CHAPTER 3:THE LOST CRYSTAL

78 8 1
                                    

Chapter 3:The Lost Crystal

---

Pagkamulat ng aking mga mata bumangon agad ako sa kama ko at nag-unat.Tinignan ko ang oras sa wall clock ng kwarto ko,tanghali na pala.

Parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon ahh.Dumiretso agad ako sa banyo,gusto ko ng maligo.Ilang araw akong di naligo kaya for sure mabaho na ako.

Ngunit naalala ko nga pala na may benda ang paa ko,hindi naman siya masakit.Lumabas muna ako ng banyo at umupo sa gilid ng kama ko,unti-unti ko 'tong tinanggal hanggang sa lumantad sa harapan ko ang talampakan kong walang kahit ano mang bakas na sugat.

Imposible naman yun!Alam kong malalim ang hiwa nun dahil sa sakit na ramdam ko sa oras na yun!Dalawang araw pa lang simula nung nangyari ang yun at imposibleng gumaling agad 'to.

Kinusot-kusot ko ang dalawa kong mata at baka namamalikmata lang ako ngunit ganun din ang nakita ko,konti na lang ilapit ko na ang buong mukha ko sa talampakan ko.

Hinawakan ko ito para makasigurado.Walang kahit ano akong nahawakan kahit na katiting na peklat man lang,ang wirdo na talaga ng buhay ko.

Tinanggal ko din ang benda sa isa kong paa,tinignan ko ang talampakan ko at pareho lang din 'to.Di ko na lang muna inisip ang tungkol sa bagay na 'yon kaya kumuha na lang ako ng damit ko at pumasok na sa banyo.

Natagalan ako sa pagligo dahil bumabagabag parin saakin ang lahat ng nangyari.Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip!!

Pagkatapos kong makapagbihis ay agad ko ding inayos ang sarili kong buhok at pinatuyo.Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok nagsimula na akong hanapin ang crystal na yun sa kwarto ko.Bawat sulok ng kwarto ko ay chineck ko para makasigurong mahahanap ang crystal pati narin ang pulang box,pero inabot nako ng kalahating oras at hindi ko parin ito nahahanap.

"Jeezz!!Nasaan ba 'yon!?"sabay sabunot sa sarili kong buhok sabay sipa sa may paanan ng upuan malapit sa table.

Ako din ang nasaktan sa ginawa ko,napalakas pa naman ang pagsipa ko dahil sa inis na hindi mahanap ang bagay na 'yon.

Napaupo na lang ako sa kama ko at huminga ng malalim.Biglang may kumatok at pumasok sa kwarto ko,si tita Margaret na nakangiti.

"Gising kana pala"ani tita at naglagay na naman ng tray sa table.

"Alangang tulog pa ako tita"sarkastiko kong sabi.Napa-iling-iling na lang si tita sa akin,minsan kasi wala ako sa mood kaya nagsusungit ako"Hindi naman ako pasyente tita para dalhan ng pagkain sa kwarto,kaya ko namang maglakad.Hindi naman ako pilay"

Tumingin si tita sa mga paa kong walang benda na nakaapak sa sahig"Magaling na ang paa mo?"lumapit si tita Margaret saakin at tinignan ang paa ko ng nakakunot ang noo na pinagmamasdan ito "Malalim ang pagkakabaon ng bubog sa paa mo kaya imposibleng gumaling agad ito"

"Parang di nga ako naka-apak ng bubog eh"sabi ko at umayos ng upo "Wala ngang kahit anong bakas na may sugat na malalim ang paa ko tita"lalo ko pang pinakita ang paa ko sakanya.

"Wala ng masakit sayo Elyza hija?"tanong nito at binitawan na ang mga paa ko,umiling lang ako bilang sagot "Bababa na ako ha,tawagin mo lang si yaya Marie kapag may kailangan ka"

Nginitian ko na lang si tita hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko.Kinain ko na din ang dala niyang pagkain,gutom na rin kasi ako.

Pagkatapos kong ubusin ito,ay dala-dala ko ito sa pagbaba ko at dumiretso sa kusina para ilagay ang tray sa lababo.

Nakita ko na pumasok ang isa naming yaya at nagsimulang hugasin ang pinagkainan ko.Marunong din ako sa mga gawaing bahay pero sila yung may ayaw na mapagod ako.

The Tale of the Seven CrystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon