. Sana di na lang ito nangyari. Mahal ko ang aking Toto, ang aking anak." Umiiyak ito sa harap namin.
Di nagtagal ay biglang may sumunod sa kanyang kamag-anak?
"Pasensya na po sa abala, na trauma kasi siya ng isang aksidente at nawalan ng anak noon. Kaya magpasensyahan nyo na po aking tiyahin." mahabang pahayag BG middle-age woman sa amin.
Hinila ng kamag-anak ang ale pero nagpupumiglas ito mula sa kanyang pagkakahawak.
"Bitawan mo ako! Makinig kayo sa akin! Maaring maraming taon ang inyong pagkakawalay at pangungulila sa isa't isa kaya inyung lawakan ang pag-iibigan upang ang pagwawalay di matuloy." sabi ng ale na patuloy na ring pumipiglas.
"Instik ka. Kaya dapat alam mo na ang iyong gagawin. Maging wais ka sana sa pagdating ng panahon." Dagdag nito at tinuro-turo pa si Nek.
Napatingin ako Kay Nek. Singkit ang kanyang mata. Totoo kayang instik siya gaya ng sabi ng ale sa kanya. Hindi ko alam Kong ano ang dapat maramdaman ko. Her words are bit creepy and it's like giving us a warning. No, giving a warning for him in his love life.
Kinalibutan ako sa aking iniisip na baka ako ang tinutukoy niyang babae para kay Nek.
Aissshhh. Napaka assumera ko naman, kitang nanahimik ang tao, kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Napa ngiwi ako sa sariling naisip.
Tumingin si Nek sa akin na may pagtataka. Pero hindi ko na ito pinansin.
Alanganing muling humingi ng pasensya ang kamag-anak sa amin.
Hilaw akong ngumiti sa kanya, kahit sino naman ay mababahala sa sinabi ng ale sa amin kahit wala kaming ugnayan sa isa't isa. He is just a casual guy I met.
Mapapansin na napaka seryoso talaga siya sa kanyang ginagawa and I admire him for it. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya sa tuwing inaabot niya ang pack lunch sa mga nag brigada at ako naman ay taga abot ng bottled purified water. Nang nasa huling tao na ay nag tanong ako sa kaniya. I was bit bothered of the words that has spoken earlier.
Ika-apat na tagpo?
Wais?
Panahon?
Pag-iibigan?
At intsik?
I wonder what are these words?
"Instik ka?"
"I mean, singkit ang mga mata mo kaya naisip siguro ng ale na may lahing instik ka."
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Jollybeee
General FictionHe works at Jollybeee. He is a part-timer. He is a service crew. A fastfood chain kung Saan naging paborito Kong tambayan nang minsan hanggang sa nadadalasan and which also became a part of my life. And let the statue of jollybeee witness my love a...