May 31,2019
"Congrats Tutoy! I'm very very proud of you!" masayang bati ni Nanay Rosario sa kanyang anak. "Nay naman! Putok na putok tong blush on ko tapos tutoy itatawag mo sakin? Kalerki haha! " Napatawa naman si Nanay Rosario sa sinabi ng anak."Charot lang Nay. Thank you for always being there when I needed you the most. Ito na Nay,simula ngayon magbabago na ang takbo ng buhay natin. Hindi mo na kailangan mag trabaho,simula ngayon ako naman ang mag-aalaga sayo. Salamat Nay ha? And thank you for accepting me for who I really am. I love you Nanay! " naluluhang sambit ni "tutoy".
"Si tutoy ka man o si Vice Ganda,I will always love you. Pinapaiyak mo naman ako anak hahaha" Sabay namang nagtawanan ang dalawa.
Tutoy or Vice Ganda - He's an only child. Isang taong nagsumikap at hinarap lahat ng hirap sa buhay upang maabot ang kanyang mga pangarap. Minsang napagod pero hindi sumuko. Pagkatapos lahat ng pinagdaanan ay naabot ang kanyang tagumpay. Ang unang priority ay ang mabigyan ang kanyang Nanay ng maganda at maginhawang buhay. Love? Wala pa yan sa isip ni Vice. Nagfocus muna siya sa family and career.
Kung dati ay pakanta-kanta at pa sideline-sideline lang si Vice sa mga bar,ngayon ay mayroon na siyang sariling bar!
(Mabalik tayo sa kwento)
"Meme! Are you ready?" tanong ng kanyang kaibigan na si Buern. "I was born ready!" masiglang sagot naman ni Vice na may halong ngiti at excitement.
Ngayong araw ang grand opening ng kanyang Bar. His bar is named "District 8" sa may Greenhills. Isa sa malalaking bar na naitayo dito. Naging matunog sa media ang bar na ito dahil talaga namang agaw pansin ang mga pictures ng mga pagkain and inumin sa bar.
Inabot ni Buern ang golden scissors kay Vice at kasama niyang nakatayo sa harapan ng bar ay kanyang Nanay. Maraming media and reporters ang nandon. Marami na din ang natipong tao at customers ang hawak ang mga phone nila at excited na rin sa pagbukas ng bar.
They all counted together,"5! 4! 3! 2! 1!" Vice cuts the ribbon and people started to clap their hands. All the cameras started flashing. After few minutes of picture takings,Vice together with his Nanay and friends entered the bar with a huge smile on their face. At dahil nga grand opening,lahat ng foods and drinks are half the price.
While people started ordering,some reporters started to ask Vice some questions. "How are you feeling now that your bar has finally opened?" tanong ng isang reporter,"Well nung una,hindi ko akalain na sobrang dami pala ang pupunta sa bar ko. Lalo na nung na upload na namin yung mga pictures sa Social Media,di naman inakala na magkakaron to ng maraming shares. Pero sobrang sarap sa pakiramdam na finally eh unti-unti na ako,kasama ang nanay ko na nagiging successful sa life."
"What was your life back then?" tanong pa ng isang reporter," It was hard and challenging. Dati pa sideline-sideline lang ako at pakanta-kanta sa ibang bars pero ngayon,I have my own! And this is all for my Nanay." Nakangiting sagot ni Vice.
After a few hours...
"Meme,kaninang 5pm tayo nag open pero ngayon oh tingnan mo,8pm na and hindi parin nawawalan ng tao! Bonggaaaa!" sabi ni Archie,ang isa pang kaibigan ni Vice,"Oo nga Meme oh,nafe-feel ko na magiging successful talaga tong business mo!" ani naman ni Negi. "Bakit naman ako lang? Syempre tayong lahat! Maaaring sakin nakapangalan tong bar na to pero kasama kayo sa tagumpay ko,sa tagumpay natin! Salamat talaga mga beks ha? At sinuportahan niyo ko." natutuwang sambit naman ni Vice.
"Jusko,wala yub Meme no. Ano pa't naging kaibigan mo kami diba? hahaha." Masayang sambit naman ni Budi. "Oh Meme,check na ang career mo! Oras na para love naman ang susunod mong atupagin. Aba,wala ka naman atang balak tumanda mag-isa no?" natatawang sabi naman ni Aaron. "Hay nako,bahala na hahaha." nag-aalangang sagot ni Vice. "Ako na ang bahala sa boylet mo Meme! Ihahanap kita ng lalaking mas fresh pa sa akin!" sigaw naman ni Chad,"Ah talaga lang ha? Hahaha Sige go ako dyan!" pagsakay naman ni Vice sa trip ni Chad.
Habang naguusap usap ang mga magkakaibigan,patuloy parin ang pagpasok ng mga customer. Open ang bar simula 5 ng hapong hanggang 1 ng hating gabi.
Nauna ng pinauwi ni Vice ang kanyang nanay dahil masyado ng gabi kung hihintayin nito ang pagsasara ng bar.
Alas dos na nakauwi sina Vice sa bahay,maabutan niyang tulog ang kanyang nanay sa kwarto nito. Simula ng maging magkakaibigan sina Vice at sina Buern,napagpasyahan nilang magsama sa iisang bubong. May sariling kwarto si Vice at Nanay Rosario,samantalang magkasama naman si Buern at Budi sa iisang kwarto habang si Negi at Chad ang magkasama. Sa kabilang kwarto naman ay si Aaron at Archie.
Pagkarating ay natulog na agad sila dahil medyo napagod sila sa buong araw.
-------------------------------------------------------
June 1,2019"Bro! Look at this,may bagong bar na nagbukas sa may Greenhills,how about we call the boys and tingnan natin? Parang maganda dito oh." sabi ni Billy habang pinapakita ang phone nito sa kaibigan. "Pwede rin kaso hindi ako pwede mamayang gabi eh,may date ako kasama si Girly diba? hahaha." sambit ng kaibigan ni Billy.
"Uyyy si Ion bumabawi hahaha." pang-aasar ni Vhong sa kaibigan. "Syempre,ikaw ba naman hindi nagtampo kapag nalaman mong may ibang kasamang babae yung jowa mo hahaha!" pangaasar ulit ni Billy. "Ayan na naman tayo eh,imbis na tulungan niyo ko,hay nako talaga kayo hahaha. Business partner ko nga lang yon." sagot ni Ion sa kanyang mga kaibigan.
"Sus! Hahaha!" natatawang sambit ni Vhong.
"Speaking of business,how is it na ba?" tanong ni Billy. "Unti-unti na ulit nakakabawi,mahirap din kasi simula nung magsilabasan ang ibang store. Nahirapan din kaming mag-isip ng iba pang styles ng damit. Tsaka kung dati,men's clothes lang ang available sa store,ngayon may women's clothes na rin. Nakakabawi naman na." may halong lungkot at sayang sambit ni Ion.Isang business man si Ion Perez,ang linya naman ay sa mga clothes. Sa simula ay damit ng lalaki lang ang kanyang binebenta at dahil bumagsak ang sales niya ng magsimulang sumulpot ang mas marami pang store,umabot pa ito na muntik ng magsara ang store niya. Pero ng nakikala niya ang kanyang girlfriend,nagkaron siya ng idea na dagdagan ng women's clothes ito.
To : Babe ❤️
Babe? Good afternoon! Yung date natin mamaya ha? Sunduin kita mamayang 7pm. I miss you na. I love you 😘
[Sent]
From : Babe ❤️
Sure. Miss you too.
"Nako,mukhang nagtatampo pa siya." sabi naman ni Ion sa kanyang sarili.
----------------------------------------------------
Heyyy! Zup Readerssss (kung meron man HAHAHA) I'm trying pooooo to make this story work hahaha. Follow me sa twitter @smth_viceral and you can DM me ideas para sa story po hehezzz yiiee thank youuu.
YOU ARE READING
Falling for you
FanfictionAn unexpected love and journey of two people that are very focused and hardworking who were distracted by the thing called "love"