CHAPTER 10:STRANGE

36 4 3
                                    

Chapter 10:Strange

---

"Tagal mo naman diyan"Pagmamaktol ni Jessica sa labas.

"WAIT LANG!MALAPIT NA!"Sigaw ko pabalik sakanya.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin,ngingiti na sana ako nang marinig muli si Jessica.

"Ang tagㅡ"

"Tapos na"putol ko sa sasabihin ni Jessica.

Nauna akong maglakad sakanya dahil kabisado ko na din naman ang mga paliko-liko dito.

Tahimik lang ako na sinundan ni Jessica mula sa likod ko habang papunta kami sa may malapit na elevator.

Mula nang maganap ang pangyayaring 'yon halos di nako makatingin sakanya lalo na kung sa mata.

Ano kaya yung itsura ko sa oras na yun?I'm sure parang kamatis na yung mukha ko sa sobrang kahihiyan.Padalos-dalos ako masyado sa mga kilos ko.

Napuno ng katahimikan sa loob at tanging paghinga lang naming dalawa ang maririnig,wala kaming imikan.Walang kung sino man sa kanila ang nakaka-alam sa nangyari kaya mas mabuti na lang na tumahimik.

Dinahilan ko na lang kung bakit ako nabasa ay dahil sa katangahan ko lang yun.

Pagkabukas ng elevator,agad kaming lumabas ni Jessica at tumungo sa unang klase namin.Walang estudyante kang madadaanan kaya ibigsabihin nito...

"Late na tayo"

Umirap lang si Jessica at napabuntong hininga "Lagi naman tayong nala-late dahil sa katagalan mo"

"Whatever"I sighed.

Naunang mag-lakad saakin si Jessica kaya napag-iiwanan nako,pano ba naman ang bilis maglakad.

Napahinto ako sa paglalakad ko nang may mapansin na kakaiba.Tinignan ko ang direksiyon ni Jessica na mabilis parin na naglalakad.

May kung anong bagay na kumikinang na kulay puti sa may madilim na parte kung saan walang kung sino man ang dumadaan dito.

Imbis na sundan si Jessica,mas pinili kong lumiko ng direksiyon.Gusto kong makita ang bagay na 'yon.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksiyon na yun,iniiwasan na makalikha ng ingay.Imbis na magmadali ako sa pagpasok mas inuna ko pa ang paglilibot nanaman sa kung saan-saan.

Papalapit ako ng papalapit sa puting bagay na 'yon kaya padilim din ng padilim ang paligid ko,hanggang sa marating kona ang puting bagay na kumikinang.

Nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid baka mamaya may biglang sumulpot at mapagkamalang magnanakaw.

"Ano kayang meron dito?"bulong ko.

Isa siyang batong kulay puti na kumikinang.Try ko kayang hawakan?

Papalapit na ang kamay ko sa bagay na to nang....

"Don't touch that"

Halos mapatalon ako sa gulat sa boses na narinig ko.Boses ng isang lalaki,familiar saakin ang boses na 'yon.

At dahil madilim di ko makita ang nagmamay-ari ng boses na yon pero alam kong siya 'yon.

"Z-zack?"nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

"What are you doing here?"He said in monotone voice "Diba dapat nasa classroom kana ngayon?"

Napalunok ako,nagsimula akong pagpawisan "E-eh ano bang pake mo?"

"Umalis kana dito!!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya,parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

The Tale of the Seven CrystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon