CHAPTER 9:ARE YOU FOLLOWING ME?

33 6 5
                                    

Chapter 9:Are you following me?

Warning!Mainit(Hehe)

---

Anong oras na?Ang tagal kong nakaupo dito.Baka nag-aalala na sila Jessica dun,sinabi ko pa namang mabilis lang ako.

Hapon na,dumidilim na ang langit pero nandito parin ako nakaupo.Isang oras na ata akong nandito na nakatunganga.

Parang may sariling isip ang buong katawan ko kaya hindi ako makatayo,parang gusto kong mag-stay muna.Nakakarelax masyado ang paligid.

Pumikit muna ako at pinakiramdaman ang kapaligiran,tahimik,mahangin,may mga huni pa ng ibon na maririnig.Tuwing may malalim akong iniisip,laging sa mga lugar na ganito ang punta ko.

Ilang minuto akong nasa ganon na posisyon parin hanggangsa may marinig akong kaluskos.Nakapikit parin ako at pinapakinggan ang patuloy na pagkaluskos.Hindi ko 'yon masyadong marinig kaya minulat ko na lang ang mata ko.

Wala naman.

Nilibot ko ng tingin ang paligid ko pero bigla na lang nawala ang kaluskos na naririnig ko.

"Hoy babae!Kung san ka nagpupunta!"

Muntik nakong mapatalon sa lakas ng boses ni Jessica,kasama si Ivan.Naglakad sila papalapit saakin at agad akong sinalubong ng yakap ni Jessica.

"Sabi mo mabilis ka lang!"Sabi niya habang nakayakap parin ng mahigpit.

Wala akong nagawa kundi suklian din siya ng yakap.Masyadong mahigpit ang yakap niya,para akong mawawalan ng hininga.

Hinawakan ko ang braso niya at marahang inaalis sa pagkakayakap.

"Kadramahan niyo"singhal ni Ivan sa may gilid na nakakibit balikat.

"I-I can't b-breath"

"Ayy Sorry"Agad na humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Jessica.She awkwardly smile at me.

"Pano niyo ko nahanap?"

Sinagot ni Ivan ang tanong ko "Nung makita namin si Zack,tinanong namin siya.Siya lang naman kasi yung pinuntahan mo"

"Daming salita,anong sabi niya?"

Napa-irap na lang si Jessica kay Ivan at tumingin saakin "Sabi niya,nandito ka daw,nagda-drama"

Tch.Hindi porket nagsabi siya ng Sorry,ibigsabihin nun ay bumait na siya,mas lalo pa siyang naging loko.

Napabugtong hininga ako,tumayo nako sa pagkakaupo ko at agad na naglakad paalis,wala ng ano mang salita ang narinig saakin kaya sumunod na lang sila saakin.

Pagkabalik namin sa loob,wala ng mga estudyante na dumadaan.Shit.

"Alam mo bang di kami mapakali habang nagka-klase?Ha?"magkasalubong ang kilay ni Jessica.Nagsusungit.

Alam kong may mali ako pero hindi ibigsabihin nun ay kailangan ko pa silang suyuin.Tch.

"Nasan si Zack?"

Bigla na lang lumabas ang salitang yun sa bibig ko.Ewan ko ba.

They curiosly look at me "Bakit mo siya hinahanap?Wag mong sabihin na susundan mo na naman siya"sabi ni Jessica.

"Baka nasa room na niya,gusto mong sundan?"Ivan smirked.

Binatukan ni Jessica si Ivan kaya napahawak si Ivan sa batok niya.Bagay sila kung titignan,yung isa may pagkamasungit(minsan),habang yung isa naman,ang kulit.

"Baliw ka talagang kumag ka!"

"Bat ba yung batok ko lagi ang target mo?"

Inirapan lang ni Jessica si Ivan.Tumingin saakin si Jessica saakin ng nakangiti ng nakakaloko.

The Tale of the Seven CrystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon