General
After a few months...
Muling nagsama si Vice at Ion sa iisang bahay. Muli ulit silang nag-umpisa matapos madapa. Unti-unti silang bumabangon at binubuo ang kanilang mga sarili. Hindi naman naging mahirap iyon dahil nasa piling sila ng isa't isa.
"Hello Love? Sorry umalis agad ako ha,may inintindi kasi kami ni Budi. May food ka na diyan sa lamesa,nagluto ako bago umalis. Kumain ka ha? Pag walang bawas yang ulam,konyat ka talaga sakin."
Narinig naman ni Vice ang bahagyang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya,"Hoy wag kang loloko-loko,seryoso ako sa sinasabi ko."
"Opo Love,ikaw ba? Kumain ka ba kanina bago ka umalis?"
"Syempre naman. Wag mo na akong alalahanin,busog na busog na ko sa pagmamahal mo,di ko na kailangan kumain."
"Aysus,pinapakilig mo naman ako eh. Anong oras ka ba uuwi?"
"Wala ka bang lakad ngayon? Mamaya na po akong gabi makakauwi eh. Pupuntahan ko si Nanay tapos didiretso na 'ko sa bar."
"Sige,pupuntahan ko na lang din si Nanay mamaya. Text mo na lang ako. I love you Betlaaaa."
"I love you Betnog. Sige na,mamaya na ulit. Bye-bye."
Bago pa man makarating sa kusina si Ion,sinalubong naman siya ng kanilang napaka cute na aso,"Good morning Chip In! Today is the day that the Lord has made." natawa naman ang lalaki sa kanyang sinabi,"Matagal nating hinintay to,sana hindi tayo pumalpak. Kain muna ako ha."
Tumungo na siya sa kusina at nakita ang pagkain na niluto ng nobya. Napansin niya na may nakadikit na sticky note sa kanyang plato,"Good morning my Love! Eat well! Mwah!" malakas niya itong binasa at napangiti naman siya.
Pagkatapos kumain ay agad siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Muli na naman siyang nakakita ng sticky note na nakadikit sa may salamin. Kinuha niya iyon at muling binasa ng malakas,"Maligo ka ng ayos ha! Iha-hug kita ng napakahigpit mamaya eh! :)"
Muling napangiti si Ion at naligo na nga ito. Pagkatapos niya ay lumabas na siya ng banyo para magbihis,isa na namang sticky note ang kanyang nakita.
"Just in case na aalis ka,suotin mo to Love ha? Para terno tayo ng damit! Loveyouu!"
"Walang duda,ikaw ang nakatadhana para makasama ko ng habang buhay. Humanda ka ngayong araw Love." sabi naman ni Ion sa sarili. Pagkatapos magbihis ay tinawagan niya ang nobya,"Love,hindi pala ako makakapunta diyan kina Nanay mamaya. May biglaan kasi akong lakad eh."
"Sige,text mo ko kung nasan ka ha? Ingat ka,I love you."
Pagkababa niya ng tawag ay tinawagan naman niya ang mga kaibigan,"Hello Bro? Available ba kayo ngayong araw? Kailangan ko kasi ng tulong niyo."
Agad namang sinabi ni Ion ang dahilan ng kanyang pagtawag. At mabilis na sumang-ayon ang mga kaibigan niya.
______________________________________________
"Meme? Ano bang ginagawa natin dito? Akala ko ba tapos na,okay na?" nag-aalalang tanong ni Buern sa kaibigan,"Tatapusin ko ng ayos." walang emosyong saad ni Vice at pinindot na ang doorbell.
"Ano daw?" takang tanong ni Archie kay Buern.
Matapos ang saglit na paghihintay ay bumukas na ang gate at bumungad sa kanya ang isang lalaki,"Yes?"
"I came here for Girly,where is she?" maayos at malumanay na tanong ni Vice sa lalaki,"And you are?" tanong naman ng lalaki,"Tell her it's Vice,I just want to talk to her."
YOU ARE READING
Falling for you
FanfictionAn unexpected love and journey of two people that are very focused and hardworking who were distracted by the thing called "love"