"Things don't just end that way Ion. I get what I want. And what I want is you."
_____________________________________
Habang busy naman ang dalawa sa pagluluto ay hindi nila napansin na dumating na si Ion at Vice. The both of them sat on the chair beside each other.
Bigla namang napaharap si Billy,"Oh,you're both here na pala." lumingon naman siya sa katabi ni Ion. "Hello,I'm Billy. I live here with Ion. I'm sorry for what happened earlier." sabi nito at inabot ang kamay kay Vice. "It's okay. I'm Vice." maikli nitong sagot dahil medyo nahihiya pa sa kaharap.
"At ako naman si Vhong. Dito rin ako nakatira kasama ni Billy and Ion. Pasensya na din kanina ha?" sabi nito at abot ng kamay. "I'm Vice. It's nice to meet the both of you." sagot nito.
"Soooo ikaw pala may ari nung bagong bukas na bar. Is business doing good?" tanong ni Billy habang kumakain. "Yes. Di naman nauubusan ng tao. Tsaka sabi ng workers ko,may ilan silang nakikitang paulit-ulit bumabalik." sagot ni Vice. Madali naman niyang nakagaanan ang kaibigan ni Ion.
"Eh ikaw brad,musta MossIon?" tanong ni Vhong sabay inom ng juice. "Nung dumating yung huling batch ng stocks,medyo nangarag Brad. Yung iba naka sale na kasi walang mag-avail. Pagbumaba pa lalo,I'm planning to close it na." sagot ni Ion na halata naman ang lungkot sa mata. Nagalala naman si Vice para sa dito.
"Puntahan natin. Isasama ko mga beks baka may magustuhan sila. Tsaka kasi yung nga yon,pag nag shopping eh maramihan." sabi ni Vice dito ng nakangiti. "Sige ikaw. Pero okay lang naman kahit hindi na." sagot ni Ion at hinawakan ang pisngi nito. "Oy oy oy. Nandito kami baka nakakalimutan niyo hahaha." panguukit ni Billy sa dalawa. Natawa naman silang apat.
Masaya silang kumain ng umagahan. Kakatapos lang nila at nagliligpit na. Nang biglang may nag doorbell. "Ako na." sabi ni Ion. Lumabas ito at pumunta sa gate. Nagulat naman siya sa kung sino ang nasa kanyang harapan.
"Girly? Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Ion. "Hi Babe,I brought--"
"Stop calling me that. Baka nakakalimutan mong tapos na tayo." malamig na tonong sabi ni Vice. Tuloy tuloy namang pumasok sa loob si Girly. Naabutan niyang nagtatawanan sina Billy,Vhong at ang isang taong hindi niya pa kilala.
"Hey Guys,I brought breakfast!" nakangiting sabi ni Girly na ipinakita ang kanyang hawak. Nabigla naman ang dalawa at napatayo sa kinauupuan.
"Wha-what is she doing here?" tanong ni Billy kay Ion. "Ewan ko ba diyan. Ano bang ginagawa mo dito? Diba sabi ko tapos na tayo ha?" nagpipigil na sabi ni Ion. "Whatever." mahinang sagot ni Girly. Napatingin naman siya kay Vice.
"Oh I see you have a guest. May I know who you are?" tanong nito kay Vice. Kinabahan naman ang huli at tumayo. Pumunta ito sa likod ni Ion at napahawak sa braso nito. Miski si Vice ay hindi gusto ang inaasal ng babae.
"Is that what I think it is? Ipinagpalit mo ko diyan? Sa baklang yan?" nataray na sabi ni Girly. Hindi naman nagustuhan nila Billy,Vhong at Ion ang sinabi nito. Lalo na si Vice.
"Girly stop it! Sumosobra ka---" naputol ang sasabihin ni Vhong. "Shut up Vhong!" mataray na sigaw ni Girly.
"No you shut up b*tch! You're just an ex so you better act like one." Sigaw ni Vice na pumunta sa harap ni Ion. Hinawakan ni Ion ang kamay ni Vice.
"Ano naman kung bakla siya. Mas babae pa to magmahal sayo! Now leave!" galit na sigaw ni Ion. Nagdadabog na kinuha ni Girly ang bag niya at lumakad na papunta sa pinto. "This is not the end Ion. Babae at babae parin ang hahanapin mo!" sigaw nito at lumabas na.
Nilingon ni Ion si Vice at sinabing,"I'm sorry for what she said Love. Don't listen to her." Vice smiled at Ion. "It's okay." maikling sagot nito at nagnose to nose naman silang dalawa.
"Ayooonnn! Wait lang,bili lang ako ng pangspray sa langgam! Nilalanggam na kayo eh hahaha." pangaasar ni Vhong. "Brad,akyat muna ko. Liligo lang ako." paalam ni Billy. "Ako din." maikling sabat naman ni Vhong.
"Dito ka muna,I'll just do the dishes." sabi ni Ion. "Sama na lang ako sayo sa kusina." sagot naman ni Vice. Ion kissed Vice pero smack lang.
While Ion is doing the dishes,Vice just stares at his back. He slowly moves closer to him and hugged Ion from the back. Ion smiled.
"Pinaglihi ba sa sama ng loob yung ex mo." natatawang sabi ni Vice. "Hay nako,ewan ko ba don. Siya tong humingi ng space tas nung binigay ko,hahabol habol naman." walang ganang sagot ni Ion na ngayon ay binabanlawan na ang mga plato.
"Baka naman gusto mo pa yon." nagtatampo-tampohang sabi ni Vice. "Ayoko na no. May iba na kong gusto." sagot ni Ion ng nakangiti. Natapos na niya ang kanyang ginagawa ngunit ayaw parin umalis ni Vice.
"Wehhhh." pangaasar ulit ni Vice. "May iba nga sabi akong gusto eh." sabi ni Ion. Kumalas naman si Vice sa pagkayakap kay Ion at tumalikod dito. "Oh eh bat galit ka? Sino na bang gusto mo?" tanong ni Vice. Si Ion naman ay humarap kay Vice. "Eh di yung kaharap ko." Sagot ni Ion na nakapagpangiti naman sa nasa kanyang harapan. Hinalikan niya ito ulit.
"Hatid mo na muna ako samin Love." sabi ni Vice habang hinahaplos ang buhok ni Ion.
"Agad? Pwede bang mamaya na lang." sabi ng lalaki at niyakap naman si Vice. "Ito naman oh,maliligo lang ako. Pwede naman ulit tayong magkita mamaya eh." sabi ni Vice habang hinahaplos ang likod ni Ion."Eh di dito ka maligo,sabay tayo. Gusto mo ba yon?" mapangakit na sabi ni Ion. "Tigilan mo nga ako hahaha. Napaka cute naman nitong Love ko! Ihatid mo na muna ako samin at kunin mo yung huling damit na pinahiram mo sakin." sabi ni Vice. "Okayy fineee. Pero don na muna damit ko sayo,just incase na baka dun naman ako matulog diba?" sabi ni Ion at hinila papalapit si Vice. Nagnose to nose naman ulit ang dalawa.
"Sige hahatid na kita,ligo lang ako." sabi ni Ion. "Okay."
Umakyat ang dalawa sa kwarto ni Ion upang kunin ang bag ni Vice. Pagkapasok ay agad na kinuha nito ang kanyang bag. Lumapit naman si Ion dito at hinalikan sa labi si Vice.
Vice responded at Ion's kiss. Entering each other's mouth with their tongues. They made out again.
"Maligo ka na! Bilisan mo." natatawang sabi ni Vice. Naligo na si Ion ng mabilis at pagkatapos ay nagbihis na ito.
After a few minutes,bumaba na sila at naabutang nanonood ng TV si Billy at Vhong.
"Oh Vice,uwi ka na?" tanong ni Billy. "Oo,ligo muna din ako." sagot nito. "Sige ingat kayo." sabi naman ni Vhong.
Lumabas na ang dalawa. Pinagbuksan ni Ion ng pinto si Vice. Pumasok narin si Ion. Sinabi naman ni Vice ang address ng bahay nito at umalis na sila.
While driving,"Love sorry talaga dun sa nangyari kanina ah." sabi ni Ion na saglit nilingon si Vice. "Okay na nga yon Love. I just did not like the way how she acted earlier." sagot nito.
They arrived at Vice's house. It was already 11:09 am. Pinagbuksan ulit ni Ion ng pinto si Vice. Sakto namang lumabas si Nanay Rosario at nakita ang kanyang anak at ang kasama nito. Binuksan ni Nanay ang gate.
"Oh anak nandyan ka na pala?" nakangiting bati ni Nanay Rosario. Nagmano si Vice,sinenyasan niya si Ion na magmano rin. Hinawak ni Vice ang kamay ng kanyang kasama. Kinabahan naman ng bahagya si Ion.
"Ito ba si ano...ano ngang pangalan mo anak?" nakangiting tanong ni Nanay kay Ion. "I-Ion po. Ion Perez po." nauutal na sagot nito. Natuwa naman si Ion dahil tinawag siya nitong anak at ganoon din si Vice.
"Oh hala pasok kayo. Malapit na matapos yung niluluto ko." anyaya ni Nanay Rosario. "Tara na Love." lingon ni Vice sa kasama. Pumasok na ang dalawa kasunod ni Nanay.
___________________________________
YOU ARE READING
Falling for you
FanfictionAn unexpected love and journey of two people that are very focused and hardworking who were distracted by the thing called "love"