Chapter 7:The Dagger of Death
---
Kakatapos lang naming kumain,mula nang i-serve saamin ang pagkain namin,pinalabas ba naman niya lahat ng estudyante dito sa loob ng Cafeteria.
Parang mga takot na tupa naman ang mga estudyante na agad din nagsilabasan,so ang ending,kaming anim lang ang kumakain ng tahimik na parang may kanya-kanyang mundo.
Nauna akong natapos sa kanila kaya hinintay ko muna silang matapos.
Akmang tatayo na ako nang marinig ang napakalamig niyang boses."Where are you going?"
I didn't look at his black eyes "Sa Comfort Room"maikling sagot ko.
"Hindi pwede"
Tumingin ako sakanya na nakakunot ang noo,lahat sila nasa aming dalawa ang atensiyon.Idagdag mo pa ang katahimikan sa apat na sulok dito.Tahimik lang silang nagpapalipat-lipat ng tingin saamin at walang ano mang balak na sumawsaw sa usapan.
"Karapatan kong gawin ang gusto ko,gusto mo man o hindi"Tumayo ako at muli ko siyang tinignan.Kung nakakamatay siguro ang tingin,kanina pako nakabulagta sa sahig.
Binigyan niya ako ng matatalas na tingin kaya ganon din ang ginawa ko.Sandali ko lang siyang tinignan at tumalikod.
"I said,hindi pwede"may halong pagbabanta ang kanyang boses.
Di ko lang siya pinansin at patuloy sa paglalakad,alam kong lahat sila nakatingin saakin.
Ilang hakbang na lang at mahahawakan ko na ang knob ng pinto nang may nakakabinging sigaw ang umalingawngaw sa buong Cafeteria.
"Hindi ka pwedeng lumabas!!That's my command!!"Sigaw niya.
Malakas man ang loob ko,nakakatakot talaga ang boses niya.Wala akong nagawa kundi lumingon at tumingin sa kanila.
Nakatayo siya at nakapatong ang dalawang kamay niya sa table.Sinusundan bawat kilos ko.
Tahimik lang silang limang nakatingin sa akin at agad din nag-iwas,umupo sila ng maayos kaya nakayuko akong naglakad papalapit sa kanila.Di ko sinubukang tignan ang mata niya dahil alam kong naglalagablab na ang nga mata niya sa galit.
Nang makalapit na ako,umupo lang ako ng tahimik.Nakatayo parin siya,pati paghinga ng mga kasama ko di ko marinig.
"You need to be punish new girl"He said in a monotone voice.
Sabay-sabay kaming napatingin sakanya na gulat.
"Masyado kang matapang,you should respect me as a leader"
"Respect is for those who deserve it,not for those who demand it"i said without any hesitation.Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon.
He smirked"Goodluck".
Padabog siyang naglakad papunta sa may pinto,mabibigau ang bawat hakbang niya.Uh-Oh
Patuloy lang kami sa pagsunod sa kanya ng tingin hanggang sa malakas niyang sinara ang pinto.
Dahil sa lakas ng pagkakasara niya.Nasira yung pinto.
"We'll follow him"Seryosong sabi ni Ivan,agad silang tumayo nila Mark at sinundan si Zack sa labas.
"Sasama ako sakanila"said Keith.
Kami na lang naiwan ni Jessica dito,pinagpapawisan siya at di mapakali"Damn,dapat di mo na siya sinagot"hindi mapakaling wika ni Jessica.
Sinundan ko lang siya ng tingin na nakakunot ang noo,lakad siya ng lakad kaya nakakahilo na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/187997633-288-k740235.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tale of the Seven Crystals
FantasiSabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito. Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay. Ito ay ang 'Ma...