Chapter 1:Beginning
---
Elyza's Point of View
"Russian chemist Dmitri Ivanovich Mendeleyev and German physicist Julius Lothar Meyer independently developed the periodic law of the chemical elements at about the same time in the late 19th century."
"Elements cannot be resolved into simpler substances by ordinary heat,light,electricity,or attack by other substances.To say that elements can never be broken down would not to be accurate,but breaking them down takes millions of times more energy than can be applied by ordinary means.An elements can therefore be defined as a substance that cannot be broken down into simpler substances by ordinary means"
Patuloy lang sa pagdi-discuss ang lecturer namin.Yung iba sa unahan napapahikab na pero may nakikinig parin kahit papaano.While at the back of this class,some of my classmates are asleep.
Para naman akong lantang gulay sa lagay ko,kulang lagi sa tulog at puyat.Minsan napapapikit nako pero nilalabanan ko to dahil malapit na din naman ang break time,konting tiis na lang Elyza.
Di naman boring ang lesson namin,sadyang kulang lang ako sa tulog.Bawat salitang binabanggit ni Miss Lei ay papasok sa kabilang tenga ko tapos labas din sa kabila,lumulutang na naman ang isip ko thinking about nothing.
Konti na lang isubsob kona 'tong ulo ko sa antok.Last subject namin ang Math kaya gusto ko na talagang umuwi!Parang gusto kong matapos na lahat ng ito ngayon sa isang minuto,umuwi at humiga sa malambot kong kama at magbawi ng tulog sa bahay.
Matalino naman ako kaya wala akong dapat ikabahala,alam ko na lahat ng mga dini-discuss kaso takot akong madetention,pagalitan pa ako ni tita Margaret.
Mabait naman 'tong si Miss Lei kaya wala pang na-detention sa amin sa klase niya.Irregular ang class dito sa Bria at si Miss Lei lang ang mabait sakanilang lahat,yung iba laging trigger like a tiger.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko,inaantok na talaga ako,kailangan ko talaga ng tulog.Hindi ko pa man tuluyang nasasarado ang mga mata ko nang bigla na lang nagsalita si Miss Lei kaya minulat ko kaagad ang mga mata ko at umayos ng upo.
"That's all for today,you may now leave students"
Biglang nagsitayuan ang mga classmates ko pati nadin yung mga natutulog sa dulo,parang password ang linya na yun sa kanila na halos yung iba kumaripas na ng takbo papalabas na kala mo hinahabol ng mga gutom na tigre.
Inayos ko ang mga gamit ko at niligpit sa bag,medyo nawala na yung antok ko.Pagkatapos kong iniligpit ang mga ito,isinabit ko na ang bag ko sa likod at naglakad palabas.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang tawagin ako ni Miss Lei "Mel Ville can we talk?"
Nilingon ko si Miss Lei na nakangiti sakin at tumango "Ano po yun Miss?May kailangan po kayo?"tanong ko.
Tumalikod siya at pumunta sa may isang puting cabinet at may hinalungkat dun,hindi rin naman nagtagal si Miss Lei,na may hawak-hawak na may katamtamang liit na box na naka-ribbon pa.
Sinarado ni Miss Lei ang puting cabinet niya at naglakad papunta sa gawi ko ng nakangiti "Take this as my gift for you Mel Ville"
Natigilan ako nang inilahad ni Miss Lei ang kulay pula na box saakin,may pag-aalinlangan pako kung kukunin ko o hindi.Nakakapagtaka kasi na bigyan ako ng regalo ni Miss Lei,mababait din naman mga kaklase ko pero ako lang ang binigyan.Ganun din ang turi saakin ng mga teacher dito sa Bria,sa mga classmates ko lang talaga sila triggered pero si Miss Lei mabait siya saaming lahat.
Pero never silang nagbigay ng regalo saakin,hindi katulad ni Miss Lei.
Napatingin ako kay Miss Lei,nakangiti parin siya saakin "'Wag kang matakot,walang bomba sa loob to"biro niya.
BINABASA MO ANG
The Tale of the Seven Crystals
FantasySabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito. Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay. Ito ay ang 'Ma...